Gideon and I
Lumipas ang siyam na buwan at dumating ang di namin inaasahang darating sa aming buhay. Di ko talaga sukat akalain na bibiyaan kami ng isang sanggol.
Sa wakas! After thirteen years ay nagkaroon na rin ako ng kapatid na babae. Nag-iisang babae lang kasi ako sa unang pamilya at ngayon ay nagkaroon na nga ako ng babaeng kapatid sa pangalawang asawa ni mama.
I've been dreaming and praying for a baby sister dahil lagi akong dehado sa dalawa kong kapatid na lalaki, lalo na kapag nagwrewrestling kami.
Since kay lolo at lola kami lumaki kaya nakalakihan na din namin ang manuod ng mga action movies, yung tipong tambak kami ng CD tape nila Ramboo, Jet Lee, Jackie Chan, Vandam, Arnold, Jeric Raval, Lito Lapid, Fernando Poe Jr. at iba pang action star. May bala pa nga kami ng mga laban ni Manny Pacquao at talagang pinagpuyatan naming panuorin yun. Masyado kaming proud sa ating kababayan. World Champion ba naman eh.
Tapos nanunuod din kami ng wrestling kaya nagagaya na din namin nung nagtagal. Kunwari ako si Undertaker tapos yung kuya ko naman si Triple H. Kaya lang dehado talaga ako lalo na kapag iepal yung bunso namin. Kainis.
Kaya laking pasalamat ko talaga na nagkaroon ako ng kapatid na babae, napaluhod nga ako sa sobrang tuwa eh. Pinapasalamatan ko talaga si Lord nun.
Gusto ko na nga agad makasama ang kapatid ko kaya lang nasa Manila sila ngayon. Okay nalang din naman sakin at least meron na akong kapatid na babae.
Ngayon ay Grade 8 na ako, wala naman masyadong nagbago kasi ganun parin naman ang pormahan ko. Wala pa ding nagkakamaling manligaw sakin, effective ata talaga ang pagkasumpa ni Gideon sakin last year.
Sa mga kaibigan ko naman ay medyo may nagbago kasi natuto na din silang magsuklay bago pumasok.
Si Mia at Josh ay nagbreak din. Ayaw kasi ni Mia na mahuli ng tatay nya na malaman na nagboboyfriend na sya kaya ayun, sa takot nyang mapagalitan at mahuli ay hiniwalayan nya nalang.
Si Micah naman ay ganun pa din, mabagal pa rin kumilos pero wala namang natatapos. Ewan ko ba kung bat ganyan yan. May ganun talagang tao.
Si Lingling ay medyo naging maingay na din. Sya nga minsan ang namumuno sa kalokohan namin. Nung bakasyon nga nandun kami sa kanila, gumagawa ng trompo at saranggola.
Si Mel ay mas naging seryoso sa buhay kasi sya na lang talaga nagpapaaral sa sarili nya tapos nag-aabot pa sya dun sa mga nagkupkop sa kanya.
Si Sisang naman ay di parin tumatangkad pero mas lalo syang naging maingay. Nakakarindi lalo ang boses nya.
Si Chel naman ay pinapanalangin ko na wag agad-agad mabuntis dahil di pa ako handa maging ninang. Ang dami nya kasing jinojowa tapos sabay sabay pa. Di man lang marunong mamahagi eh.
Yung school rooms naman namin ay gagawin na dawng semento lahat. Irerenovate yung mga kahoy na classroom at papalitan na din yung mga sira sira naming upuan. Haaays buti naman at naisip ng school yun. Aba nagbabayad kami ng tuition fee no.
Semi-private kasi tong school namin at kaya lang naman ako napunta dito dahil wala akong choice. Una, dahil ito ang pinakamalapit sa amin. Pangalawa naman ay masyadong malayo ang mga public school samin. Ang iba ay nasa kabaling isla at kabilang bundok pa. Kaya kahit mahirap tugunan ang tuition fee, kinaya nalang din namin. Mostly naman kasi sa mga estudyante dito ay may voucher.
Awiiiie salamat governor.
"Yam!" Tawag sakin ni James, kasama nya si Gideon na kumakain ng happy.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya pero ang mokong inakbayan lang ako at ginulo pa ang buhok ko.
"Ang liit mo talaga." Asar nya sakin. Bwiset din talaga to eh. Tumangkad lang, nagyayabang na.

BINABASA MO ANG
Ocean Eyes
DiversosSi Yamashita Tenorio ay isang ordinaryong dalaga na nagkakaroon ng maraming crush, isa na dun sina Gideon na hinahangaan nya simula nung silay mga bata pa lamang pero napawi rin ang paghanga nya dito nung nagkaroon ito ng kasintahin. Si James na bes...