AN: I suggest na basahin niyo ulit from Chapter 1 to hanggang dito. I edited some parts kasi kaya baka malito kayo. HIHIHI Thank you 😘
-----Kabanata 6
DebutNAGISING ako dahil parang may kumikiliti sa leeg ko.
"Good morning, princess! Happy Birthday!"
Bungad sa akin si kuya nang maimulat ko ang aking mga mata. May dala palang itong bulaklak na mirasol at ang stem nito ang ginamit niya para kilitiin ako. Napabangon naman ako at kinusot ko muna ang mata ko dahil baka may muta pa.
"Oh!" Lahad niya ng bulaklak sa akin.
Tinanggap ko ito at pinagmasdang mabuti.
"Salamat, Kuya!"
"Baba ka na daw may iuutos si mama sa'yo."
Napanguso naman ako. Ang aga-aga tapos birthday ko pa may utos na ka-agad sa akin.
"Joke lang! May ibibigay daw sila sayo. Dali na!" sabi nito at hinila ang dalawang kamay ko para makatayo at itinulak ako papasok sa CR.
"Bilisan mo. Mauna na akong bababa."
Narinig ko ang pagsara ng pinto ng kwarto ko kaya dali-dali akong nag hilamos at nagmumog. Bago ako bumaba ay kinuha ko muna ang cellphone ko sa ibabaw ng bedside table. 5:15 palang ng umaga. In-open ko ang wifi at bumaha ang napakaraming notifications. Karamihan ay birthday greetings sa facebook timeline ko at ang iba naman ay thru chat. Pagdating ko sa baba sinalubong ka agad ako ng mga yakap at halik sa pisngi galing kay mama at isang halik sa noo galing kay papa.
"Happy Birthday, Princess!" bati nilang dalawa.
"Thank you, Mama and Papa. Where's Kuya pala? I thought he's here na."
"Looking for me?" sagot ni Kuya. Lumingon ako sa kanya and I can see that he's hiding something behind his back.
"Erin, may regalo kami sayo ng papa mo."
"Really? Where?" excited na tanong ko sa kanila.
"Here." Ani Kuya at hawak nito ang isang Pomeranian puppy na parang bagong silang na sanggol. Nanlaki ang mga mata ko at niyakap ko ng mahigpit ang mga magulang ko.
"Oh my God! Thank you po!"
"You're welcome, princess! We know you've been wanting to have a pet. Kung kaya napag-isipan namin ng papa mo na this baby nalang ang iregalo sayo." sabi ni mama at pi-nat ang ulo ng aso.
"Can I, Kuya?" I extended both of my hands.
"Of course, princess. Sa'yo naman ito." saad ni Kuya at dahan dahang iniabot sa akin ang aso ko.
The puppy yawned. Oh my god ang cute!
"It's a he. So anong gusto mong ipangalan diyan, bunso?" sagot ni kuya.
"Ciato(kiyato). Short for Caramel Macchiato." sagot ko 'tsaka mahinang tumawa.
Ang cute kasi. Ang mga balahibo nito ay kakulay ng Caramel Macchiato.
I held his small paw. "By the way, where's Tita Em?" tanong ko.
"Asleep. Hayaan mo na marami pa siyang aasikasuhin mamaya." sagot ni Papa.
"Ikaw Kuya, where's your gift?" binaling ko ang atensyon ko kay kuya na nasa tabi ko at nilalaro ang maliliit na paa ni Ciato.
"The flower."
BINABASA MO ANG
I'll Be There ✔ (I Will Series 1)
RomanceI Will Series #1 : Erinayle Juliet Evangelista (COMPLETE) After years of drowning in the things she has to do in medical school, Erinayle Juliet Evangelista became one of the best and greatest Ob-gyne Doctors in the country. She's everything a pati...