Kabanata 1

561 39 34
                                    

Kabanata 1
I'll Be There

SHUTTING my eyes, I heard my phone rung again. That was the fifth time it rung this morning at kahit na inaantok pa ay sinikap kong kapkapin ang bedside table ko para hanapin ito. Hindi ko na inabalang tignan kung sino ang tumawag at agad sinagot ito.

"Hello... "

"Hoy! Erinayle Juliet! Nandito na ako sa school, ano na!?" Halos mabasag ang eardrums ko sa sigaw ng bruha kong kaibigan

"Ang aga-aga ang ingay mo na, Lyn!" Kalmado kong sagot at bumaling sa orasan. It was a bit blurry at first but I managed to bring back my focus to the wall clock. Ala sais palang ng umaga. "At bakit nandyan ka na sa school? Ikaw ba may hawak ng susi ng gate?" I asked, a bit irritated and sleepy.

"Duh! Excited lang ako no, you know naman ngayon ang entrance exam natin," saad ng kaibigan ko. "Tumawag lang naman ako dahil..." she let that trail off.

There was a short silence so I tried repeating Lyn's last word. "Dahil?"

She let out a sigh before she continued her words. "Bilisan mo na kasi, ako lang mag-isa dito!"

"Sino ba naman ang pupunta diyan ala sais ng umaga? Girl, for your information, 8:30 pa magsisimula ang exam." reklamo ko, Lyn is overreacting again. Minsan napapa-isip ako kung bakit ko siya naging kaibigan.

"Ah basta! Sige na please bilisan mo na! Libre kita mamaya ng milktea, " hagikgik niya.

I couldn't say no. She knows my weak spot. I can even imagine her rolling her eyes while saying the word duh.

"Try mo kayang tawagin si Daeyan, siguro maaga rin yun dahil hahanapin niya pa yung crush niyang grade 12. You can call Sassy, Janette, or who ever you feel like calling." It took me several tries para lang i-end niya na ang tawag, and when she finally agreed, I immediately bid my goodbye. Narinig ko pa ang halakhak niya bago niya ito ibinaba, she knows I'm getting irritated.

Bumangon nalang din ako at inayos ang kama tsaka dumiretso sa banyo para maghilamos at nagmumog ng tubig. Bumaba narin ako sa kusina para mag agahan at pagkatapos maliligo ay pupunta naring school.

"Good morning, Ma! " I greeted my mother, may niluluto ito kaya hindi na ito lumingon pa sa akin.

"Good morning, Princess!" my mother greeted back, "Go and wake your dad and kuya." utos nito sa akin.

Bumalik ako sa itaas at binuksan ang unang kwarto na madadaanan ko. I am walking on tiptoes as I am afraid na baka hindi ko magugulat ang kuya ko.

"Kuya, wake up! Gising na! Yung girlfriend mo naghihintay sa labas!"

Napabalikwas naman ang kuya ko at agad tinakpan ng unan ang tenga nito dahil sa ingay na gawa ng takip ng kaldero na kinuha ko kanina sa kusina. "Ay, wala ka palang jowa!" pahabol ko.

"What the hell , Erin?!" sigaw niya at tinignan ako ng masama. Babatuhin pa niya sana ako ng tsinelas pero nakalabas na ako ng kanyang silid at sinarado ang pinto.

"Inutusan lang ako ni Mama na gisingin ka na daw!" sigaw ko mula sa labas ng kwarto niya.

I don't know pero iba ang energy ko ngayong araw. Maybe because I'm excited for the exam or there's another meaning? Hmm... We'll see about that later.

Agad na rin akong bumaba para pumunta na sa hapag kainan.

Papa and my brother both went down at the same time, but my crazy brother then run towards the couch para kunin ang throw pillow and he playfully hit my head with it.

"Kuya!"

Mama and Papa were just laughing at us. I even pouted my lips so that they'll help me but my brother just made face kaya napatawa na lang din ako.

I'll Be There ✔ (I Will Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon