Chapter 5

2 0 0
                                    

Scandal

Natapos ang sembreak ko ng masaya. Totoo!

Nagawa kasi namin lahat ng plano namin ni Micah at nagkapera pa kami. Naisip nga naming gawing puhunan ang naipon naming pera nung sembreak para makapagtinda kami sa school.

Linggo ngayon at bukas na ang balikan ng pasok. Nandito kami sa isang kilalang grocery store samin at namili ng ititinda namin. Di naman ganun kalaki ang naipon namin sa paglalako pero sakto lang para makabili kami ng isang garapon ng Stick-O, Bubble Joe, Judge, Stay Fresh at iba pang candies na alam naming malakas sa madlang student.

Dalawang piso lang kasi ang laging binibigay na baon sakin ni lola, minsan naman sampu pero si lolo na nagbibigay sakin nun.

Kuripot talaga si lola kahit kailan. Pero mahal ko yun, sya kasi nagpalaki saming tatlong magkakapatid. Iniwan kasi kami ni mama nung naghiwalay sila ni papa, di ko nga alam ang dahilan pero pinabayaan ko nalang yun.

Pagdating namin sa bahay ay agad kong pinasok sa bag ang mga paninda namin since mas malaki ang bag ko kaysa kay Micah. Natatawa na nga lang ako sa gagawin namin.

Pero ganito talaga ang buhay, kailangan marunong ka dumiskarte, di yung umaasa ka lang palagi sa iba.

Pagkatapos kong ilagay ang mga paninda ay kinuha ko naman yung school uniform ko, ipapaplantsa ko lang kay Micah. Di kasi ako marunong magplantsa at tsaka wala rin kaming plantsa. Kapag kasi nagplantsa ako pinapagalitan ako ni lola. Last time kasi na nagplantsa ako, nasunog yung palda ko kaya ayun tinahi ni lola. Wala kaming budget para sa bago eh. Mahirap lang talaga kami.

Kinabukasan ay para kaming mga bagong laya na nakalabas sa hawla.

Kamustahan dito.

Kamustahan doon.

Plastikan dito.

Plastikan doon.

Yabangan dito.

Yabangan doon.

Basta! Kanya kanya kami ng chismis.

As usual, kausap ko ang mga kaibigan ko na nagkukwento ng adventure nila last week.

Si Chel, pinagmamalaki nya ang pagsama nya sa tatay nya sa laot. Nakabingwit daw kasi sya ng galunggong. Grabe. Sobrang proud nya dun.

Si Sisang naman, proud sya na nakuha nya ang award na Ms. Congenial sa munting patimpalak sa barangay nila. Aba! Sa itsura nyang yan naglakas loob pa syang sumali? Iba talaga confidence ng kaibigan kong to.

"Buti nalang may nakuha kang award no." Sarcastic na sabi ni Lingling na may boring na sembreak.

"Aba oo naman. Di man ako maganda sa labas atleast maganda ang kalooban ko." Pagmamayabang nya.

"Pano mo nagawa yun?"  Curious na taning ni Chel

"Ngiti ka lang ng ngiti." Sagot nya. Kaya ayun, ngumiti kaming lahat na kala mo kasali sa contest.

Si Mel at Lingling, parehas lang sila. Boring at busy ang sem break.

Si Mia naman ay busy sa church nila. Pastor kasi tatay nya kaya mahinhin. Pero wag kayo! May kalokohan din yan sa katawan. Dalawa na nga naging jowa nyan eh, una si Zyrelle na taga Section 1 na kaklase namin nung Grade 4 na bestfriend nya na ex nya na ngayon. Si Josh na kasi ngayon, sinagot nya din pala nung gabing yun. Marupok.

Si Micah at ako naman ay parehas lang. Lagi naman kaming magkasama, kaya lang parang may weird na nangyayari sa kanya.  Pansin ko na lagi syang may katext this past few days. Minsan nga nakikita ko pa syang ngumingiti pero tinatago nya naman agad ang phone nya kapag tinatanong ko. Weird.

Ocean EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon