Real Score
Nilantakan ko ng kain ang dala nyang pizza. Ang sarap pala talaga nito. First time ko kasi makakain nito at masasabi kong napakasarap nga nito. Sayang wala yung mga kaibigan ko, sana mabigyan ko sila nito.
Busy na rin kasi kami dahil patapos na ang school year. Permahan na kasi ng Clearance kaya nagkukumahog kami sa pagpasa ng mga projects at pagsulat ng mga notes. Kung alam ko lang na kailangan ang complete notes para sa clearance edi sana nung pinapasulat kami ay nagsulat na ako.
Malapit ko na rin naman matapos ang mga kailangan kong ipasa kaya hinayaan ko na muna ang mga kaibigan ko na magfocus sa kanila. Katulad ko ay busy rin sila dahil kinukuha namin ang pagkakataon na to para magpabayad sa mga kaklase naming medyo rich kid at mga tamad magsulat ng notes. Client ko nga si Francis ngayon, kaya tibatiba na naman ako sa pera.
"Are you done?" Tanong sakin ni Virgel. "Wait. May ketchup ka sa pisngi."
Nakaramdam ako ng hiya kaya agad kong pinunasan ang mukha ko ng dala nyang tissue.
"Let me do it for you." Presinta nya at kinuha ang tissue sa akin. Parang mas nadagdagan ang hiya ko sa kanya pero di ko naman ipinagkakaila na kinilig ako sa ginawa nya. Ang sweet kasi ng ganitong gesture.
"Done." Plain na sabi nya. Nasanay na ako sa ganito nyang expression. Pag nagbitaw kasi sya ng salita ay parang walang buhay. Parang sinabi nya lang. Pero alam ko namang may laman ang mga salita nya. Peanut butter. Ay palaman pala yun. Sige tawa.
"Let's go out." Sabi nya at tumingin sa akin. Ayan na naman ang tingin nyang yan. Di nya ba alam na ang hirap nyang tanggihan kapag tinitignan nya ako ng ganyan. Nagiging marupok ako e.
"Marami pa kasi akong tatapusin na mga projects. Ibibigay ko pa kay Francis yung notes nya." Pagtanggi ko. Totoo naman na marami pa akong gagawin. Gusto kong umayon sa kanya kasi ito ang muli naming pagkikita kaya lang ayokong mapansin at isipin nya na easy to get ako.
Tumahimik sya sandali kaya tumingin nalang ako sa kanya. Nakagat ko bigla ang ibabang labi ko dahil sa dilim at lalim ng mga mata nya. Parang may gusto syang sapakin sa oras na ito dahil nakakuyom pa yung kamao nya. Nakaramdam ako ng kunting kaba at takot.
Naramdaman nya ata na natatakot kaya kinalma nya ang sarili nya at umusog palapit sa akin.
"Who's Francis?" Tanog nya.
"Client ko." Sagot ko ng nakayuko. Hinawakan nya ako sa baba at unti unting tinaas ang tingin ko sa kanya. "Enlighten me." Sambit nya ng diretso sa aking mga mata. Gusto nya iexplain ko sa kanya?
"Kasi, nagpasulat sya sakin ng notes. Permahan na kasi namin ng clearance." Sagot ko sa kanya. Parang di nya ata nagustuhan ang naging sagot ko dahil sa malalim na buntong hininga nya.
"Pero wag kang mag-alala may bayad naman yun. Di ako papayag na mapagod lang ako sa wala no." Patuloy ko.
Narinig ko na naman syang nagbuntong hininga at kinuha ang kamay ko. Hinihimas-himas nya yun at tumingin sa akin.
"Wag mo ng gagawin to sa susunod. I don't want seeing you serving other guys." Sabi nya at pinitik ako sa noo. Ang sakit. Napahimas nalang ako sa noo at tinignan sya. Nakasimangot lang sya habang nakatingin sa malayo. Nagtatampo kaya sya? Baka nagtatampo nga. Susuyuin ko na ba?
"Virgel?" Tawag ko sa kanya pero di sya lumingon. "Virgel." Tawag ko ulit at hinila-hila ang manggas ng shirt nya. "Virgel. Nagtatampo ka?" Tanong ko at nilapit ang mukha ko sa kanya. Nilayo nya agad ang mukha nya pero nakita kong bahagyang namula ang mukha nya bago nya pa ito ilayo sa akin.
"Nagtatampo ka talaga? Nagtatampo ka dahil sa pagsusulat ko ng notes para kay Francis o yung kay Arl kanina?" Tanong ko pero di nya pa rin ako nililingon. "O baka naman sa mga lalaking tropa ko sa Sitio namin?" Patuloy ko pero dedma nya pa rin ako. Naku. Nagtatampo nga.

BINABASA MO ANG
Ocean Eyes
AcakSi Yamashita Tenorio ay isang ordinaryong dalaga na nagkakaroon ng maraming crush, isa na dun sina Gideon na hinahangaan nya simula nung silay mga bata pa lamang pero napawi rin ang paghanga nya dito nung nagkaroon ito ng kasintahin. Si James na bes...