Chapter 16

5 0 0
                                    

AN: Pasensya na po sa napakaraming typo at wrong grammar. Correct me if I'm wrong nalang mga katropa. Mwuah.

------------

Summer vacation

"Sampu po ang isang stick te." Sagot ko sa babaeng bumibili sa amin ni Micah ang bananaque. Bakasyon na kasi ulit kaya dating gawi na naman kami. Ganito naman palagi ang ginagawa namin tuwing bakasyon para makaipon kami sa pasukan.

May isip na kami upang suportahan ang sarili namin. Hindi sa lahat ng panahon ay aasa nalang kami sa mga guardian namin.

"Pabili akong tatlo ne." Ani nung babae kaya agad namang kumuha ng tatlong stick ng bananaque si Micah at nilagay ito sa isang plastic labo bago binigay sa babae.

"Uy limang stick nalang. Tara dun pa tayo sa dulo." Masayang sambit ni Micah dahil sa wakas ay paubos na ang nilalako namin. 100 stick na bananaque kasi ang pinapalako sa amin. Sa bawat stick na mabebenta namin ay may makukuha kaming dos, tagpiso kami ni Micah kaya kapag naubos namin to ay may tag-iisang daan kami. Di na masama yun. Atleast nagkaroon kami ng isang daan sa ilang oras lang na paglalako.

Sa buhay kasi dapat marunong kang dumiskarte. Di sa lahat ng panahon ay kayang ibigay sayo ng mga magulang mo ang lahat ng pangangailangan mo sa buhay. Ganito ang tinuro sakin ng lolo at lola ko. Dapat maging productive ka. Walang sasayangin na oras at walang sasayangin na pagkakataon. Sa mga taong katulad ko na mahirap lang, kapag di ka nagtiyaga wala ka ring mapapala sa buhay mo. Kaya kahit mahirap ka, make the most out of it. That's life.

"Uy! Naglalako kayo?" Natatawang ani ni Rico, isa sa mga kaklase naming lokoloko. Gwapo nga, bobo naman. Sinamaan ko sya tingin at inismiran. Para kasing iniinsulto nya ang pinagkakakitaan namin. Parehas lang naman kaming mahirap e. Feeling mayaman lang talaga sya.

"Kita mo naman diba? Bakit, bibili ka?" Matapang na tanong ni Micah sa kanya. Pati bestfriend ko ay nainsulto din. Malamang. Mahirap lang kami pero di masama ang ginawa naming paglalako. Normal lang sa mga mahihirap ang magsipag. Malamang abnormal ang isang to. Mahirap na nga feeling mayaman pa. Aba, masama kaya ang manghamak ng kapwa mo mahirap. Di aasenso sa buhay ang mga ganyan.

"Ayoko." Tanggi nya at umalis na. Inambahan ko kasi sya ng sapak kaya ayun natakot. Sus wala namang binatbat. Sa totoo lang, wala kang mapapala sa pagiging tamad. Kaya bahala sya sa buhay nya, di na nga nag-aayos sa pag-aaral pati buhay binibiro pa. God bless nalang sa kanya.

Nagpatuloy kami sa paglalako ni Micah at pinuntahan ang isa sa mga suki namin. Marami na kaming suki dito sa lugar namin, sa tagal ba naman naming naglalako e.

"Tatay Ben, ubusin nyo na po ito. Limang stick nalang po." Pakiusap ko kay Tatay Ben. Isang kilalang tao dito sa amin.

"Tatlo lang naman kaming nandito ne, di namin mauubos yan." Sagot nya. Napasimangot nalang ako. "Pero sige, lima ang bibilhin ko, sa inyo nalang ang dalawa para makauwi na kayo." Ani nya kaya napatingin kami ni Micah sa isa't isa na may malawak na ngiti. Yes! Kung sinuswerte ka nga naman oo. Usually kasi, tatlong stick lang ang binibili ni Tatay Ben. Naawa siguro sya sa amin at di nya matiis ang pagiging cute namin kaya inubos nya na at binigyan pa kami ng meryenda. Panulak nalang ang bibilhin namin ni Micah mamaya.

"Salamat po Tatay Ben. Pagpalain po nawa kayo ng Diyos." Ani ko ng nakangiti. Ngumiti nalang din sa amin si Tatay Ben at tumango. "Pagpalain din nawa kayong mga masisipag at mabubuting kabataan. Mauna na ako sa inyo." Nakangiting sagot sa amin ni Tatay Ben at tinalikuran na din kami.

"Bili tayong RC kina Diaz tapos tambay tayo sandali dun." Aya sa akin ni Micah habang inaayos ang lagayan namin. Nagbibilang ako ng kinita namin kaya hinayaan ko nalang sya na asikasuhin yun. "Sige. Sandali lang, bibilangin ko muna to." Sang ayun ko at bumalik ulit sa pagbibilang. Saan na nga ako ulit nun? 325 na ata? Haays ito kasi si Micah, dinisturbo pa ako.

Ocean EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon