Chapter 10

6 0 0
                                    

Hug me booth

"Bilisan mo Gid." Sabi ko kay Gideon sa mahinang boses.

Nandito kami sa pinto ng CR ng TLE room, sinusubakan naming buksan dahil ang layo pa ng CR. Nasa dulo kami ng bandang timog-kanluran habang ang CR naman ng College Department ay nasa hilagang-silangan pa. Baka pumutok na pantog namin bago makarating dun.

Kaya kahit pinagbabawalan na kaming mag-CR dito sa room ay sinusubukan pa rin namin ni Gideon na buksan ito.

Di talaga namin kayang di gumawa ng kalokohan.

"Yes! Nabuksan ko na!" Ani ni Gideon na tuwang-tuwa. Sa sobrang tuwa namin ay naghigh-five pa kami.

Salamat Lord!

"Andyan na si Ma'am Domingo!" Sigaw ni Joy.

Agad kaming naghiwalay ni Gido at umupo sa kanya-kanya naming upuan. Ganun din ang iba kong mga kaklase.

Para talaga kaming transformer. Ako si Bumblebee tapos si Gideon naman si Optimus Prime.

Nagkunwari kaming busy sa pagbabasa pagkapasok ni Ma'am Domingo. Para di halata na magulo kami bago sya pumasok.

"I have an announcement for you class. 2 weeks from now ay intrams nyo na, kaya kung may gusto kayong salihan ay magpalista na kayo. May iba naman dito na kasali na sa iba't ibang sports kaya yung iba na gustong sumali ay magtanong nalang sa mga kaklase nyo for the audition. At oo nga pala! I recommended Mia and Yamashita to our speech choir as of this year." Agad naman kaming nagtinginan ni Mia na parang di makapaniwala. "Kaya kayong dalawa, lumapit nalang kayo kay Ma'am Katherine for more information. That's all. So for now, let's proceed to our previous discussion." Mahabang litanya ni Ma'am Domingo.

Half-day lang ang klase namin pero nandito parin kami sa school. Kapag kasi malapit na ang intrams namin ay 30 minutes lang ang given time sa bawat subject para makapagpractice kaming mga estudyante.

"Pupuntahan na muna namin si Ma'am Diestro." Ani ni Lingling. Kasama nya sina Sisang, Micah, at Chel.

Umalis na nga silang apat at kami nalang tatlo ni Mia at Mel ang naiwan. Nabaling ko ang tingin kay Mel.

"Pano yan Mel? Pupuntahan din namin si Ma'am Katherine. Alam mo naman na sila talaga ang pipili kung sino lang ang pwedeng sumali." Malungkot na ani ko at niyakap sya na animoy naglalambing.

"Okay lang ako. Sige na, punta na kayo dun." Sabi nya pero umiling lang ako ng ilang beses at hinigpitan pa lalo ang pagkakayakap sa kanya.

"Tara na Yam. Buti pa isama nalang natin si Mel. Siguro naman pwedeng manuod no." Sabi ni Mia at hinila ako sa pagkakayap kay Mel. Nagtalon talon naman ako sa idea nya at niyakap din sya.

Bakit di ko naisip yun?

--

"Thank you for the wonderful performance Grade 8 students." Sabi ng emcee pagkatapos namin magperform.

Nagpatuloy lang sya sa pagsasalita at tinawag na din  ang susunod na magpeperform.

Sa totoo lang, di ako satisfied sa performance namin. Kung ikokompara ko kasi sa ibang performer parang walang-wala talaga ang sa amin kaya di na ako mag-iexpect. Mahirap ng umasa.

Natapos ng magperform ang lahat ng year level at ngayon ay iaannounce na kung sino ang mananalo. Tinignan ko naman ang mga kabatch ko at talagang makikita ko sa mga mata na nila ang pag-asang manalo. Pero asa! Ang pangit kaya ng sa amin. Ako na ang nagsasabi.

"Congratulations 2nd year College Students. You've won this year!" Anunsyo ng emcee kaya agad naman na nagsitalon ang mga 2nd year college student sa sobrang tuwa.

Ocean EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon