11-Indoctrination

1 0 0
                                    

**Makalipas ang ilang linggo**

Zee: Huy! Huy! Nagmumukha ka ng Giraffe dyan! Humahaba na leeg mo kakaabang dun kay Leomer mo

Psion: Ano ba, baka mamaya dumating yun di ko pa masalubong

**pero tumagal muna ang isang buwan bago ulit nagpakita si Leomer kay Psion, ngunit ng magkita sila parang di na naman matandaan ni Leomer si Psion, parang wala lang ulit ito sa kanya, nagtataka si Psion dahil dalawang beses ng may nangyari sa kanila pero bakit parang tuwing magkikita sila parang wala itong matandaan tungkol sa kanya. Lumapit ulit si Psion at nagpakilala, may pangamba sa puso na baka may sakit sa ala-ala si Leomer. Gayonpaman, ay labis padin ang saya ni Psion na makita si Leomer kung kaya ay inakit nya ulit ito. Gaya ng nangyari nung unang dalawang tagpo nila ay inuwi muli siya nito at may nangyare sa kanila. Only this time, kailangan ay umuwi kaagad ni Psion dahil dadating daw ang mga bisita ni Leomer, wala namang problema kay Psion, ang importante para sa kanya ay nagkita sila ni Leomer. Nakangiti pa si Psion habang naglalakad pauwi inaamoy ang sarili dahil kumapit pa ang amoy ng katawan ni Leomer sa kanya. Masaya man si Psion, ay hindi nya namamalayan na sa pagnanais nyang makatanggap ng pagmamahal ay nag iba na ang pananaw niya sa kung paano dapat ito natatanggap at kung ano ba ang totoong pagmamahal, para sa kanya ang importante ay nabibigyan ng atensyon ang kagaya niyang madalas ay nilalagpasan lang sa lipunan, ang makatanggap ng panandaliang saya dahil alam niya sa sarili niyang ang kasiyahan na natatamasa niya ay pansamantala lamang. Dala nadin ng mga pinagdaanan nya sa buhay, lumaki si Psion sa pag iisip na hindi sya mahalaga at wala syang silbi sa paningin ng lipunan. Hindi naman siya nagkamali sa pansamatalang kaligayahan na iniisip nya dahil lumipas ang mga araw at linggo ngunit wala pa ding, nagpaparamdam na Leomer. Napag desisyunan ni Psion na sya na ang pumunta sa condo ni Leomer, nagdala pa sya ng Donuts bilang pasalubong. Umuulan nuon, kaya nahirapan si Psion na makarating sa lugar ni Leomer, basang basa man ay excited padin syang pumasok sa building kung san nakatira si Leomer. Kumatok siya ngunit walang sumasagot, binuksan niya ang pinto at wala naman itong lock, nabitawan niya ang bitbit niyang Donut sa nakita...Si Leomer, may kayakap na ibang lalake habang nakahubad, hindi makapaniwala si Psion sa nadatnan, ang tanging nakakapag pasaya sa kanya ay wala na. Unti unti ay umatras si Psion mula sa kwarto, tahimik na isinara ang pinto. Tsaka napaupo sa gilid nito, tinatakpan ang bibig habang umiiyak

"Kaya ba tuwing nagkikita kami hindi niya ako matandaan kasi kahit kailan wala namang akong halaga sa kanya?"

Punong puno ng sakit ang nararamdaman ngayon ni Psion sa puso niya, mas lalong umigting sa pag iisip nya na walang kahit na sino ang magmamahal sa kanya. Lumuluha siyang umalis at bumalik sa lugar na tinutuluyan nila, habang umiiyak sa gitna ng ulan ay may napansin syang kaguluhan mula sa building nila. Mabilis siyang tumakbo papunta sa eksena ng kaguluhan ng makita nya ang kaibigan niyang si Zee na hinuhuli ng Sanctum Religious Police.
Nagmakaka awa si Zee na pakawalan sya ng mga police ngunit napakarami nito at nakaposas na sya. Napaka pamilyar ng ganitong eksena sa kanya, nakita nya ang batang sarili nya na nagmamaka awa at walang tumutulong na mga tao sa paligid, bagkus ay pinagtitinginan lamang ito at nagbubulungan. Agad niyang nilapitan ang mga police para magmakaawa na pakawalan ang kaibigan nya, humawak sya sa braso nito ngunit itinaboy lamang sya kaya tumalsik si Psion sa lupa, agad naman siyang bumangon para kagatin sa binti ang police ngunit sinipa sya nito. Bumunot ng baril ang police at biglang nakawala si Zee mula sa mga hawak nito, saktong napayakap sya para takpan si Psion ng kinalabit ng police ang trigger, agad namang dinakip ng mga kapwa police yung namaril at si Zee ngayon ay nakapatong kay Psion. Bumangon si Psion at inihiga si Zee na ngayon ay naghihingalo na.

Zee: Fre..Friienndd, kamusta kayo ni Leomer

Psion: (umiiyak), Huwag mo na isipin yun, wala na kami

Zee: (umubo ng dugo) Mu..mukk....mukhaaannggg ddiiinnaa koo tttaaataagall... Taaannnddaaann mo waaaaggg kkaaanngg mmaa...maaaggg paaa paaaa aaapiiii..

Pagkatapos ay huminga ng malalim si Zee at tuluyan ng binawian ng buhay, ipinikit na ni Psion ang mga mata ni Zee.

Pumikit si Psion, nanginginig hindi dahil sa lamig na dala ng ulan kundi sa tindi ng galit na namumuo sa puso niya, dumilat ang mata niya at tumingin sa langit sabay sigaw ng TAMA NAAAAA! Biglang ang mga patak ng ulan ay huminto mid air na para bang naka pause ang paligid, saka tinignan ni Psion ang kumpulan ng mga Sanctum Religious police, mabilis na bumiyak ang lupa mula sa kinauupuan nya papunta sa kinatatayuan ng mga police at nagsitalsikan ito na para bang may tumulak sa kanilang pwesto. Tumayo si Psion at tinignan ang kotse ng mga police, natanggal ang pinto nito at kinumpas ni Psion ang kamay niya ng paikot kasabay nito ay natupi ang metal na pinto ng sasakyan at naging korteng blade disc, lumingon sya sa direksyon ng mga nakikichismis sa paligid,

"mga taong walang pakialam, may kakayanan kayong tumulong sa kapwa pero mas pinili nyong magbulag bulagan"

Kinumpas niya ang kaliwang kamay at mabilis na lumipad sa direksyon ng mga nakiki usyoso ang blade disc, nag mistulang palay na inani ang mga ulo ng tao ng humiwalay ang ulo nila sa katawan at magtalsikan ito dahil sa bilis at talim ng blade disc na dumaan sa kanila. Bumangon naman ang mga police at sumigaw ng "open fire! Request for reinforcements!".

Natawa si Psion at sinabing "request denied". Sabay tinignan yung police na may hawak na radio. Biglang bumitaw ang radio sa kamay nung police, sapilitang bumuka ang bibig nito saka pumasok ang radio sa bibig nung police. Samantala nag paputok naman ang mga police ngunit huminto lamang sa gitna ang mga bala at ng tignan sila ni Psion ay tumalikod ang mga bala at bumalik sa mga police. Patay lahat ng nasa scenariong iyon maliban dun sa may radio sa bibig na police na nasusuka habang pinipilit pading hatakin ito palabas. Dahan dahan niya itong nilapitan at ng nasa harap na siya ng nakahigang police na nagpupumiglas, binali niya ang mga braso at binti nito saka hinatak ang radio gamit ang isip niya. Umupo sya sa dibdib ng police na ngayon ay di na makagalaw.

Police: Si...sino ka?! Sugo ka ba ng Diablo?! Tumigil ka na! Mali itong ginagawa mo! Mananagot ka sa Holiest!

Psion: Shhhhhh.... Yes I am the devil's only daughter. But you too! You people are no different from me, from us... Your sins... the sins you have committed against us, makes us all one! In hell's view.

Hinawakan ni Psion ang pisngi ng police at tinitigan ito sa mata, sumigaw ng malakas ang police! Sumigaw ito ng sumigaw hanggang sa bumula ang bibig nito at mawala ang itim ng mata nito. Tumawa si Psion ng malakas tsaka tumayo, naglakad sya kaunti papalayo sa eksena ng makaramdam sya ng panghihina, unti unti siyang nanlambot marahil ay nasobrahan ang gamit niya ng kakayahan nya. Natumba na lamang si Psion sa gitna at saka lamang pumasok sa eksena ang isang grupo ng mga tao para kunin sya.

Bago mapikit si Psion ay narinig niya ang isa sa kanila na nagsabing "bilisan niyo bago siya makarecover, isakay nyo agad sa transportcopter para mailipad sa Arkship ng Empire, mapapasatin ang tagumpay laban sa Sanctum at Cresentium".

Nanghihina man ay muling saglit nabuksan ni Psion ang paningin niya para tignan ang paligid, mukhang nasa isang malaking container sya na puno ng tubig, nakasuot lang sya ng oxygen mask at walang kahit na anong saplot sa katawan. May nag uusap na dalawang babae sa harap ng container nya ng matigil ito dahil napansin siya "He's gaining conciousness, Secretary Eva, begin the subject's ability enhancement". Sumagot naman yung babae ng "Yes my Empress, Team! commence Telekenesis enhancement and memory erasure, sedate the subject" bago tuluyang napikit si Psion.

*End of Chapter 11*

PSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon