Chapter 17

2 0 0
                                    

Proposal

Naging private lang talaga ang relasyon namin at tanging kaming tatlo lang ang nakakaalam. Si Micah, ako, at si Virgel. Gusto nga sana ni Micah na magdouble date kami kasama si Mig pero tinanggihan naman namin ni Virgel ang paanyaya nyang yun. Private nga diba?

Two weeks from now ay pasukan na naman. Grade 10 na ako sa wakas, matatapos ko na rin ang Junior High. At dahil malapit na ang pasukan kaya nandito kami ni Virgel sa bilihan ng school supplies. Gusto nya kasi akong samahan para daw matulungan nya ako sa pagpili ng gamit. Akala nya naman sya ang gagamit. Echos lang.

"Gusto ko to. Si Mariposa!" Masayang sambit ko at niyakapyakap ang notebook na si Mariposa ang nakacover. Napatingin sakin ang ibang tao at nagbulong-bulungan pa. Tinignan ko naman sila ng masama at inirapan. Mga echosera.

"Hey. Are you gonna buy this?" Tanong sakin ni Virgel. Maligalig na tumango at kumuha pa ng ibang notebook na barbie rin ang cover.

"Don't you think this is too much... childish? I mean. Look at yourself. You are already grown up." Ani nya kaya napasimangot nalang ako at tumingin dun sa ibang mga dalaga na nakapwesto dun sa mga notebook na may quotes lang na design sa cover.

Napanguso ako at nagpagiwang-giwang habang pinagdikitdikit ang mga hintuturo ko.

"Oh baby. I didn't mean to offend you. If you want this let's get this." Ani nya at kumuha ng Barbie na notebook. Agad ko naman syang pinigilan at inagaw sa kanya ang mga notebook para ibalik sa lalagyan nito.

"Di naman ako naoffend. Ano kasi. Naisip ko rin na I should act on my age na rin para masabayan kita. So..." Mahinang ani ko at di ko na alam anong idudugtong ko. Nalulungkot kasi ako. Barbieeeeeeeeeee.

"I love the way you are." Wika nya at kumuha ng sampung barbie na notebook. "Bayaran na natin to." Dugtong nya at nauna na sa cashier. Napangiti nalang ako. Masasabi ko talagang napakapalad ko dahil sya ang naging boyfriend ko. Kahit na childish ako at minsan tinotoyo ay lagi nya akong iniintindi. Di man sya ganun kavocal sa gusto nyang sabihin sakin ay dinadaan nya nalang sa pagsabi sakin na mahal nya ako. Mahal nya ako kung sino ako. Kahit na ganito lang ang hitsura ko. Kahit na ganito lang ang social status namin. At kahit na di ko sya masabayan sa ibang bagay dahil nga sa age gap namin. Pero binalewala nya lang yun. Mas iniintindi at inuuna nya ang kasiyahan ko. And I don't know how to give him back the favor. He did a lot of things for me pero wala akong maalala na bagay na nagawa ko sa kanya.

"Yam. Let's go." Tawag nya sa akin. Naknang. Nasampal ko ng mahina ang pisngi ko dahil naging lutang na naman ako. Haaays. Umayos ka nga Yam.

"Susunod na. T-teka. Ikaw ang nagbayad?" Tanong ko sa kanya pero marahan lanh syang tumango. "Eeeeh sabi ko ako ang magbabayad e. Magkano ba lahat? Babayaran kita."

"Hindi na." Sagot nya kaya sinamaan ko sya ng tingin. "Napag-usapan na natin to diba?" Paalala ko sa kanya. Ayoko kasi na gasto sya ng gasto sakin. Baka maspoil ako at hanaphanapin ko ang luho sa kanya. Ayokong mangyari yun. Kaya nga ako nag-iipon para makabili ng mga pangangailangan ko e. Yun nga lang, dinagdagan ni tito ng isang libo dahil nalaman nya na bibili pa akong cellphone at magpapatahi pa ng bagong uniform.

Wala ng nagawa sa si Virgel kaya pinabayaran nya na lang sa akin. Ngayon ay nandito kami kay Ate Jean, kilalang mananahi dito.

"Hello ate Jean." Bati ko pagpasok na pagpasok ko sa tahian nya. May binebenta rin syang mga sapatos at bag. "Uy Yam. Kumusta ka na? Okay na ba yung tuition fee mo last school year?" Tanong nya at tinigil muna ang pagtatahi at tumingin kay Virgel.

"Opo ate. Salamat po talaga sa pagdagdag. Nahirapan na din po kasi sila lola sa paghahanap ng mahihiraman pero buti andyan kayo. Hayaan nyo po, unti unti ko po kayong babayaran." Sagot ko. Napatikhim si Virgel sa gilid ko at tinignan ako na parang nagtatanong na bakit di nya alam yun. Di ko nalang pinansin yun. Kung hindi dahil kay ate Jean, baka di ko na napapirmahan yung clearance ko.

Ocean EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon