Prologue

11 3 0
                                    


Palinga linga siya habang pilit na kinakalma ang takot nararamdaman niya. Ito ang unang beses na nakaramdaman siya ng ganitong takot sa tanang ng pamumuhay niya sa mundong ito. Panay ang hiling na sana ay hindi siya nahuli ng dating, sapagkat wala na siyang magagawa kapag nahuli ang lahat, mas pipiliin niya nalang na matapos ang buhay niya kung tuluyan ng magiging kauri niya ang babaeng pinakamamahal niya.

"Hindi pwede na maging bampira ka Celeste Lilith" bulong niya sa kanyang sarili habang patuloy pa rin sa paghahanap sa dalaga.

Hindi niya alintana ang sariling saplot na marami ng punit dahil ang natatanging nasa isipan niya lamang sa ngayon ay ang makita ang mortal niyang iniibig.

"Lilith!" Malakas niyang sigaw na umalingawngaw sa kweba ng mga patay kung saan maaring maging bampira ang sinumang magnanais na mortal na maging immortal katulad nilang mga bampira.

Nagsimula ng maging matulis ang kanyang mga pangil indikasyon na lumabas na ang buwan sa kalangitan at maari na siyang maging malakas at maliksi. Napaluhod siya sa lupa habang iniinda ang sakit at init na nararamdaman sa kanyang buong katawan. Ito na ang oras ng kanyang pagiging ganap na pinuno. Ito na ang oras ng kanyang walang katapusang lakas. Ito na ang panahon para tawagin siyang Hari ng mga bampira.

The Immortal LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon