Chapter 18

2 0 0
                                    

AN: Pasensya na po sa last update na maraming typo and grammatical error. Nakapos ako ng oras sa pag-edit e. Salamat sa pag-intindi :)

-------------

Goodbye

Sinulit namin ang natitirang dalawang linggo ni Virgel. Pagkapasukan namin ay sya namang alis nya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam kung saan sya nagpupunta at kung ano ang ginagawa nya. Di ko naman sya pinipilit na sabihin sa akin. He has his own privacy. Ayoko syang sakalin. At isa pa, sya mas matanda sa amin kaya kampante akong alam nya ang ginagawa nya. I have no doubt of how he feel. Why would I doubt? May singsing na nga syang binigay sa akin. Kapag di sya bumalik, magpapakasal ako sa iba. Charot lang.

Within the remaining weeks ay naggagala lang kami ng patago. Pumunta kami sa isa mga private resort nila dito sa lugar. Dati kapag napapadaan ako dun parang pinapangarap ko lang makapasok dun. Salamat kay Virgel at natupad yun. Nawala na rin ang curiosity ko sa lugar na yun. Feeling ko may madidiscover ako dun tapos ipapadala ko sa discovery channel tapos yayaman na ako. Yehey!

Charot ulit. As if naman gagawin ko yun. Private property nga diba? Baka makulong ako ng wala sa oras. So ayun nga, pumunta rin kami sa isang sikat na mangrove. Nagpicture picture lang kami dun tapos nagpicnic rin pero sandali lang. Medyo malayo kasi at bawal akong gabihin. Baka magtaka na sila lolo nyan.

Nandito ako kila Micah. Gumagawa kami ng explosion box. Gusto ko kasing bigyan ng ganito si Virgel para maging remembrance nya sa akin. Dami ko ngang nilaan na pera at oras dito pero bialewala ko nalang yun. Minsan nalang ako makapagbigay sa kanya kaya dapat todo na.

"Ang daya nyo. Di nyo man lang ako niyaya sa mga gala nyo." Nakangusong ani ni Micah.

"Busy ka naman kasi sa jowa mo. Tsaka quality time na namin yun no. Ano ka? Dakilang third wheel? Sus panggulo ka lang." Sagot ko. Agad nya akong sinapok sa ulo at tumingin ng masama sa akin.

"Panggulo pala ha. E kung guluhin ko kaya tong explosion box na to? Ano? Palag ka?" Sigaw nya sa akin na nandidilat ang mata. Grabe. Katakot talaga magalit ang isang to. "May sinabi ba akong papalag ha? Assumera ka. Tara na, tapusin na natin to." Pagtapang-tapangan ko. May masama pa ata syang balak sa explosion box na pinaghirapan ko. Tatlong araw nalang at pasukan na kaya dapat bilisan na namin.

"Takot ka pala e. Sige, iglue mo na yun." Utos nya kaya lihim na napairap nalang ako. Kinuha ko na yung glue at at pinagdidikit ang mga ginawa nyang bulaklak na gawa colored paper.

"Yam." Tawag nya sa akin sa gitna ng katahimikan. Tumingin ako sa kanya na ngayon ay hawak ang picture namin ni Virgel nung nasa bundok kami. "Ano?" Tanong ko.

"Nagtataka talaga ako kung pano mo nabingwit ang ganito kapoging nilalang." Sabi nya at napailing na parang di makapaniwala. "Ginayuma mo sya no? Siguro nagresearch ka na naman ng spell at naghanap ka ng love-potion para makumbinsi mo syang ligawan sya no? Hoy inday! Makukulong ka nyan. Jusme na bata ka oo. Wag na wag mo akong idadamay dito. Si Mia nalang tutal kayo naman ang mahilig sa mga ganyang bagay. Oh no. No way!" Hysterical na saad nya kaya napatampal nalang ako sa noo. Ano ba ang gagawin ko sa kaibigan kong kasapi ni Sponge Bob? Oh shit! Baka sinapian talaga sya ni Sponge Bob?!

Lumapit ako sa kanya at mahigpit na hinawakan sya sa magkabilaan nyang braso.

"Masamang espiritu ni Spongebob, umalis ka sa katawan ng kaibigan ko. Masamang espiritu ni Sponge Bob, lumayas ka! Inuutusan kita! Lumayas ka! Layas! Espiritu ni Sponge Bob! Lumay- Aray! Ang sakit non ah! Hoy Sponge Bob!" Reklamo ko.

"Sponge Bob ka dyan? Ikaw ang lumayas gaga ka. Bahay kaya namin to. Siraulo ka ba?" Inis na ani nya at inayos ang manggas ng blouse nya.

"Ikaw ang siraulo dyan. Ang lakas mo mag-imagine dyan ng kung ano ano tapos ako sisisihin mo? Hustisya naman." Sagot ko sa kanya. Inismiran nya ako nginiwian.

Ocean EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon