Kabanata 5
I'll Be ThereAS USUAL maaga akong nagising and I did my morning routine. Nag breakfast narin kami at tsaka pumasok sa school. Kuya Ian is driving me to school again at dapat talaga akong mag pasalamat dahil makakatipid ako sa pamasahe. Nag hanap kami ng parking space at nag paalam na rin sa isa't isa.
Dumiretso na ako sa room pero wala pa sina Liza at Yumero kung kaya't nag hintay pa ako.
"Good morning, Erin!" bati sa akin ni Liza at na upo ito sa katabi kong upuan.
"Good morning, Liz! By the way, eto na yung invitation mo para bukas." sabi ko sa kanya at inilahad ito sa harapan niya.
"Yay! I'm so excited, Erin! I still can't believe that you will be turning 18 tomorrow tapos ako naman sa Friday. Oh my god!"
"That's right! Hindi na rin ako makapaghintay sa birthday mo!"
"Good morning, bitches!"
Napalingon naman kaming lahat na nasa loob ng room nung dumating si Yumero.
"Yume!" tawag naming dalawa sa kanya.
"Yume, here's your invitation pala." Hinanap ko ito sa bag ko pero aksidenteng nasama yung isa pang invitation.
"May pagbibigyan ka pa, Erin?" tanong ni Liza.
OH NO! SHIT! PAANO KO BA TO SASABIHIN? NAHIHIYA AKO KAY LIZA.
Napakamot nalang ako sa noo ko. "Ahm... Ibibigay ko sana sa kuya mo, Liz."
"Ha?" takang tanong ni Liza.
"Hay nako sis! Crush kasi ni Erin si Kuya Shaun!" sabi ni Yumero tsaka asar itong ngumiti.
"What?! Crush mo si kuya, Erin?" sabat ni Liza at tumawa ito ng malakas.
SABI KO NA EH! NAKAKAHIYA! OH MY GOD!
"Sige ibibigay ko ito sa kanya." sabi ni Liza tsaka kinuha nito ang invitation sa akin.
"A-ako na." at binawi ko ito sa kanya.
Nanlaki ang mga mata ni Liza.
"S-saan ba siya mag l-lunch?" tanong ko ulit sa kanya.
"Oh my god! Seryoso? Crush mo talaga si Kuya?" hindi makapaniwalang tanong ni Liza.
Tumikhim naman ako at umayos na umupo. Napakamot nalang ako sa batok ko at tsaka tumango sa kanya.
"Okay! okay! Sabay kaming mag l-lunch ni Kuya mamaya. If you guys want to eat lunch with us then mas better!"
"Sure sis! Para may support din si Erin mamaya! Baka mag stutter at hindi maibigay yung invitation eh." sagot ni Yumero at humalakhak ito.
Binigyan ko naman ito ng humanda-ka-sa-akin-look at tumigil din ito sa kakatawa. AYOKO NA NGA KASAMA SI YUME! BAKA ASARIN LANG AKO MAMAYA!
Umayos kami nang upo nung dumating si Miss Fernandez. Bumalik na rin sa kanyang upuan si Yumero. Syempre hindi mawawala ang botohan para sa homeroom officers eto talaga yung ayaw ko eh. Maraming nag nominate sa akin para maging President pero nag object ako. Hindi ko makakaya ang responsibilidad bilang President. Sa huli ang kaklase naming si George ang naging president. Magaling rin siya at matalino and I'm pretty sure matutupad niya ang mga responsibilities as a President.
Liza was nominated as our Secretary. Well, hindi ko na itatanggi ang ganda niyang magsulat sis! As in!
Yumero won as Peace Officer. Hindi ko alam kung trip lang ba ng mga kaklase ko. Baka kasi si Yume pa ang mag pasimula ng gulo eh.
BINABASA MO ANG
I'll Be There ✔ (I Will Series 1)
RomanceI Will Series #1 : Erinayle Juliet Evangelista (COMPLETE) After years of drowning in the things she has to do in medical school, Erinayle Juliet Evangelista became one of the best and greatest Ob-gyne Doctors in the country. She's everything a pati...