Horror Booth
Second day na ng intrams namin pero heto lang ako sa gilid, halos mapaos na sa kakasuporta sa mga kaibigan ko na kasalukuyang naglalaro ngayon.
Masyado silang seryoso ngayon para makapasok sa finals. Tatlong araw lang kasi ang intrams namin kaya paspasan ang lahat ng mga event sa school. Sabay-sabay ang paglalaro ng bawat sports kaya minsan nalilito na ako kung anong papanuorin ko. Pero dahil wala ako kahapon kaya nandito ako ngayon para suportahan ang mga kaibigan ko. Baka kasi magtampo, mahirap na.
"Go Micah! Itodo mo! Diretso sa mukha!" Sigaw ko. Pero wrong move ata dahil napatingin ng masama sa akin ang mga 4th year level.
Shems. Parang may masamang balak sila sakin.
Blame my mouth. Walang filter. Sowrieee.
Pinili ko nalang na manahimik at manuod nalang ng mapayapa, baka kasi may masabi na naman akong di kaaya-ayang pakinggan. At baka bigwasan nalang ako bigla ng mga kalaban namin, wala akong laban sa kanila mga pars.
Ayokong maguidance ulit.
Lumipas ang ilang minuto ng matapos ang laro. Masakit man aminin pero talo kami. Ayun tuloy, tinarayan ako ng mga 4th year highschool tapos tinaasan pa ako ng kilay. Hmph! Burahin ko kilay nila eh, halatang fake. Pwe!
"Okay lang yan. Freshmen pa naman kayo and you did good. Natalo nyo nga ang ibang higher level eh. Malay nyo, next school year kayo na ang manalo. So cheer up guys! Enjoy the remaining day of this event." Ani ni Ma'am Diestro na pinapagaan ang loob namin.
Tama naman si ma'am eh. Freshmen palang mga players namin kaya baka next year supalpalin na nila ang mga makakalaban namin.
Napagdesisyonan nalang namin na umuwi dahil padilim na din. Babalik naman kami dito mamayang gabi dahil may event na magaganap. Marami pa kasing contest like Battle of the Band at Speech Choir kaya manunuod talaga ako. Pero makakapanuod lang ako kung kasama ang lola ko.
Di talaga ako pwedeng gumala ng gabi kapag di kasama ang lola ko kaya pasimple nalang akong gumagawa ng kalokohan sa school. Masyadong mahigpit si lola sa akin, di naman ako maganda para may magkainteres sa akin. Dzuh.
"Uy Yam tandaan mo ah, wag na wag lalayo sa akin." Paalala na naman ni lola sa aking for the nth time.
Sa totoo lang naiinis na talaga ako kay lola kasi high school na ako pero tinuturing pa rin akong elementary. Pano na highschool life ko nito?
Tinext ko na rin si Micah, magkapitbahay lang kasi kami kaya isasabay nalang namin sya ni lola papunta sa school. For sure kasi na di rin papayagan yun kapag walang matandang kasama.
Kulang talaga sa tiwala mga guardian namin.
Nandito na nga kami sa school, nakaupo sa bench, nag-aantay na magsimula ang event na gaganapin ngayong gabi. Gusto ko nga munang maglibot-libot kaya lang katabi ko si lola. Napaismid nalang ako at napakamot sa batok.
Naiinip na kasi ako dito, kanina pa kami nakaupo at kanina pa ako naririndi sa boses ng host na kanina pa nagsasalita pero wala namang pumapansin sa kanya.
Umpisahan nyo na kasi!
Ang tagal kasi nila mag-umpisa. Sabi 7:00 pm sharp daw mag-uumpisa na pero naknang 8:00 pm na pero boses parin ng host ang naririnig ko. Nakakaburyo na.
Gusto ko talaga maglibot. Gusto kong pumasok sa horror booth. Kaya lang di ako makaalis alis sa tabi ni lola baka kurutin ako nito kapag nagpasaway ako.
Pano kaya kung magpapaalam lang akong iihi tapos sibat agad sa horror booth? Di naman na mapapansin ni lola yun kasi baka malibang na sya sa palabas ngayong gabi. Tama!

BINABASA MO ANG
Ocean Eyes
De TodoSi Yamashita Tenorio ay isang ordinaryong dalaga na nagkakaroon ng maraming crush, isa na dun sina Gideon na hinahangaan nya simula nung silay mga bata pa lamang pero napawi rin ang paghanga nya dito nung nagkaroon ito ng kasintahin. Si James na bes...