Chapter 11

2 0 0
                                    

Text message

Simula nung nangyaring paghalik sakin ni James nung intrams, hanggang ngayon di ko parin sya pinapansin. Naiilang ako at naiinis. Buti nalang at walang sumampal sa akin pagkatapos nun.

Di ko alam kung bakit nya ginawa nya yun. May girlfriend na sya ngayon at sa tingin ko naman ang seryoso sya sa babaeng yun kaya nakakapagtaka talaga. Pinagtripan lang ata ako ng loko kaya naiinis talaga ako.

Grade 9 na kami ngayon. Ang bilis talaga ng panahon. Natuto na rin akong magsuklay at mag-ayos dahil nakakahiya naman sa mga lower level. Sabihin palang di ako good example. Para kasi akong si Eya sa Diary ng Panget kaya lang wala akong Cross Stanford sa kwento ko. Pangit lang talaga ako. Chaka. Maot. Ugly. Ganern.

Binawasan ko na rin ang paggawa ko ng kalokohan pero slight lang. Di ko talaga maiwasan. Para syang parasite na malakas ang kapit sa akin. Bubble gum na ang lagkit kung makadikit. At mighty bond, the power bond.

This time ay di ko na masyadong nakakasama si Gideon at Josh sa kalokohan dahil aside sa nagbibinata na sila ay may nagawa silang kasalanan sa akin last year.

Kinuha kasi ni Gideon ang Diary ko na Tingle Bell habang si Josh naman ay niyupi ang ID ko. Naghabulan kami sa campus nun tapos nung nasapak ko sila ay ako na naman ang hinabol nila hanggang sa labas ng school. Mga walang modo! Muntikan na nga akong mahuli ng dalawa buti nalang at tinulungan ako ni Crown magtago sa isang maliit na eskinita.

Isa din tong si Crown, nakakabwiset. Di namamansin sa school pero pagdating sa bahay parang bahay nya kung makahiga. Ginagawa pang unan ang hita ko. Sumikat lang di na namamansin sa school. Kinamatis naman nung nagpatuli. Sus!

Well, okay na din yun para di sya mapahiya ng dahil sa akin. Di ko naman maipagkakaila na may hitsura tong si Crown dahil naging crush naman sya ni Micah. Minsan nga nung mga bata kami inaasar kami na love triangke daw kaming tatlo. Tuwang-tuwa pa yung mga matatanda, di naman namin naintindihan yun noon. Pero ngayon alam ko na, bigla akong kinilabutan.

Ang mga barkada ko naman ay nagdalaga na talaga. Marunong na kami magpulbo at mag-ipit ng buhok. Minsan nga nagkakaayaan pa na magjogging pero pagdating naman sa Oval tinatamad naman kami. Kaya sa huli ay naupo at nagkwentuhan lang kami ng tatlong oras. Isipin nyo naman, alas tres kaming aalis sa bahay tapos alas sais kami uuwi. Diba nagsasayang lang kami ng oras. Kaya wag kaming tularan.

Minsan nga kila Micah na ako natutulog dahil wa epek sa kanya ang alarm clock. Kailangan ko pa syang sampalin para magising sya.

Marami kaming kalokohan pagdating sa bahay. Nakikipaglaro pa rin kami sa mga bata ng luto-lutuan. Naglalaro ng bilog-bilugan kapag gabi at ng Good Morning Mickey Mouse.

Pero kahit na naglalaro kami ng pangbata ay di namin kinalimutan ang edad namin. Nagdadalaga na din kasi kami, nakikisabay lang kami sa mga bata. Isang gabi nga nagtry kaming gumamit ng facial cleaner, yung Eskinol na kulay orange. Tinigil din namin yun dahil nakakatamad. Ang wais lang ni Micah dahil binenta nya sa pinsan nya. Basta pera talaga oh.

Ngayon ay nandito kami sa library. Nag-iingay.

"Aah! Si Sisang to! Gorilla HAHAHA kaya lang maliit ka. Petite na Gorilla." Natatawang ani ko habang nakaturo sa encyclopedia na may Chiwawa.

Ganito talaga kami lagi dito. Kung hindi kakain ay nag-iingay. Nanghihiram ng mga encyclopedia books para lang mapagtripan ang isa't-isa. Kahit nga mga Time Magazine ay napagtripan din namin. Malakas ata talaga ang tama namin sa utak na magkakaibigan.

Sabi nga ng kakilala ko, kung hindi lang daw kami matalino baka kung san na daw kami pupulutin sa pagiging isip bata namin.

Wala kasi kaming pinapalagpas. Kahit teacher ay napagtritripan namin. Yung principal nga namin muntikan ko ng matamaan ng maliit na kahoy sa Shato. Dun pa naman sana tatama sa noo nya, buti nalang nasalo nya. Natakot talaga ako nun pero nginitian lang ako ni sir at lumagpas nalang sa amin.

Ocean EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon