Chapter 8

1 0 0
                                    

Innocence

Back to school na. Sobrang ingay ng mga kaklase ko sa kakakwento ng mga nangyari sa buhay nila nung bakasyon.

May nagyayabangan na naman, malamang di nawawala yun. Kinukwento nila kung gaano kamahal ang mga nakuha nilang bagay. Kahit nga mga magaganda at gwapo nilang pinsan ay pinagmamalaki pa.

Ako naman ay nakatapos na rin ng iilang K-drama series, salamat sa portable na niregalo sa akin ni Virgel. Di kasi ako nakakapanuod ng K-drama sa TV namin dahil ayaw naman nila kasi baka daw nagmumura na yung  nandun sa pinapanuod tapos di lang namin alam.

May subtitle kaya. Hello?

"Sakin talaga, tablet ang natanggap ko." Pagmamalaki ni Micah.

"Talaga? Patingin nga!" Paninigurado ni Sisang.

Tumango si Micah ng ilang beses at kinuha ang tablet nya sa bag.

"Naks. Sino nagregalo nyan?" Mel

"Yung may malaking bahay dun sa pangatlong kanto mula sa amin, namamasko kasi kami dun tapos alam nyo ba inabutan kami ng isang libo, pinapasok at pinalaro dun sa playground nila sa loob ng bahay. Grabe ang laki ng bahay." Manghang-mangha na kwento ni Micah na tinatanguan ka din naman kasi totoo naman talaga.

"Woah. Gusto ko rin makapasok sa isang malaking bahay." Ani ni Sisang at tumingin sa langit.

"Ano naman ang natanggap na regalo ni Yam?" Usisa ni Lingling.

"Portable ang nakuha ko. Natapos ko na ngang panuorin yung Perfect Match, Love Rain, at marami pang iba. Tapos alam nyo ba pinakain din kami dun ng maraming maraming pagkain." Sabi ko with action para kapanipaniwala.

"Dapat sinama nyo ako." Ani ni Mia na sya namang tinarayan ni Lingling.

"Manahimik ka nga dyan, dami dami nyong pera kaya." Pambabara sa kanya ni Lingling.

Nagpout nalang si Mia at tumabi sa akin.

"May tape ako na Japanese series. Panuorin natin?" Ani ni Mia sakin. Parang nabuhay naman lahat ng cells ko sa katawan dahil sa narinig. Halos magkaparehas talaga kami ng taste nito sa buhay.

"Woi anong papanuorin nyo? Sama kami." Singit ni Chel.

"Sige. May tape daw si Mia kaya yun ang papanuorin natin. Dadalhin ko yun bukas since wala pa naman maayos na klase." Ako

"Anong tape naman yan?" Tanong ni Mel.

"Gokusen. Japanese series yun tapos ang astig pa ng babaeng bida." Maganang sagot ni Mia.

Sumang-ayun naman kaming lahat at tumahimik saglit. Kinuha ko na din agad ang pagkakataon na yun upang ibigay ko sa kanila ang regalo ko para sa kanila, excited pa nga sila sa pagbukas eh pero napangiwi din nung nakita nila yun.

Di ba nila nagustuhan?

"Keychain? Na naman?" Reklamo ni Mel at inangat ang keychain sa harapan nyan.

"Ang dami ko ng nakuha na ganito, baka ibenta ko na nga yung iba." Sabi ni Chel na nagpa-angal sakin.

"Anong ibebenta? May sentimental value yan pati na din yung iba mo pang keychain. Grabe, di man lang kayo marunong mag-appreciate. Ang daming pawis na nailabas ko dyan at halos mamaos ako sa kakacarolling para lang mabili yan. Naglakad ng malayo, nauhaw, at nahulog pa ako sa kanal para lang makapag-ipon nyan. Grabe guys, you hurt my feelings." Daing ko sa kanila at nag-acting pa na parang nasasaktan.

"Drama mo. Wala naman akong sinabi na ibebenta ko tong binigay ko sayo. Syempre hindi no." Sabi ni Chel at niyakap ako.

"Tsaka love ka naman namin." Sabi ni Sisang at yumakap din sakin.

Ocean EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon