Chapter 01

1.6K 63 149
                                    

Talk

"What the heck did you just say, Cob?" I couldn't believe what my best friend, Jacob, had told me right now. I just couldn't.

Jacob Ian Mariano is not your typical boy next door. He has this kind of face that makes people stop amidst their tracks. His dark brown hair is thick, but soft and lustrous. Then his deep ebony-colored eyes were mesmerizing and expressive. And his body is strong and defined, not ugly to look at. Plus, the attitude, total package ang kuya niyo!

Nakasimangot siyang humarap sa akin at pinasadahan ng kamay ang kaniyang buhok. Napaiwas ako ng tingin dahil doon. I sighed as I was trying to calm myself down. My best friend looks so hot, and I won't deny that fact. Given na both of his parents were good-looking. Hindi maipagkakaila na maipa-pass down sa kaniya ang ganitong klaseng pagmumukha. Napaghahalataang peyborit ni Lord ang mokong.

"Are you serious, Jacob? Baka naman prank lang 'yan, ha!" I said while laughing awkwardly. Hindi pa rin makapaniwala sa sinabi niya kanina.

"I told you, Tinay. Mara broke up with me for God-knows-what-reason yesterday." Ngumuwi ako nang marinig ang pangalan ng girlfriend niya. Or should I say, ex-girlfriend?

Simula pa lang talaga noong ipinakilala sa akin ni Cob ang Mara na 'yon ay hindi ko na gusto ang pag-uugali niya. Ayaw niya sa akin at nirerespeto ko 'yon. Kaya nga tuwing magkasama sila noong high school ay ako na lang ang umiiwas para wala na lang siyang masabi. Halata naman kasi na plastik siya. They started going out noong Grade 8 kami. Their relationship lasted for almost 5 years. A very young love at that, huh. Jacob was also faithful and loyal so I couldn't think of the best reason for her to breakup with him. Anong nakakapagod kay Jacob? Tsk.

At ngayon, nagrereklamo sa akin ang best friend ko dahil nakipag-break sa kaniya ang Mara na 'yon kahapon. I really want to comfort my best friend pero marinig at maisip ko pa lang ang pangalan ng babaeng 'yon ay hindi ko mapigilan ang mainis at... mainggit. Hindi siya ma-take ng brain cells ko.

"What happened ba? Paano nakipag-break sa'yo?" I asked, kunwari interesado.

Tumikhim muna siya bago magsalita. "Kasi..." He took a deep breath before speaking up. "Nag-aaral ako kahapon sa may tapat ng Beato, kasi may exam ako sa History of Architecture after ng vacant ko, tapos nag-text siya sa'kin na magkita raw kami sa Lover's Lane so I went there because it seemed really important. I mean she's important to me, it's only natural for me to go to her every time she asks me to, right?"

"Oh tapos?" Sabi ko at ininom 'yong frappe na nabili ko kanina sa Starbucks dito sa UST. Dumayo pa talaga ako dito from Taft para lang damayan 'tong broken kong best friend. Hay nako talaga!

"Then we talked about a lot of things, ni hindi ko nga napansin na makikipag-break pala siya noon. Tapos noong sinabi ko na babalik na ako kasi may exam pa ako, doon niya na sinabi." Napatunganga ako kay Cob nang takpan niya ng dalawang kamay niya ang mukha niya. Then I heard him sobbed. Damn, he's crying na.

"When she told me that she's breaking up with me, I was just about to ask her the reason pero inunahan niya na ako. Huwag ko na raw alamin 'yong rason dahil wala na rin naman daw kwenta pa. Pagod na raw siya." He was already sobbing. I let out a deep sigh and waited for him to continue. Hindi pa 'yan tapos alam ko.

"Tangina, napapagod rin naman ako pero kahit kailan hindi ko naisip na sukuan siya. Kahit alam kong ayaw niya sa 'yo, sinubukan ko pa ring intindihin 'yon. Hindi ko 'yon ginawang rason para iwan siya, because I love her. Tapos ngayon... ito..." I heard him let out small curses after. He was still crying, and I couldn't figure out what to do, not when I heard him include my name.

Pakiramdam ko'y maiiyak na rin ako dahil bigla akong napasama sa sinabi niya. He was thinking of how Mara treated me, hindi man halata, pero ramdam niyang ayaw sa akin ng ex niya. Despite that, he still tried to understand her. My goodness, why does he have to be so... kind?

Spectacular LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon