Heartaches
Nagtext sa amin si Sisang. Gusto nya daw kaming kausapin ni Micah. Sabi ko na ngayon na pero mas gusto nya daw na sa personal kami mag-usap. Umayon nalang ako at aantayin ko nalang ang bukas. Balik eskwela na din naman e.
"Tungkol saan kaya ang pag-uusapan natin bukas?" Parang excited na din si Micah malaman kung ano.
"Di ko alam. Basta bukas na. Kamusta na pala kayo ni Josh?" Paglilipat ko ng usapin. "Di ko kasi sya napansing pumupunta dito. Pinapatanong nga din sa akin ni Crown dahil tatlong araw na dawng hindi nagpapakita si Josh sa kanila. Asset pa naman sa liga nila yun." Pagpapatuloy ko.
"Huh? A-ano... Okay lang naman kami. Aaahm nabusy lang yun sa family bonding nila." Alangan nyang sagot sa akin. Tumango nalang ako kahit di naman ako naniniwala.
Bata palang kami ay magkaibigan na kami nito kaya alam ko kung kailan sya nagsisinungaling o hindi. At masasabi ko lang na hindi sya nagsasabi ng totoo ngayon.
"Sabihin mo nalang sakin ang tunay na dahilan kapag handa ka na." Sabi ko at nanahimik nalang.
Kung ano man ang tunay na dahilan ay malalaman ko din naman. Wala naman syang tinatago sa akin kaya aantayin ko nalang na sya mismo ang magsasabi sa akin.
"Di ka pa ba uuwi?" Tanong nya sa akin.
"Pinapalayas mo na ba ako?" Tanong ko pabalik sa kanya at nagpuppy eyes pa.
"Pwede rin." Sagot nya. Ouch.
"Ayoko. Dito ako matutulog. Dito na rin ako kakain at maliligo. Bukas ko nalang kukunin ang bag ko sa bahay." Sabi ko at humiga sa kama nya.
"Bakit ba ayaw kong umuwi?" Tanong nya na naman.
"Tinatamad ako." Tamad na sagot ko sa kanya. Pinapalayas nya na talaga ako. Ouch.
"Tinatamad ka pa nyan? Ang lapit lapit lang ng bahay nyo. Isang bahay lang ang pagitan ng bahay nyo at ng bahay namin. Tapos tinatamad ka pang umuwi?"
Di ko nalang sya pinansin at tinalikuran nalang sya. Ang ingay kasi, matutulog na ako.
--
"Salamat po Uncle, Auntie." Pasasalamat ko sa mga magulang ni Micah bago kami papasok sa school.
"O sya. Basta sa susunod, magpaalam ka na sa lolo mo kapag dito ka matutulog para di na mag-alala kakahanap sayo." Bilin sa akin ni Uncle. Natawa nalang ako at tumango.
"Opo. Dito na po kami." Pagpaalam ko sa kanila.
"Dito na kami ma, pa." Paalam din ni Micah sa kanila.
Kanya-kanya kami ng review sa mga notes namin dahil maraming quizes ang nag-aabang sa amin sa school. Exam week na kasi namin ngayon. Ang saya ng pambungad e no? Ang saya.
Sa sobrang focus namin sa pag-aaral ay di namin napansing nasa school na pala kami.
"Yam! Micah! You're here!" Salubong sa amin ni Victoria. Kaklase namin sya at gigil na gigil sya sa aming dalawa ni Micah. Pinapasaya daw kasi namin sya araw-araw. Ayos. Ginawa kaming clown.
"Oo. Sabay na tayo sa room." Aya ko sa kanya.
Pagdating namin sa room ay naabutan namin ang mga kaklase namin na nagkukwentuhan sa kanya-kanya nilang barkada. Humiwalay na din sa amin si Victoria Secret este si Victoria pala. Lumapit na kasi sya sa mga kabarkada nya. Lumapit na din kami sa barkada namin at una kong napansin si Sisang. Nakangiti sya sa amin pero yung mata nya ay nagpapahiwatig ng lungkot. Di ko alam kung napansin din ng iba yun pero parang di naman. Siguro, malungkot ang ibabalita nya sa amin ngayon.
BINABASA MO ANG
Ocean Eyes
عشوائيSi Yamashita Tenorio ay isang ordinaryong dalaga na nagkakaroon ng maraming crush, isa na dun sina Gideon na hinahangaan nya simula nung silay mga bata pa lamang pero napawi rin ang paghanga nya dito nung nagkaroon ito ng kasintahin. Si James na bes...