Christmas
Thank you! Thank you!
Ang babait ninyo. Thank you~Awit namin nila Micah. Namamasko kasi kami dito sa malapit lang samin dahil may pinag-iipunan kami.
Kasama namin sina Crown at ang dalawa nyang kapatid na sina Zue at Charice. Kasama din namin ang kapatid ko na si JM at ang kapatid ni Micah na si Mitch. Magkakabata kami at solid talaga kaya every Christmas at New Year ay lagi kaming magkakasama.
Yung nangyaring scandal last month ay naging maayos naman. Walang suspension na nangyari pero pinagcommunity service naman kami ni Ate Rovi.
Ako yung unang nakipag-ayos dahil pinagsasabihan ako ni Gideon at Mia tungkol dun sa pagsapak ko kay Ate Rovi na dapat di ko ginawa. Bilang isang Kristiyano daw ay masama ang bagay na yun. Alam ko naman yun, napuno lang talaga ako.
Ayoko lang talaga na husgahan ako sa bagay na di ko naman ginawa.
Sino ba naman kasing babae ang masisiyahan kapag tinawag na malandi? Kahit nga ata mga pokpok ayaw na ayaw marinig ang salitang yun.
Buti nalang at nagsorry din sakin si Ate Rovi, naliwanagan na din daw kasi sya at inamin nya na mali nya yung nangyari. Kaya ayun, binigyan nya ako ng Doraemon ng Teddy Bear. Naks yayamanin.
Humingi na rin ako ng tawad sa Panginoon dahil sa ginawa ko.
But to tell you guys. Yes I am a Christian but I'm not perfect.
Yung ibang tao kasi, malaman lang na Christian ka, akala nila perfect ka na.
Ano yun? Bawal na ba magkasala?
Kaya ayun, nag-ayuno ako ng isang araw.
"Okay na to. Malaki-laki na rin ang nalikom natin. Umuwi na tayo, bukas ulit." Aya samin ni Micah kaya nagsisunod naman kami sa kanya.
Pagdating namin sa bahay nila Micah ay agad naming binilang ang pera. Sobrang tuwa nga namin dahil umabot ng 1k ang pera kaya pinaghahatian agad naming anim ang pera.
Tag 166 kami at yung natirang barya ay nilagay namin sa lagayan ng pera namin para bukas ulit. Noche buena na bukas kaya siguradong mas malaki pa dito ang makukuha namin.
Todo pamasko talaga ako kahit mapaos-paos na dahil wala naman akong kilalang ninong at ninang. As in, wala kahit isa!
Umuwi ako sa bahay at pumasok sa kwarto. Nilabas ko agad yung mga naipon kong pera simula nung Christmas Vacation at binilang yun. Grabe! Di ako makapaniwala!
Halos umabot ng isang libo ang naipon ko at feeling ko sobra-sobra pa to para sa mga kailangan kong bilhin.
Balak ko kasi na bumili ng cellphone, yung keypad lang para pangcontact lang kila papa at sa iba ko pang mga kamag-anak. Iilan lang ang may cellphone samin na magkaklase dahil more on physical activities kami.
Kaya bukas na bukas din ay bibili na ako ng cellphone.
Parang dininig ata ni Lord ang panalangin ko na sana bilisan ang gabi para umaraw agad. Nandito na kasi ako sa palengke at namimili ng damit at sapatos para naman madagdagan ng bago ang gamit ko. Bumili na rin ako ng mga keychains para sa mga kaibigan ko, binibase ko pa nga sa mga favoritw color nila para special ang dating kahit mumurahin. Nakabili na rin ako ng cellphone na tag 500+ kasi keypad lang naman.
Pagkatapos kong mabili ang mga gusto ko ay pumunta ako dun sa may nagbebenta ng mga niyog, binilinan kasi ako ni lola na bumili para sa lulutuing biko mamaya.
"Pabili po." Sigaw ko dun sa niyogan. Wala kasing tao sa labas kaya medyo pumasok ako.
Grabe ang daming niyog. Malamang niyogan, kaya nga niyogan. Haler self, bobo lang?

BINABASA MO ANG
Ocean Eyes
РазноеSi Yamashita Tenorio ay isang ordinaryong dalaga na nagkakaroon ng maraming crush, isa na dun sina Gideon na hinahangaan nya simula nung silay mga bata pa lamang pero napawi rin ang paghanga nya dito nung nagkaroon ito ng kasintahin. Si James na bes...