Chapter 35

430 12 24
                                    

Coward

"What are you saying, baby? I can't ... seem to understand," nanginginig kong sabi.

It's possible that I only heard him wrong, right? Because him wanting me to be away from him seems impossible. Siya 'tong nagsabi na hinding hindi niya ako bibitawan pa, so bakit? Bakit niya 'to sinasabi sa akin ngayon?

I don't... I don't understand.

"I need you away from me, Tinay. I want you away from me," he said firmly. It was as if he's trying to emphasize each world so I would hear it better and understand it more. Pero hindi pa rin. Hindi ko talaga maintindihan.

Tumayo ako at naglakad palapit sa kaniya. When he noticed me walking towards him, he turned to face me. His eyes were still the same, screaming nothing but darkness. Para bang hindi niya ako kilala, para bang hindi niya ako mahal.

When I got near him, he stiffened and looked away. I reached for neck and tiptoed so I could kiss him, but he suddenly pushed me away from him. My eyes widened, shocked by what he just did. Kita ko rin ang gulat sa kaniyang mga mata pero agad din itong napalitan ng ekspresyon niya kanina.

Mas lalong sumikip ang dibdib ko. Parang pinipiga ang puso ko sa nakikita ko ngayon. Para akong binubuhusan ng malamig na tubig dahil sa mga titig niyang kasing lamig ng yelo.

"Jacob, what's wrong? Did I do something wrong?" Tanong ko sa kaniya, sinusubukang lumapit ulit pero napatigil ako nang lumayo siya sa akin. He looked away again and pursed his lips.

"Umalis ka na lang please," he said coldly. Umiling ako at sinubukang pigilan ang mga luhang nagbabadya na namang tumulo. Masakit, pero kailangan kong maging matatag dahil relasyon namin ang nakasalalay dito.

Kung noon hahayaan ko siyang umalis, ngayon hinding hindi na. Hinding hindi ko na ulit uulitin ang pagkakamaling nagawa ko noon, 'yon ay ang bitawan siya. He told me he loves me, so much. Panghahawakan ko 'yon.

Hindi ko alam kung bakit naging ganito ang asta niya sa akin ngayon, pero susubukan kong intindihin. Aalamin ko kung ano ang problema at susubukan ko 'yong ayusin, 'wag lang siya ulit mawala sa akin. Kasi, hindi ko na kakayanin.

"Anong problema, Cob? Ayos naman tayo kanina, 'di ba? You told me you would wait for me in your condo, so I went there but you weren't there. Dumiretso ako dito kasi ramdam ko na mayroong mali, so please. Can you tell me what's wrong, baby? Please?" Pakiusap ko. His lips pursed even more.

"Wala, Tinay. Just... go home, please. Ayaw kitang makita," he said, and I could feel my heart tearing apart even more. Pigang piga na ang puso ko sa sobrang sakit. Nanghihina akong lumapit sa kaniya. I tried to reach for his hand, but he moved it away from me.

Tuluyan nang tumulo ang mga luhang pinipigilan kong tumulo. Tears started blurring my vision again. Sinubukan kong abutin ang isa pa niyang kamay na nakahawak sa first aid kit pero gaya ng kanina, hinawi niya 'yon. Tumama 'yong first aid kit sa coffee table sa likod niya kaya nagbukas 'yon at naglaglagan ang mga nakalagay doon.

"Damn it," mura niya habang lumuluhod.

Nagsimula siyang pulutin ang mga gamit at ibinalik doon sa first aid kit. I kneeled down as well and tried to help him pero hinawi niya ang mga kamay ko. Tahimik akong umiiyak doon habang sinusubukan pa rin siyang tulungan pero paulit-ulit niyang hinahawi ang kamay ko.

Sinubukan kong abutin 'yong betadine pero muli niyang hinawi ang kamay ko. "Tangina!" He shouted which made me almost jump on my position. "Sabi ko umalis ka na!" He shouted at me. "Fuck," he muttered a curse.

Sa gulat ko sa naging reaction niya ay napatayo ako bigla. Napangiwi ako nang maramdaman ang hapdi ng sigat sa tuhod ko. Dahil siguro 'yon sa pagkakaluhod ko kanina. Ni hindi ko napansin na iyong tuhod na pala 'yon ang nagamit kong pagluhod. Shit!

Spectacular LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon