He's bestfriend
Buti nalang at nagkaroon ulit ng exam para daw masala ng maayos kung sino ang karapatdapat sa mga nakalaang section.
At ngayon... Nasa Section 2 na ako! At kaklase ko pa si Micah kaya todo na tong highschool life ko lalo na't kasama ko ngayong ang partner in crime ko!
Di ko kasi sinagutan ang Science at Math hindi dahil sa wala akong masagot kundi dahil nagugutom na ako. Tsaka gusto ko rin talagang makasama ang bestfriend kong hindi supportive.
"Yam! May balita ako sayo!" Sigaw ni Micah na may hawak na pagkain sa magkabilaan nyang kamay. Katakaw talaga.
"Ano yan? Good news ba yan?" Tamad kong tanong sa kanya na nagpangiwi sa kanya.
"Umayos ka nga! Baka makita ka ni Gideon na ganyan hitsura mo! Nakakaturn off." Nandidiri nyang sabi sakin. Tsk, bestfriend ko ba talaga to?
"Ano naman ngayon? Di ko na sya crush. Dun na sya sa jowa nya!"
"Ang bitter mo. Tara na nga, hingi tayong manga dun sa kaklase nating maitim na maliit." Sabi nya at bigla nalang akong hinatak papunta dun sa babaeng maliit na may matinis at malakas na boses. Nakakarindi.
"Uy classmate pahingi naman kami nyan." Sabi ni Micah dun sa babae na nakatingin na sa amin ngayon. Parang parehas lang kami ng isang to, di marunong mag ayos ng sarili.
"Sige. Ano muna pangalan mo at nyang kasama mo?" Tanong nya. So ano to? Suhol ang manga para malaman nya pangalan naming lahat na magkaklase?
"Ako si Micah, at ito naman ang bestfriend kong si Yam. Ikaw?" Proud naman na sagot ni Micah. Proud na proud sya sa pangalan naming boring.
"Ako si Sisa. Crispin! Basilio! Mga anak koooooooooooo!" Biglang hirit nya.
Watda! Ano to? Bigla na lang syang nagdrama kagaya ng ginawa ni Sisa sa Noli Me Tangere. Para syang tanga. Isa pa tong bestfriend ko na sinasabayan pa itong si Sisa. Anyare?
"Magkakasundo talaga tayo Sisang! May talent tayo sa drama kaya humanda ka na sa pagsikat natin." Natutuwang sabi nito ni Micah na inayunan din nitong isa. Nakunamanpo. Wag naman po sana.
"Talaga ba? Parang nakakahiya yun pero sige. Tiwala lang!"
Sige encourage nyo pa sarili nyo.
"Tama! Pahingi na ng manga." Hirit ni Micah. Tsk sabi na nga ba inuuto nya lang to si Sisang — este Sisa pala. Ayos na rin dahil limang manga ang naburaot namin sa kanya.
Oo mga buraot kami! Kaya wag kaming tularan, buraot kami.
Sarap na sarap kami sa pagkain ng manga dahil wala pa namang treacher. Ang ingay nga ng mga kaklase ko lalo na yung sa kabilang room kung saan ako nanggaling.
Di ko pa kilala ang iba kong kaklase kasi nga nalipat ako dito sa Section 2 kaya ginala ko ang paningin ko sa paligid hanggang sa napadako ako dun sa kaklase naming nasa sulok lang, nakayuko at walang kausap.
Wala ba syang friends?
Kulot ang buhok nya, yung pinong kulot, tapos medyo matangkad at morena. Nahiya pa nga ang ilong ko sa tangos ng ilong nya. Parang gusto ko tuloy syang lapitan.
"Lalapitan na ba natin?" Tanong nitong katabi ko kaya napalingon ako sa kanya, kanina nya parin ata napansin tong loner namin na classmate.
"Tara. Tapos bigyan na din natin ng manga."
Oo! Namimigay kami kaya dapat kaming tularan.
Di na kami nagpatumpik-tumpik pa at tuluyan na nga naming nilapitan ang kaklase naming loner. Di nya pa nga kami napansin pero kinapalan na talaga namin ang mukha namin.

BINABASA MO ANG
Ocean Eyes
RandomSi Yamashita Tenorio ay isang ordinaryong dalaga na nagkakaroon ng maraming crush, isa na dun sina Gideon na hinahangaan nya simula nung silay mga bata pa lamang pero napawi rin ang paghanga nya dito nung nagkaroon ito ng kasintahin. Si James na bes...