16. Ikaw

161 23 21
                                    

Kabanata 16
Ikaw

HALOS madapa na ako sa kakalad dahil sa dami ng dinadala ko. Bitbit ko sa isang kamay ang box na naglalaman ng bagong biling mga glue guns, cartolina, glue, at glue sticks, natatabunan nito ang tingin ko sa daan. Habang sa kabila naman ang mga illustration board at styro foam.

Sino ba kasing nag nominate sa akin bilang business manager?
Hindi na nakakatawa 'to ah. Laking pasalamat ko pa noon dahil babae ang kasama ko at sigurado akong matutulungan niya ako pero, ayon nakikipag-date lang naman.

"Pota," Mahina akong napamura dahil muntik na akong matisod.

Busy kasi sila sa kakagawa ng booth namin para sa darating na annual school fair. Sina Liza at Yumero naman ay sumali sa dance competition, ngunit dahil parehong kaliwa ang paa ko ay hindi na ako nag abalang sumali pa. Baka mapahiya lang ang mga year level namin kung sakaling sumali ako.

Tinatahak ko ngayon ang hallway papunta sa classroom namin. Sa mga classrooms kasi ilalagay ang napiling booth ng bawat kurso. Sa nursing department merong tatlong inihandang booth. Scavenger hunt, Jail booth, at ang panghuli ang booth namin, wherein you're going to write a letter to your crush, girlfriend or boyfriend but first you need to buy any gift, it may be paper flowers, chocolates or whatsoever then we will be giving it to them in person together with your handwritten letter.

I was in a deep thought when someone snatched the box away from my hold.

"Ay mukhang kabayo!" Napatalon ako sa bigla. Nakahawak pa ang isang kamay ko sa tapat ng dibdib ko.

I looked to my side. Nakakunot ang noo at naniningkit na mata ni Loey ang humarap sa akin. Hawak na nito ang box na dala-dala ko kanina.

He scoffed. "Sa guwapo kong 'to, tinawag mo lang akong mukhang kabayo?"

"Ang hangin naman, eh anong gusto mo? Ipis? Osige!" I stopped for a moment to take a breath.

"Ay mukhang ipis!" I recreated my reaction a while ago but this time I exaggerated my acting. I even rolled my eyes after I did it.

He chuckled and he shook his head while biting his lower lip.

"Mas okay na yung ipis," saad nito.

I made a disgusted face. "Kadiri! Ang dumi kaya ng ipis! Pag lumipad 'yon... Eww!"

A cold shiver went down my spine just by the thought of it.

"But I can still make you scream." those words slipped from his mouth making my eyes widen and cheeks redden. I have to blink twice to make sure if he really did say it.

"Ano?!" sigaw ko.

"Anong ano?" tanong nito pabalik.

"Anong sinabi mo? Yung I can make you scream? Ikaw ah." I playfully poked his side.

"Tsk! Bahala ka diyan." Naglakad na ito paalis.

"Hoy, grabe naman 'to. Joke lang 'yon." Sigaw ko dito pero hindi man lang ako nilingon.

Hinabol ko nalang ito at sinabayan ang lakad niya.

"Joke lang 'yon no! Ang Dali mo namanㅡ" bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay pinutol na nito ako.

"Are you going to watch the basketball game on Friday?" tanong nito habang nakatingin lang sa daan.

"Uh... No. Wala akong interes sa basketball." sagot ko dito.

"You have to watch it."

"Ayoko nga. Sino namang susuportahan ko doon kung manonood ako diba?" napailing nalang ako.

I'll Be There ✔ (I Will Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon