Chapter 1

349 32 17
                                    





-Year 1998 Isla Muto Nui-

(Insert local dialect bahala na kayo mag isip kung anong klaseng salita meron sila. Ako din nahihilo sa pakikipag usap sa kanilang mga kasapi lol.. Nosebleed ako actually)

——————

Ang simula:


"Isang malakas na iri mahal na reyna!." Utos ng kumadrona. Huminga ng malalim ang reyna at umiri. Mahigpit itong kumakapit sa hari na nasa tabi niya at panay ang punas sa noo nito na butil butil na ang pawis.

"Aaaaaaahhhhhhhhhh! hhoooo! hhhoooo!!!"

"Malapit na! Isa pang malakas na iri!!"

"Hindi ko na kaya! Aahhhh whoooo!"naiiyak na wika ng reyna at hinang hina na ito.

"Mahal ko! Kaya mo yan.. malapit nang lumabas ang ating anak."pang aamo ng hari sa reyna.

Dahil sa sinabi ng nasabing hari muling umiri ang reyna.

"Ibigay mo ang pinakamalakas mong iri, matatapos din ito."turan ng kumadrona. Humugot ng lakas ang reyna at umiri nga ito.

"Hmmmmpppp... aaahhhhhhhhhhhhhj!!!"

"Uwaaaa! Uwaaaaa!! Uwaaaaaa!!

Malakas na iyak ng sanggol. Hindi naman agad nakapag salita ang kumadrona na ikinataka ng hari at reyna.

'uwwwwwaaa! Uwwwaaaa!'

"Bakit? Anong nangyari?" Tanong ng hari sa kumadrona.

"Ka-kakaiba ang hitsura ng inyong anak mahal na hari. Hindi siya pangkaraniwang sanggol a-at ba-babae ang anak ninyo." nauutal na wika ng kumadrona.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ng reyna.

"Tingnan niyo siya."sambit ng kumadrona. At umusod ang hari palapit sa paanan. Nakita niya ang napakagandang mukha ng bata ngunit nagimbal siya dahil sa ang paa nito ay buntot ng ahas.Kaya bigla itong napaatras.

"Aah!!! B-bakit naging ganyan yan!? A-anong nangyari sa anak ko?!"nahintakutang tanong sa kumadrona na napailing na lamang. "Ba-Bakit naging ganyan ang hitsura ng aming anak?" takang tanong ng hari.. Nagtataka din ang reyna kaya pinilit niyang bumangon upang tingnan ang bagong silang na sanggol.

Nang makita niya ito nanlaki ang kanyang mga mata. Nahintakutan ito sa itsura ng bata.

"Mahal ko! Bakit ganyan ang itsura ng anak natin!?"

"Hindi ko din alam aking reyna. Pero ang mas ikinatatakot ko baka saktan siya ng ating mga kawan lalo na kapag nakita nilang ganyan ang kalagayan niya."Wika ng hari at napunta ang kanilang mga mata sa kumadrona."Hindi siya maaring makita ng lahat. Isipin nilang isinumpa siya at maghahasik ng kamalasan sa ating tribu at bilang pinuno kailangan nating sumunod sa kanila. Pero bilang ama niya, kaligtasan niya ang kailangan nating unahin."tatango tango naman ang kumadrona at asawa niya.

"Ano ang binabalak mo aking mahal?"tanong ng reyna. Lumapit ang hari sa asawa at may binulong saka nabaling sa kumadrona ang kanilang mga mata.

"Bakit ganyan kayo makatingin mahal na hari at reyna?"

"Tulungan mo kami. Ilayo mo ang aming anak sa lugar na ito."pakiusap ng reyna.

"Ikaw Lang ang makakatulong sa amin na mailayo sa isla na ito ang aming anak."turan ng hari saka tiningnan ang umiiyak na reyna. "Dalhin mo sa malayo ang anak namin eskabeche. Sa lugar na walang makakakita sa kanya. Sa lugar kung saan ligtas siya. At pagdating niya sa tamang edad, sabihin mo sa kanya ang tunay niyang pagkatao."

The Love of Princess AmaranthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon