Slow dancing in the dark
Tuwang tuwa ang mga kasama ko sa mga natanggap nilang regalo. Syempre ako din. Sino ba namang hindi matuwa kapag may natanggap kang portable? Isa to sa mga pinangarap dahil marami na akong nakatengga na CD tape sa damitan ko, di ko lang napapanuod dahil di naman bet nila lola ang mga gusto kong panuorin.
Si Crown ay sinusukat ang nakuha nyang sapatos na may spiker. Kay Micah naman ay Tablet. Tag-iisang doll house naman sina Mitch, Zue, at Charice. At kay JM ay isang Break Game.
Ang mga mamahal ng mga to at siguro aabutin pa ako ng taon bago makaipon ng isang portable. San naman kasi aabot ang dalawang piso na baon ko araw araw?
Kita ko ang tuwa at saya sa mga mata ng kasama ko, ganun din naman ako kaya lang nanghihinala pa rin talaga ako.
"I have playground here." Sabi ni kuya na di parin nagpakilala sa amin.
"Talaga po? Nasaan?" Excited na tanong ni Zue.
Playgound? Waaaah playground! Gusto ko ng playground!
"Come with me, I'll show you." Sabi nya kaya nagsisunuran kami. Dumaan pa nga kami sa isang malaking hallway na maraming paintings na nakadikit sa bawat pader.
Hang gondooooo
Nagpatuloy kami sa paglalakad at huminto rin nung huminto sya sa isang malaking pinto na may nakaukit pang Playground.
"Be ready and enjoy." Nakangiti nyang sabi at hinay-hinay na binuksan ang pinto na yun.
Grabe! Totoo ba talaga to?
"Pasok na." Aya nya sa mga kasama ko na agad namang nagsitakbuhan sa loob.
"Ate May!" Tawag sakin ni Botsuk na anak ng kapibahay namin.
Hindi lang kasi kami ang nandito sa malaking playground nato. Marami ring mga bata na naglalaro sa malawak na playground na to. May ibang bata pa nga na di ko kilala pero karamihan talaga ay mga kapitbahay naming bata ang naglalaro.
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. May nakita akong wall climbing, maliliit na obstacle rope, may seesaw din, padulasan, tapos may isang square na naglalaman ng malilit na bola, may basketball ring din na gaya sa World of Fun sa mall, may duyan, at may clawing machine din! Grabe!
"Yam, tara dito! Wuhoooo!" Tawag sakin ni Micah na ngayon ay nakikipaglaro sa ibang bata. Naakit na rin ako.
Pero kasi, nanghihinala pa rin ako at naiisip ko parin yung mga naimagine kong posibleng mangyari samin.
"Go. Join them." Ani ni kuya.
Di ko parin alam ang pangalan nya at di ko parin sya kilala. At ang pagkakataon lang na ito ang naisip kong paraan para makausap sya at magtanong ng tungkol sa kanya.
Kaya Yam, wag kang padala sa tukso ng mga laruan na yan.
"Mawalang galang na po kuya. Pwede po bang malaman ang pangalan nyo?" Diretso kong tanong sa kanya.
"Yeah sorry. I'm Virgel Cordova." Sagot nya. Tumango lang ako. Ang pogi ng pangalan.
"Aah. Ako nga po pala si Yam. Aahm matagal na po kami nagagawi dito pero ngayon ko lang po kayo nakita dito. Diretsyuhin nyo nga po ako, may balak po ba kayong masama samin? May balak ba kayong ichop-chop kami at ibenta ang mga organs namin? O baka naman ipapadala nyo kami sa Manila para ibenta sa isanh sindikato. Tapos baka bigla nalang may pupunta dito na isang babae na nakamake up ng makapal para kunin kami para gawing bugaw. O baka ipapalapa nyo kami sa alaga nyong lion. Dahil kung ganun, ako na po ang nakikiusap na wag nyo na pong ituloy. Mga bata pa po kami at marami pa kaming pangarap sa buhay. Kakadalaga ko palang at supot pa ang kaibigan kong si Crown at ang kapatid kong si JM. Ganun din po ang iba pang bata. So ngayon palang po, nagmamakaawa na ako sa inyo ma wag nyo pong ituloy ang masamang balak nyo sa amin." Matapang at tuwid na ani ko sa kanya at yumuko ng ilang beses.
BINABASA MO ANG
Ocean Eyes
RandomSi Yamashita Tenorio ay isang ordinaryong dalaga na nagkakaroon ng maraming crush, isa na dun sina Gideon na hinahangaan nya simula nung silay mga bata pa lamang pero napawi rin ang paghanga nya dito nung nagkaroon ito ng kasintahin. Si James na bes...