**Dumating na ang pwersang militar ng Imperium sa lokasyon ni Psion, mula sa long range camera ng mga helicopter ay nakita nila itong nakatalikod at nakatingin sa horizon. Lumapit na ang pwersa ng Imperium at hinarap na sila ni Psion, "Wala talaga kayong balak na tigilan ako" aniya. Nagumpisa na ang labanan, umangat mula sa cliff si Psion this time ibinubuhos na nya ang lahat ng lakas niya dahil nakita niya na madami ang kalaban, parang alon na papalapit sa pampang. Umangat siya ng napaka taas at pinaigting ang pwersang bumabalot sa katawan upang proteksyunan ang sarili.
"Open Fire!" sabi ni Mallari at mula sa itaas ay nagpakawala na ng missiles ang mga helicopter, tumama ito sa direksyon ni Psion, ng humupa ang usok dahil sa pagsabog, kitang wala man lang naging galos si Psion, "you all wanted to hurt me!" ngayon si Psion naman, iwinasiwas niya ang kamay niya habang matalim na nakatingin sa mga helicopter. Kasabay nito ay humampas ang isang helicopter sa mga katabi nitong lumilipad na helicopter. Sumunod namang bumubulusok papunta sa kanya ang mga jet fighter, pinalibutan siya ng dalawang fighter nag paikot ikot to sa kanya, tinignan nya ng maige yung isang jet at hinatak palabas dito yung piloto tsaka ito itinapon sa dagat, ikinumpas naman ng malakas ni Psion ang kamay niya at yung isang jet ay nahati sa gitna. Sunod namang nagpaputok ang mga tangke sa direksyon nya, sinimulang iangat ni Psion ang dalawang kamay tsaka ito ibinigsak ng malakas, nanginig yung lupa at nagkaruon ito ng mala alon na pag kilos dahilan para magsitalsikan ang mga tangke. Nagpaputok na din ang mga sundalo, kabilaan ang pagpapalutok nila na animo'y isang artista si Psion na kinukuhanan ng litrato ng mga paparazzi sa dami ng silaw na nanggagalin sa baril ng kalaban papunta sa kanya. Wala naman itong silbi at ang ginawa niya ay tinanggalan ang mga ito ng baril at ipinalibot sa kanyang sarili bago siya bumaba sa lupa upang ipaikot ang mga ito habang bumabaril. Umulan ng bala sa paligid at nangamatay ang mga sundalo. May ilang nakaligtas at sinubukas syang ambahan ng saksak ngunit pinigilan niya ito mid air tska inihiwalay ang ulo sa katawan. Patuloy ang pagdating ng mga tangke sa bakbakan, pero isa isa nya lang itong pinapalutang sa ere at kinakalas. Ginamit niya ang mga bala ng mga nakalas na tangke para pasabugin sa mga dumadating pa na sundalo. Yung mga rumeresponde naman na jet fighter ay isa isa nya ding pinitas sa ere na parang namimili ng prutas na papabagsakin. Punong puno na ng debris ang paligid, ang kaninang mapayapang lugar ay naging isang warzone.
"I'm losing too much men here! What are we going to do!? We're not even scratching him!" sigaw naman ni Mallari sa radio. "We're almost there!" sabi ni Lancolm. Natigil naman sa pag raradio si Mallari ng mapansin niyang masyado ng tahimik sa lugar, nagulantang siya ng paglingon niya nasa likod na niya si Psion at galit na galit na nakatingin sa kanya.
Psion: Why are you so eager to kill me?!
Mallari: You are a killer! You are a fugitive! You will never stop killing until all of us are dead!
Psion: Perhaps... but I have found solace... I just wanted to be happy pero pinagdadamot nyo sakin yun!
Mallari: If you find happiness in killing then you are crazy! Di ka titigil hangga't di mo kami napapatay lahat!
You even killed Eva as a start!Psion: Kayong lahat ang may kasalanan nito sa umpisa pa lang! Itinulak nyo ako ng itinulak hanggang mapasandal ako sa pader at manlaban! Kung walang kagaya ko na manlalaban patuloy kayong mang aapi gaya ng dati! OO! Pumatay ako ng madami! Yun ay upang protektahan ang sarili ko! Pero ngayong sinusubukan ko namang sumaya, papasok na naman kayo sa buhay ko para sirain ang mga pangarap ko! Ang tingin nyo sakin ay palaging ako ang masama, pero tinignan nyo na ba ang sarili nyo sa salamin! Sa mata ng mga napaslang at mga inapi nyo dati kayo ang masama! at higit sa lahat, nagkakamali ka dahil hindi ako ang pumatay kay Eva!
Mallari: Sinungaling ka! Mamamatay tao ka na sinungaling ka pa!
**Bumunot ng baril si Mallari at pinaputukan si Psion ngunit nagbara ang bala nito sa handgun, at napamura na lamang si Mallari.
Lumabas na sa tent si Psion dala ang ulo lamang ni Mallari at itinaas niya ito sa para makita ng isang helicopter na rumiresponde. Naiwan naman ni Mallari ni bukas ang radio kaya napakinggan nila Lancolm at John ang sagutan ng dalawa, naiyak at nagalit naman si John dahil sa nakitang ulo na lamang ni Mallari sa Monitor.
John: Aaaahhhhh!!!! Magbabayad ka Psionnnn! Lancolm!mauuna nako tatakbo nako ng mabilis para makarating sa location, ako na mismo ang haharap sa kanya. Iset-up mo na itong machine at sumunod ka na lang.
Lancolm: Mag iingat ka John!
Paalis na sana si John ng bigla syang hawakan sa braso ni Lancolm at hinalikan siya, nagulat si John pero niyakap na din niya si Lancolm at ginantihan to ng halik tsaka bumitaw..
Lancolm: Mag iingat ka John, hindi ko alam kung anong mangyayare pagkatapos nito, kung gagana ba itong plano, kung mabubuhay ba tayo. Pero kung ano pa man yun gusto ko sana sabihin na .... gusto kita
**Ngumiti si John at hinalikan saglit sa labi at noo si Lancolm bago ito niyakap ng mahigpit at tumalon na mula sa sinasakyang Military Transport...**
*End of Chapter 18*
BINABASA MO ANG
PSION
General FictionThis is the continuation of IMPERIUM, it will focus more from Psion's perspective. What happened to his past, how did he end up as the commando of the Empire and the aftermath of the 4th Great War.