Kabanata 1

5 3 0
                                    

Lilith's POV

Masayang nagmamaneho si papa habang pinapatugtog niya ang paborito naming kanta ng Air Supply na 'Having You Near Me'

"I came to you and never ask to much
Wondering what you would say
Hoping you'd understand
It's not a role I usual play"

Kanta ni papa habang sumasabay sa kanta, at dinadama niya ang leriko ng kanta. Tinapik ko siya at tinuro ang sarili ko para ipaabot sa kanya na ako ang susunod na kakanta, ngumiti siya bilang sagot.

"Habing yu nirrr meee!
Hulding! Yuuu nirrr miiii awoooh" dahil dakilang mang-aawit ako nilagyan ko ng pamalakasang kulot sa dulo ng kanta.

Tumawa si papa habang hawak niya ang tiyan niya at nagpipigil na tumawa.

"Wala ka sa tono Celeste hahahahabang nagpipigil pa rin ng tawa.

Ako pa ngayon ang wala sa tono?

"Ampanget lang po talaga ng pandinig mo papa, huwag niyo pong sisihin ang maganda kong boses" umigham ako sinyales na magvo vocalizations ako.

"La la la la la la la lah!" Mahigpit akong kumapit sa seat belt ko ng kantahin ko na ang huling nota.

Napailing-iling si papa habang patuloy pa rin sa pagtawa. Ang hirap ng ginawa ko tapos ganon lang ang reaksiyon niya?

"Hahaha tama na anak. Humohulma na ang ugat mo sa leeg, saka lumalaki ang butas ng ilong mo hahaha" sinenyasan ako ni papa na huminto na.

The Immortal LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon