The broken ring
First day of school.
Dapat masaya ako.
Dapat excited ako.
Dapat matutuwa ako dahil last year of Junior High na.
Pero bakit di ko magawang ngumiti? Di ko magawang tumawa. Ni di ko magawang batiin ang mga kaklase ko.
Hanggang ngayon, masakit pa rin sa akin ang lahat. Hindi ko parin tanggap at di ko alam kung kailan ko matatanggap ang lahat. Feeling ko naging biktima ako. Feeling ko ang sama ko dahil pumatol ako sa taong may anak na. Feeling ko ang dumi dumi ko. Feeling ko hinuhusgahan ako ng ibang tao. Nahihiya ako sa sarili ko. Bakit ba kasi naging marupok ako? Bakit pumatol ako sa lalaking di ko naman lubos na kilala?
"Yam. Okay ka lang?" Tanong sa akin ni Mia pagkalapit na pagkalapit nya sa akin. Tumingin ako sa kanya at marahan na tumango at ngumiti ng pilit. "Oo naman." Sagot ko at nagpalinga linga sa paligid. "Nasaan na sila Mel?" Tanong ko. Napansin ko kasi na wala sila dito sa room namin tapos may mga taga ibang section din na napunta sa amin. Anong meron?
"Sila ba? Hinahanap nila ang section nila." Sagot nya. Napakunot ako ng noo at nagtanong ulit. "Ano? Anong ibig mong sabihin?"
"Okay ka lang ba talaga?" Paninigurado nya kaya tumango nalang ako. "Nirumble na kasi ang mga estudyante base on their grade last school year. Fortunely, nanatili parin tayo nila Lingling at Micah dito. Si Mel, Sisang, at Chel naman ay hinahanap pa ang section nila. Bakit di mo alam yun? Lutang ka ba?"
Di ko sya sinagot at lumabas nalang sa room. Pumunta ako sa pintuan at tinignan ang nakapost dun. Hinanap ko ang pangalan ko at ang pangalan ng mga kabarkada ko. Totoo nga. Bakit naman ngayon lang nila naisip na irumble kami? We've been classmates for three years kaya dapat iconsider at irespeto nila ang pagsasamahan namin. Isang taon nalang naman at matatapos na namin tong Junior High. Walang patawad.
Lumabas din si Mia at lumapit sa akin. "Tara, punta tayo sa ibang section. Hanapin natin sila Mel." Aya nya sa akin. Sumama nalang ako sa kanya kaysa manatili sa room. Di ko kasi bet yung mga bago naming classmates.
"Mia! Yam! Nandito kami!" Tawag sa amin ni Sisang. Kasama nya si Mel at Chel. Magkaklase din ba sila?
"Waaah Yam. Namiss kita ng sobra." Bati sa akin ni Sisang at niyakap nya ako ng mahigpit.
"Sandali. Bakit nandito kayo? Ano ba ang grade nyo last year?" Tanong ko sa kanilang tatlo.
"82. Parepareho kami ng grades." Sagot ni Chel. Napasimangot nalang ako. 90 kasi ang nakuha ko last year pero diba dapat applicable na yun sa first section? Paano nangyaring nasa second section pa rin ako? Parang may mali sa sistemang to.
"Uy Yam. Dito ka rin?" Sulpot ni Mae. Nagtataka na tumingin ako sa kanya. Anong nangyari? Bakit sya nandito? Si Mae ay isa sa mga achiever sa room namin. Halos magkaparehas nga lang ata kami nga grade kaya bakit sya nandito?
"Hindi. Sa section 2 parin ako. Ikaw? Pano ka napunta dito?" Takang tanong ko sa kanya. Sumimangot sya bago sumagot sa akin.
"Yun nga e. 87 ang total grade ko tapos dito ako tinapon. Si Arl nga at si Jax na kapareho ko lang ng marka ay nasa section 1. Ang unfair naman nun. Ikaw ba? Anong grade mo last year?" Tanong nya pabalik sa akin.
"90." Maikling sagot ko.
"Tamo. Napaka unfair nila." Reklamo ni Mel.
"Dapat nasa section 1 ka ngayon Yam. Nung Grade 8 pa 90 yung grade mo pero di ka parin nila nililipat. Ganun din kay Mia." Sabat din ni Sisang.
"Pansin ko lang ah. Mga sikat na estudyante ang nilalagay nila dun sa section one." Mahinang ani ni Chel.
"Tsk. Tapos kapag may mga quiz bee kami na naman ang tatawagin." Reklamo din ni Mia.
BINABASA MO ANG
Ocean Eyes
RandomSi Yamashita Tenorio ay isang ordinaryong dalaga na nagkakaroon ng maraming crush, isa na dun sina Gideon na hinahangaan nya simula nung silay mga bata pa lamang pero napawi rin ang paghanga nya dito nung nagkaroon ito ng kasintahin. Si James na bes...