Chapter 20

4 0 0
                                    

AN: Nagpapasalamat po ako sa mga nagtiyagang basahin ang estoryang ito :) Kahit kunti lang kayo, pinapasaya nyo pa rin ako :) Dibale, I'll do anything I can to make this story well. This is my very first time na magpost ng story kaya pasensya na sa mga grammatical error and typographical error. God bless everyone and enjoy :3

-------

Curse men

From: Mia
Message: Maayos na ba ang pakiramdam mo Yam?

Pangangamusta sa akin ni Mia. Sumama kasi ang pakiramdam ko. Tinamaan ako ng trangkaso. Nakuha ko siguro to sa sobrang pagod ko this past few days.

To: Mia
Message: Medyo bumababa na ang lagnat ko. Nakainom na kasi ako ng gamot.

Reply ko sa kanya para di na sya gaanong mag-alala sa akin.

From: Mia
Message: Mabuti naman para makapasok ka na bukas. Sayang di mo nakita ang anak ng owner.

Napanguso ako dun sa nireply nya. Nanghihinayang kasi ako dahil inabangan ko talaga na makita ang owner ng school namin. Tuloy, makikibalita nalang ako sa mga kaklase ko nito bukas.

Magrereply na sana ako kay Mia pero bigla nalang nagshut down ang phone ko. Sa sobrang inis ko ay binato ko nalang to sa kama at kinuha ang librong hiniram ko kay Kim. Magbasabasa nalang muna ako para makatulog. Di na rin ako nag-abala pa na icharge ang phone ko dahil wala naman akong inaabangang importanteng mensahe.

Sana makapasok na ako bukas. At sana, di ko makita sa school si Virgel bukas.

Hanggang ngayon, di ko parin alam kung anong ginagawa nya sa school namin.

-----

"Uy Arl." Bati ko kay Arl pagdating ko sa school. Namiss ko din sya kasi medyo di na kami nag-uusap at nagkikita simula nung nag Grade 10 kami.

"Yam. Kamusta? Balita ko tinrangkaso ka daw. Okay ka na ngayon?" Pangangamusta nya sa akin. Nakangiti akong tumango sa kanya. "Okay na ako. Ikaw? Kamusta sa section one?" Tanong ko pabalik sa kanya. Sumimangot sya at pilit na ngumiti.

"Nag-aadjust pa rin ako. Okay lang sana kung nandun ka. Kung tutuusin nga mas bagay ka dun dahil mas mataas ang grades mo kaysa sa akin. Di ko talaga alam pano nangyaring napunta ako sa section one. Mas gusto ko sa section natin dati e." Nakanguso nyang pagrereklamo. Para syang humihingi ng hustisya sa malaking pagbabago ng sectioning. Natawa nalang ako at nginisihan sya.

"Wala ka ng magagawa. Andyan ka na e. Pagbutihin mo nalang." Tinapik ko sya sa balikat at nasilayan ko naman ang pagnguso nya. Natawa nalang ako at ginulo ang buhok nya.

"O sya. Mauna na ako. Makikibalita pa ako sa mga kaklase natin- este kaklase namin pala tungkol sa event kahapon." Simaan nya ako ng tingin dahil sa sadya kong pagmali ng salita.

"Lumayas ka na nga. Dun ka na sa section nyo." Pinandilatan nya ako ng mata at diniinan pa talaga ang salitang nyo.

Umiiling akong ngumiti sa kanya bago umalis. Pero nawala rin agad ang ngiti kong yun dahil sa isipang di ko na kaklase si Arl. Kahit di namin gustuhin na may magbabago, di parin namin maiiwasan yun. May magbabago at may magbabago pa rin na mangyayari.

Pumunta na ako sa room namin pero nasa bukana palang ako ng pinto ay hinarang na ako ni Francis. Haaays hanggang ngayon, kaklase ko pa rin to.

"Yam. May assignment ka?" Pamungad na tanong nya sa akin. Agad ko syang sinikmuran kaya tiningnan nya ako ng nagtataka. Sisikmuraan ko sana ulit sya ng agad syang umilag.

"Uy. Ano bang ginawa ko sayo? Nagtanong lang naman ako ah." Sabi nya habang nakataas ang siko bilang pangsangga.

"Yun na nga eh. Bakit sa akin ka nagtatanong? Nandito ba ako kahapon ha? Sikmuraan kita dyan makikita mo." Pagbabanta ko sa kanya at pinandilatan sya ng mata.

Ocean EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon