Chapter 14

0 0 0
                                    

Fixing things

It's been 5 months since that incident happened. Kinausap ko agad si Micah tungkol sa ginawa nya. Napilitan lang daw talaga syang gawin yun para pagselosin si Mig. Nagtagumpay naman sya dun pero may nasaktan naman syang tao. Si Josh, Mia, at ako. Nasaktan ako kasi bestfriend nya ako pero di nya man lang sinabi sa akin ang totoo. Nagsorry na din naman sya sa akin at kay Mia kaya kinalimutan nalang namin yun. Wala namang hard feelings si Mia about sa pagpatol ni Micah sa ex nya pero kasi ang pangit lang tignan sa para ibang tao.

Si Josh naman ay palagi ng kasama si Crown sa school. Parang okay na din naman sya kasi nakikipagkulitan na sya sa aming magbabarkada. Parang lumala lang kasi mas naging strong ang bond nila ni Gideon. Nagjoin force baga. Naging okay na din sila ni Mig dahil nag-uusap naman sila. Magkabarkada kasi sila kaya yung barkada nila pilit silang pinag-ayos. Buti nalang at naging successful.

Syempre medyo nahirapan sila dahil puro lalaki. Ganun din naman kami ni Micah e, sinusuyo ako ng buong magbarkada para kausapin ko ulit si Micah.

Okay na ang lahat sa amin ni Micah at sa kanila Josh at Mig. May isa nalang talaga na di masyadong okay ngayon. Yun ay kina Arl at Sisang.

Napansin ata ni Arl na medyo lumalayo ako sa kanya. Since that day ay di ko na sya masyadong pinapansin. Di ko na din sya ganun kinakausap. Nagbibiruan naman kami pero hindi na kagaya dati.

Tinatanong na ako ni Arl kung may ginawa ba syang kasalanan sa akin pero di ko naman masabi sa kanya ang dahilan ko. Ayoko kasing madagdagan pa ng bigat ng loob si Sisang. I don't want her to feel guilty kapag nalaman nyang kinausap ko si Arl tungkol sa rejection ni Arl sa kanya.

I hope God will help me surpass this hatred I kept from Arl. Nandito kasi kami ni Arl sa likod ng stage. Gusto nya kasi akong kausapin ng masinsinan at seryoso.

"Yam. Sabihin mo nga sa akin. May ginawa ba akong mali? Ilang buwan ka ng ganyan e." Tanong nya sa akin.

"Wala naman. Bakit? Meron ba?" Hamon ko sa kanya. Tignan natin kung maamin nya sa sa akin ang panlalait nya sa kaibigan ko.

"Ako nga nagtatanong e. You've been so distant from me simula nung natapos ang sem break. Tell me, did I do something wrong?" Pamimilit nya sa akin pero di ko sya kinubuan. Nangangati na talaga ang dila ko na sabihin sa kanya.

"Please Yam. Okay, kung may nagawa man akong kasalanan sayo na di ko alam, sorry na. Basta bumalik ka na sa dati." Pagmamakaawa nya sa akin at hinawakan ako sa braso.

Sorry? Sa akin? Tsk

"Wag kang humingi ng sorry sa akin. Kay Sisang." Ani ko diretso sa mga mata nya. Pinaramdam ko sa mga titig ko ang pagkamuhi ko sa ginawa nya sa kaibigan ko.

Dahan dahan nyang tinanggal sa braso ko ang mga kamay nya at napahilamos sa mukha bago humarap sa akin.

"Nang dahil kay Sisang kaya naging ganun ang trato mo sa akin? You've been refusing all my gifts and ignoring all my stories tapos si Sisang lang pala ang dahilan kaya tinanggihan mo ako ng ganun? I just frankly tell her how lousy she is." Paliwanag nya at hinawakan ulit ako sa braso pero tinabig ko lang yun.

"Look at me Arl." Utos ko sa kanya. "I am lousy as her. Dark skin, kinulang sa height, magulo ang buhok, lack of fashion sense, at mahirap. The way you insult her ay di ko matanggap na nagawa mo yung sabihin sa kanya. You are being unfair, cold, and cruel to her. You just gave her the heartache she didn't want to have to." Tumigil ako saglit at inayos ang uniform ko.

"Kapag ba ako ang nagconfess sayo ay ganun din ang sasabihin mo sa akin? Iinsultuhin mo rin ba ako at ikokompara sa mga babaeng kabarkada mo na masyadong girly at kikay? Arl, you belittled the little confidence she have in her self. Pero ngayon ay wala na, bumababa lalo ang tingin nya sa sarili nya. Bumagsak ang self-esteem nya. Are you not guilty na pinaramdam mo sa kanya yun? Porket pangit wala ng feelings? Hindi ganun yun Arl, kahit kunting appreciation sa ginawa nyang love letter sayo ay di mo ginawa." Sabi ko at dinuro-duro sya dibdib.

Ocean EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon