Chapter 4

2 0 0
                                    

Confused

Last day of intrams. Nandito kami ngayon ng mga kaibigan ko sa loob ng classroom, nakatanga lang.

Parepareho pala kaming napagalitan kagabi. Si Mia napagalitan ng nanay dahil nalate sa pag-uwi, hanggang 9:00 pm lang pala ang curfew nya pero 11:00 pm na nakauwi kaya ayun napalo. Si Berly naman napagalitan ng tatay nya kasi nawala ang kapatid nya kagabi sa event, sinama nya pala yun kaya nung nawala ay umuwi sa kanila para magpatulong sa paghahanap. Tumulong din naman kami kaya lang yung tatay nya ang nakahanap, kaya sa huli pinauwi sya ng tatay nila at pinagalitan. Sina Chel, Mel, at Sisang naman ay napagalitan din ng mga nanay nila dahil hindi pala nagsiuwi. Aba malupit! Ang lakas ng loob mag-overnight sa boarding house ng kaklase namin. Dinahilan pa ang disco kaya daw di sila nakauwi, di nga daw sana sila papayagan na pumunta ngayon dito kung di lang compulsory ang attendance. Kapag nag-absent daw kasi, dapat magbibigay ng isang sakong semento sa school. Aba ang mahal kaya! Ito namang si Micah, napagalitan ng kuya dahil tumakas din pala ang gaga. Ayun napagalitan din ng tatay, pasaway kasi.

At ako? Nakatanggap ako ng malutong na palo at kurot kay lola pag-uwi na pag-uwi namin. Hanggang ngayon nga ramdam ko parin ang sakit nung kurot, grabe talaga makakurot si lola.

Dahil sa nangyari kagabi kaya napapaisip ako kung papayagan pa ba kami ngayong gabi na manuod sa event. Ngayon pa naman malalaman kung sino ang over all champion at kung sino ang Mr. and Ms. Intramurals.

Ang malala pang naisip ko ay baka next year o sa susunod na taon ay di na kami papayagan. Ang lupit naman ata nila kapag ganun.

Di na talaga ako magpapasaway. Slight nalang.

"Ang tahimik nyo atang anim dyan? Di kami sanay ah." Bungad samin ni Joy na kaklase naming adik sa K-pop at Anime.

"Wala." Sabay sabay na sagot namin. Takot mapahiya eh, alangan namang sabihin namin na napagalitan kami kagabi.

"Dyan lang kayo? Nasa soccer field mga kaklase natin pinapanuod ang laro nila Josh. Tara manuod tayo." Aya nya sa amin pero wala namang sumunod sa kanya. Wala talaga. Wala kaming gana.

"Ano palang plano nyo next week? Sem break na natin." Basag ni Chel sa katahimikan.

"May part time job ako kaya di ako pwede gumala." Sagot ni Lingling.

"Ako rin may part time." Mel

"Sana lahat may part time job. Ako kasi nasa church lang. Baka may gagawin kami within that week." Mia

"Ako? Hmmm di ko alam. Anong gagawin natin Yam?" Ani ni Micah at bumaling sakin.

Anong papel ko sa Sem break ng isang to? Chour. Malamang kasi magkapitbahay kami.

Parang marami akong gagawin sa sembreak. Mwehehehehehe.

"Una. Maglalako tayo ng tinda ng hipag mo, atleast diba magkakapera tayo. Tapos as usual makikisali tayo sa pagbasketball nila Crown, magluto-lutuan, magbahay-bahayan, maligo dun sa talon nila Nanay Susan at tuturuan ko na si Micah mag-gitara." Buong pagmamalaki kong ani.

"Buti pa kayo. Ako ata baka magbabad nalang ako sa dagat." Chel.

Nasa kabilang isla pa kasi bahay nya, si Mel at Sisang naman ay sa magkabilaang bundok nakatira. Kila Mia at Lingling ay malapit lang naman kaya lang tamad talaga kami mag-gala.

Nakakatamad naman talaga mag-gala lalo na kapag walang pera.

--

Natapos lang kami sa pag-uusap nung bandang hapon na. Di ko nga alam kung makikita ko pa ang mga kaibigan ko mamaya, baka kasi di na kami papayagan pa.

Ocean EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon