Love letter
Dear Exam,
Wag ka sanang killjoy sa sem break namin. Thank you. Mwuah mwuah. Tsup tsup.Basa ko dun sa chalk board namin pagpasok na pagpasok ko.
"Sino nagsulat nyan?" Tanong ko sabay turo dun sa nakasulat.
"Ako. Sem break na natin next week diba. Tapos exam na agad natin pagbalik ng school. Haaaays naman. Sem break pa ba matatawag next week? Ang daming pinapagawa sa atin ng mga teacher na yan. Kaya nga sem break, it means break muna sa pag-aaral. Parang recess ba, chill chill muna." Ani ni Mel na nagrereklamo sa mga teacher. Napatingin naman ako sa labas baka kasi may napadaang teacher. Buti nalang wala. Safe.
"Nagrereklamo ka?" Tanong ni Lingling kay Mel. "Edi wag ka nalang mag-aral." Dugtong nya kaya napasimangot nalang si Mel.
"Agree ako kay Mel. Tinatanggal kasi nila ang karapatan nating mga estudyante para magrelax kahit saglit lang. Kaya nga break e. Ano pang silbi ng sem break kung sandamakmak na aralin at projects naman ibibilin nila sa atin? Diba. Diba." Hamon ko kay Lingling.
Tinaasan nya ako ng kilay bago sumagot.
"Bakit? Di mo ba naisip na sila ang mas napapagod before, during, and after exam natin? Gagawa sila ng questions, irereview tayo, mag-iisip ng coverage, magchecheck, magrerecord sa grading sheet, magpoproctor sa ibang section, at magsasalba ng mga grades nating kumakapit. Isipin nyo nalang ang puyat at pagod nila." Paliwanag nya na nilabas ko lang naman sa kabilang tenga.
"Sus. Edi sana namnamin din nila yung Sem break. Sila nagpapastress sa sarili nila e." Angal ko.
"Tama. Tama." Sang-ayon ni Mel na tumatango pa. Napaismid nalang sa amin si Lingling at napailing nalang sa tinuran ko.
Bakit? May mali ba dun sa sinabi ko? Tama naman ah, may mga tao talaga na sila ang nagpapastress sa sarili nila. Binigyan ng panahon para magpahinga tapos ayaw mangpahinga. If they are going to reason out the lesson plan they made and they are running out of time to chase the lesson, then it is not our fault anymore. They taught us to manage our time and yet they are the one who can't manage their time well.
I love all the teachers, pero sana wag nila kaming ipressure masyado sa pag-aaral. Napagdaan na nila nito, they knew the feeling. Wag sana nilang ibunton sa amin ang pinagdadaanan nila nung kabataan nila.
"Mel! Tignan mo ang labi ko." Sulpot ni Micah.
Tinignan ko naman ang labi nya. Ang pula!
"Hoy Micah! Naglilipstick ka na? Lagot ka. Isusumbong kita sa kuya mo." Pananakot sa kanya pero binatukan nya lang ako at pinakita sa akin ang I-cool na kulay pula.
"Ito ang gamit ko no. Lipstick ka dyan, ayoko ngang maglipstick. Tignan mo nawawala agad." Sabi nya at binura ang kulay pulang bagay na nasa labi nya gamit ang laway nya. "Diba? Gusto mo? Lalagyan kita."
"Sige. Tapos picture picture tayo." Lumapit ako sa kanya at nilapatan nya ako ng I-cool sa labi.
"Ayan! Tapos na." Natutuwang ani nya. "Chel! Pahiram ng salamin. Dali!" Tawag nya kay Chel na kulay pula rin ang labi, kasunod nya sina Mia at Sisang na ganun din. Aba naman.
"Naks. Ito oh." Abot ni Chel sa akin ng salamin. "Si Lingling naman." Baling nya kay Lingling at naglabas ng I-cool na pula.
"Ako maglalagay kay Mel." Presinta ni Sisang at naglabas din ng I-cool. Dami nilang supplies ah.
Tinignan ko naman ang sarili ko sa salamin at nanghingi ng pulbo kay Mia para dalagang-dalaga talaga ang datingan.
"Psst Yam. Nagawa mo na?" Tanong sakin ni Mia.

BINABASA MO ANG
Ocean Eyes
AléatoireSi Yamashita Tenorio ay isang ordinaryong dalaga na nagkakaroon ng maraming crush, isa na dun sina Gideon na hinahangaan nya simula nung silay mga bata pa lamang pero napawi rin ang paghanga nya dito nung nagkaroon ito ng kasintahin. Si James na bes...