Dumating na kami sa bahay at dala ng pagod after kumain ay dumiretso na agad ako sa room, patulog na sana ako ng biglang pumasok si mama sa kwarto, tinitignan kung gising pa ako. Di niya makikita dahil nakatalikod ako at nakapatay ang ilaw, lumapit siya at umupo sa tabi ko. Hinaplos ni mama ang buhok at sinabing "kelan ka aamin sakin anak, alam ko namang pusong babae ka. Sana dumating ang araw na magkaruon ka ng lakas ng luob na sabihin sakin ang lahat ng nasa puso mo, mahal na mahal ka ni mama". Kinantahan niya pa ako ng hele saka niya ako ako hinalikan sa pisngi bago lumabas. Naluha ako, iniisip ko na walang makakatanggap sakin, na ang buong pagkatao ko ay isang kamalian. Pero ito si mama, ang tanging tao na naniniwala sakin, I can never thank her enough. Nagpatuloy nalang akong nagpapanggap na tulog ako pero deep inside puno ng kasiyahan ang puso ko at gustong gusto kong yakapin si mama.
Kinabukasan, maaga akong nagising para mag try mag luto, kahit na bata ako hindi naman ako yung tipong walang silbi sa bahay, lalo na at dalawa na lang kami ni mama ang magkasama sa buhay. Nag ready nako ng lulutuin, pritong itlog lang at hotdog ang kaya kong gawin, di ko naman na kailangan magsaing kasi may kanin pa mula kagabi He He. Maya maya pa ay lumabas na si mama at nagulat dahil may pagkain na kami. "Psion anak! Ano to?! wooow ikaw ang nag luto nito?!". Opo ma! hihihi humahagikgik ako. "Ang sweet sweet naman ng baby ko, pakiss nga!". Mama naman big boy nako! "big boy ba talaga?" at natawa na lang kaming dalawa. Kumain na kami at patuloy na nag usap punong puno ng tawanan ang hapag minsan sinusubuan niya pa ako, kung meron mang abilities na makabilik sa nakaraan, ito ang lagi kong babalik balikan. :)
Pumasok na ako sa school, kinamusta ako ng guidance councilor at ng sinabi kong okay naman ako ay pinayagan na nya ako magpatuloy sa klase. Pagdating ko sa classroom namin napansin kong wala si Billy, baka nagpapagaling pa sa Hospital. Kawawa naman, pero inisip ko karma na lang niya yun, nakakapag taka lang na bakit bigla syang di nakapagsalita, natatandaan ko pa ang itsura nya nung araw na yun, mukha syang puffer fish nanlalaki ang mata at nakabuka ang bibig, natatawa ako ng biglang "Ehem, Ehem Psion Trancy what are you standing there for? Take your seat!". Opo Ma'am Clarita, nangingisi padin akong naglalakad papuntang upuan ko.
Nag ring na ang bell at sa wakas lunch break na Haaayy! Thank You Lord makakakaen nako sa school after a long time! Excited akong pumunta sa Canteen at sakto mukhang masarap yung fried chicken na niluto. Pagkatapos kong umorder, nag hanap ako ng upuan at nakita ko ulit yung John, gusto ko sanang lumapit sa kanya para maging magkaibigan kami kaya lang mas pinapangunahan ako ng hiya, kita ko naman na papalapit na yung Andrew kaya minabuti ko nalang na wag na lumapit. Papunta na sana ako sa isang upuan ng may pumatid sakin, nadapa ako at tumapon ang pagkaen ko. Nagtawanan ang mga bata sa paligid, nagpagpag nalang ako ng uniform pagtayo at pagtingin ko nakatingin sakin si John, bakit parang may saya ako sa puso kahit na napahiya ako sa mata ng madaming tao. Ngunit ang sayang yun ay napalitan ng galit ng biglang magsalita ang isang schoolmate ko "di kasi natingin sa daanan, paano bulag kasi, magkaiba ang kulay ng mata" isang babae na naka ponytail ang buhok na feeling maganda, nagtawanan sila ng mga kaibigan niya at nag apiran. Sa galit ko tinitigan ko ang tinidor na hawak ng kaibigan niya at ang mukha nung batang babae ng biglang lumipad yung tinidor at nasaksak ang mata ng babae. Nagsigawan sila sa takot at nagkagulo sa canteen, nabigla din ako, dumating naman ang mga teacher at inalalayan ang babaeng nang away sakin papunta sa clinic. Nagmamaka awa naman yung kaibigan nya sa pagsusumamong hindi daw sya ang may gawa nun. Tumalikod na ako at umalis, may guardian angel kaya ako? Tanong ko sa sarili ko.
Pagkauwi ko sa bahay, kinuwento ko kay mama ang nangyari sa school maliban dun sa natapon ang pagkaen ko. Nag alala naman sya para sa kalagayan ko, sabi ko naman ayos lang ako. Pagkatapos kumaen ay may araw pa naman, nagpaalam ako kay mama kung pwede ba akong lumabas ng bahay. Pinayagan naman ako ni mama, palukso lukso pa akong lumabas ng bahay dahil minsan lang ako nakakapag laro, napahinto ang pag lukso lukso ko ng makita ko si John umiiyak. Lumapit ako sa kanya at base sa narinig ko ayaw makipag laro sa kanya ng ibang bata samin. Nag ipon ako ng lakas ng luob para ayain syang makipag laro pero sinigawan niya lang ako at sinabing "ayaw ko sayo pangit ka!" tsaka tumakbo palayo. Nanigas ako sa kinatatayuan ko habang tinitignan syang tumakbo palayo, nasaktan ako sa sinabi niya. Umuwi na lamang ako at patagong dumiretso sa kwarto ko tsaka umiyak sa unan.
*End of Chapter 04*
BINABASA MO ANG
PSION
General FictionThis is the continuation of IMPERIUM, it will focus more from Psion's perspective. What happened to his past, how did he end up as the commando of the Empire and the aftermath of the 4th Great War.