Chapter 2

3 0 0
                                    

Kidnapped?

Lumipas ang ilang buwan sa aming mga freshmen. Ang nangyaring yakapan nung nakaraan ay di naman na naulit. Nakwento na rin nila sa akin ang nangyari about dun kila Josh at James. Tinulak daw kasi ni James si Josh palayo sa akin dahil nahihirapan na daw akong huminga.

Pero dahil lang ba talaga dun?

May part kasi sa akin na nagsasabing may iba pang dahilan kung kayat ginawa ni James kay Josh yun.

Dibale na nga. Wag ko nga munang isipin yun. Imposible naman kasi nag magkagusto sa akin ang ganun kagwapong nilalang na katulad ni James. Napakaplain kong babae at di pa marunong pumorma. Ni wala nga akong fashion sense at tamad pa magsuklay ng buhok kong minsan lang nadadapuan ng shampoo. Kaya imposible talaga.

Mas dapat kong pagtuunan ng pansin ang paparating na Intrams namin. Aside sa maraming bayarin ay marami din akong aasikasuhin. Plano pa namin magbarkada na sumali ng volleyball, ilang araw na rin kaming nag-insayo para dito sa audition na to kaya dapat ito muna bago si James.

"Pwesto na ang mga gustong mag-audition. Any minute ay magsisimula na!" Anunsyo ni Ma'am Diestro.

Kinakabahan ako kasi di naman talaga ako marunong magvolleyball. Ito kasing mga kabarkada ko, ito pa ang napiling sports. Pwede naman kasing basketball.

"Tara na Yam!" Aya sa akin ni Micah. Napatingin naman ako sa volleyball court at nakita kong nakapwesto na sila Jen, Lingling, Sisang,Chel, Mia, at Mel dun. Sa aming magbabarkada ako ata ang walang kainte-interest sa larong ito. Tsaka kinakabahan talaga ako.

"Uy tara na! Ano? Uurong ka? Andito na tayo oh. Wag mong sabihin na natatakot ka baka maihi ka na naman?" Micah

Bwiset talaga to si Micah. Pinaalala nya pa ang nakakahiyang pangyayari sa buhay ko nung Sports Fiest namin. Simaan ko sya ng tingin pero nagkibit balikat lang sya at pumwesto na nga dun kaya sumunod nalang ako sa kanya at pumwesto na rin.

Wag sana akong mapahiya.

--

"Waaaaaaah! Nakuha tayo! Kasali na tayo!" Natutuwang ani ni Micah kina Lingling, Jen, Chel, at Sisang. Magkahawak kamay pa silang apat at nagpaikot ikot.

Sabi na nga ba eh. Di ako makukuha. Wala naman kasi akong ibang ginawa dun kundi ang iwasan ang bolang paparating sa gawi ko. Buti nalang di ako naihi sa kaba.

"Pano na kami nito? Wala kaming sasalihan. Puno na lahat ng sports eh." Nakasimangot na ani ni Mia. Nilapitan nalang namin sya ni Mel at marahan na hinaplos ang kanyang likuran.

"We feel you Yang. Ok lang yan. Cheer nalang tayo sa kanila." Pang-aalo ni Mel sa kanya. Nilapitan na rin kami ng iba naming kabarkada at nag-grouphug.

Awwwww. Napakasweet din talaga minsan ng mga siraulo kong kaibigan.

--

This is it! This is the day na kung kailan magagamit ko na ang talent ko sa pagsuporta sa mga minamahal kong kaibigan.

First day of intrams na kaya todo ayos naman ang karamihan sa mga estudyante dahil may dadayo rin kasing taga ibang school dito upang manuod. Kapag gantong kaganapan daw kasi ay mayroong mga outsider na pumapasok dito sa school upang manuod at siguro manlandi na rin.

Nandito lang ako sa room namin at tumutulong sa mga kayear level ko, minsan pumupunta ako sa ibang section para makatulong. Siguro naman ako na magiging champion sa pagiging Helpful Student kung sakaling may ganun ngang competition. Kaso wala eh kaya back to work.

"Salamat Yam ah. Last nalang, pwede bang pakibigay tong snacks sa mga soccer player natin? Wala kasi akong nakitang available student aside sayo eh." Pakiusap sakin ni Jax, ang representative namin for Ms. Intramurals. Ang ganda nya kasi at approachable sya sa lahat. Napatango nalang ako at lumapit sa lamesa kung san nakapatong ang dalawang supot ng eeg sandwich. Ang sarap naman nito, kaya lang players lang daw at yung mga may sinalihan ang pwedeng kumain nito eh.

Ocean EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon