Owned
Lumipas ang isang linggo na puro lang kami damayan sa isa't isa ni Micah. Alam na din ng buong barkada at buong klase ang hiwalayan namin ni Mig pero syempre hindi nila alam ang dahilan. Well except to my friends. Sinabi ni Micah sa kanila ang totoo. Nagtampo pa nga sila sa amin dahil tinago daw namin. Pero wala naman na silang magagawa dahil tapos na.
Sa kabilang banda naman ay si Mig at ang mga kabarkada nya. Galit na galit nga si Josh kay Mig dahil sinaktan nya si Micah. Nagalit din yung iba dahil karamihan sa mga barkada nya ay boto si Micah para sa kanya. Kaya lang wala na e. Pumatong na sa iba. At ang lakas pa ng loob na ipakilala sa klase ang bago nyang jowa. Di man lang marunong makiramdam ang damuhong yun.
"Si Asara pala ang bagong jowa ni Mig no. Ang bilis makamove on ng isang yun. Parang binalewala lang ang mahigit dalawang taon nyong relasyon." Rinig kong ani ni Lingling na nasa likuran ko. Magkausap silang tatlo ni Micah at Mia habang ako naman ay abala sa pagsosolve ng Math Problem dito. Pagdating kasi sa math, ako na ang nakatoka. Ganun kami.
"Sus. Di kawalan ang mga ganung lalaki." Komento ni Mia at pansin ko talaga ang inis sa boses nya nung sinabi nya yun. Napailing nalang ako at nagconcentrate sa ginagawa ko.
"Karma ko siguro to dun sa ginawa ko kay Josh dati." Halos pabulong naman na sagot ni Micah. Himig ko dun ang lungkot at pagsisisi sa boses nya. Nalungkot rin ako sa pinagdaanan ng kaibigan ko. Kung ikokompara sa naging relasyon namin ni Virgel ay di hamak na mas malalim at mas matagal ang relasyon nila ni Mig.
"Ano ka ba? Ang tagal na nun. Tanga lang yan si Mig dahil sya ang pinili mo pero nagawa ka pang ipagpalit sa babaeng wala namang dele cadeza." Pagbibigay lakas loob naman ni Lingling. Nagpatunog ako ng leeg ko nung natapos ko ng sagutan ang math problem bago tumayo at humarap sa kanila.
"Wag mo ng isipin yun. O sya tapos na ako. Iiwan ko na muna kayo at kailangan kong pumunta sa section one. May kukunin lang ako dun." Pagpapaalam ko sa kanila. Di ko na sila inantay na sumagot at basta nalang na umalis.
Natigilan pa ako nung paglabas ko sa pinto dahil nakita ko si Virgel na seryosong nakatingin sa akin sa kalayuan. Pero napalitan ng pangungulila ang tingin nyang yun at parang nakikiusap na kausapin ko sya. Tsk kausapin nya palad nya baka sumagot. Nice talking.
Tinahak ko na ang daan papuntang section one at pansin ko na sinusundan nya ako. O baka naman assumera lang ako. Nakita ko yung ibang estudyante na napapayuko dahil sa presensya ng lalaking ang sarap sapakin. Sus as if naman na maiintimidate ako sa kanya. Tuluyan na nga akong pumasok sa section one at nakita ko dun ang iba kong kaklase. Isa na dun sina James, Mary, Irish, at si Francis. Anong ginagawa ni Francis dito?
"Yam. May assignment ka na sa math?" Walang hiya nyang tanong sa akin. Di ko nalang sya pinansin at nilagpasan nalang sya. Lumapit ako kay Jax na sya naman talagang pakay ko. Kausap nya si James pero inistorbo ko muna sila.
"Hi Yam. Kukunin mo na ba?" Bati nya sa akin sabay tanong. Tumango nalang ako kanya at ngumiti.
"Oo sana. Gagamitin ko din e. Tapos ka na ba?" Tanong ko din sa kanya.
"Oo. Sandali kukunin ko lang." Aniya at iniwan kami saglit ni James. Humarap sa akin si James at nagtanong kung ano pinag-uusapan namin ni Jax.
"Yung gitara lang. May kukuhanin kasi akong kanta kaya kukunin ko na muna sa kanya. Balita ko nadisgrasya ka daw sa motor nitong nakaraan kaya di ka nakadalo sa group study nyo. Okay ka na ba?" Pangangamusta ko sa kanya para naman may pag-uusapan kami. Saglit akong napatingin sa labas at nakita ko lang naman si Virgel na kunot noong nakatingin sa akin. Problema nya?
"Oo. Ito nga ang galos ko sa daliri oh tapos nabendahan na din naman ang pilay ko." Sagot nya. Medyo nagulat ako dun sa sinagot nya kaya agad kong hinablot ang kamay nyang may galos. Napadaing pa sya sa sakit kaya agad akong nag-sorry. Katangahan ko talaga.
BINABASA MO ANG
Ocean Eyes
RandomSi Yamashita Tenorio ay isang ordinaryong dalaga na nagkakaroon ng maraming crush, isa na dun sina Gideon na hinahangaan nya simula nung silay mga bata pa lamang pero napawi rin ang paghanga nya dito nung nagkaroon ito ng kasintahin. Si James na bes...