Lilith's POV
Ang bait bait pala ni Blade at masarap kausap, ang gwapo gwapo pa hehehehehe. Pero syempre mas gwapo si duck prince kaso mas mabait nga lang si Blade.
"So Celeste what happen next when your manang Linda cooked you an fried sabaw? Hahahaha" bungisngis na tanong ni Blade habang si ate Lucinda naman ay natatawa na din.
Kwenento ko kase sa kanila nong birthday ko tapos si manang Linda ang nagluto ng lahat ng mga handa ko. Lahat kase ng dumalo sa birthday ko ng araw na yun ay sabay sabay na na hospital dahil sa sakit ng tiyan dahil sa fried sabaw ni manang Linda.
"Lahat sila nasa hospital pagkatapos ng birthday ko hahahaha" natatawa kong sabe sa kanila.
"Hahahaha that's so funny Celeste. Manang Linda is a dangerous cooker hahahaha" natatawang sabe ni Blade habang mahinang hinahampas ang lamesa dahil sa kakatawa.
"Yeah your right Blade" pagsang-ayon ni ate Lucinda sa sinabi ni Blade.
Mahal ko si manang Linda pero napakadelikado talaga ng mga niluluto niya. Hindi mo malalaman kong kailan ka matatawag ng kalikasan dahil sa bagsik ng luto niya.
"You're so funny and cute Celeste, I really admired someone like you" ani ni Blade habang nakangiting tumingin sa'kin.
Mukhang crush ata ako ni Blade ah. Hindi ko naman siya masisisi sa ganda kong to talaga walang nakakaligtas.
"Crush mo ko no?"
"Well ye-" hindi niya natapos ang sasabihin niya ng putulin ni duck prince ang sasabihin niya.
Sayang hindi ko nalaman hehehehe.
"Fcuk! Are you blind or something Corliss have you forget that I'm here. Have you forgot that the girl you're flirting right now is my fiancee?" Matalim na tinignan ni duck prince si Blade na ngayon ay nakataas ang parehong kamay.
Makikipag-apir ata.
"Easy Luther I'm just having fun with Celeste and crush is just paghanga, no need to worry" natatawang sabi ni Blade kay duck prince.
Lumapit ako kay duck prince saka siya binulungan.
"Ang sama mo talaga duck prince"
"Really human? Who do you think is the real bad person right now? Your flirting with other guy in front of your fiance" umigting ang panga ng lingonin ako.
"Bakit duck prince selos ka?" Biro kong sabi habang natatawa.
Mabilis siyang lumingon sa mukha ko na ilang pulgada nalang ay mahahalikan niya na ako.
Ay! Bet.
"Stop flirting Lilith" aniya na hindi naman sagot sa tanong ko.
"Do you want to eat more Celeste? Should we order another batch of food for you? hahahaha" natatawang tanong ni tito Lazarus. Nababaliw na nga tong pamilyang to, tawa ng tawa.
Tinignan ko ang pagkaing nasa lamesa na puro walang laman. Hindi ko man lang napansin na naubos ko na pala lahat. Bakit ganon parang hindi ako nabusog?
"Hehehe nakakahiya naman tito. Pero sige po kase mapilit po kayo. Kaya pagbibigyan ko nalang kayo ano nalang po lechon manok, fried chicken, adobong manok, fried egg, tinola at chicken skin nalang din po tito kayo na po bahala sa iba" sabi ko.
"Hahahaha" sabay nilang tawa. Nag-uumpisa na naman sila. Mukhang hindi na gagaling ang mga to.
"Mukhang ka magkakabalahibo diyan Celeste" Ani ni tita Everett.
Unsa ko manok?
"By the way Luther, in here it because-" ani sana ni Blade kaso pinutol siya ni duck prince. Ambastos talaga ng patong to.
"You're here because father ask your help"
"Yeah maybe I shouldn't need to explain because you-"
"Of course I already knew Corliss, what is the use of my power to read people minds if I don't use it" aniya saka niya tinignan ng matalim si Blade. Anong problema nitong prinsipe ng mga pato?
"Anong problema mo duck prince? Anong pinuputok ng butchi mo ba't mo sinusungitan si Blade? May dalaw ka ba ngayon?" Kumunot ang noo ni duck prince sa sinabi ko at tinaasan ako ng kilay. May pagkamalambot ata tong lalakeng to.
"So pinagtatanggol mo siya ngayon?" Aniya habang ngumingisi sa'kin ng nakakainis.
Pag' itong nguso niya pinitik ko, aabot to sa ibang lugar.
"Eh bakit ka kase nagsusungit?! May gusto ka ba kay Blade? Crush mo ba siya? M.U. kayo? Kailan pa? Anong-" isang ultra megang pitik ang tumama sa noo ko na naging dahilan ng pagdaing ko.
Sapo sapo ko ang noo ko para akong maiiyak sa sobrang sakit. Animal kang bampiraha ka.
"Araguy!" Mangiyak ngiyak kong sabi habang marahan kong hinihimas ang kawawa kong noo.
"Fcuk! I'm sorry Lilith I didn't mean to flick you so hard I didn't control my finger to do that" mabilis na hinawi ni duck prince ang kamay ko na nakatapik sa noo ko.
"Masakit ba?" Aniya habang mahinang hinihiripan ang noo ko. Feeling niya naman mala anesthesia ang buga ng bibig niya.
Pero enpernes oy! Mabango hininga ng pato.
"Syempre ikaw ba naman pitikin ko nang ganon kalakas tignan natin kung di ka makakaramdam ng sakit buset ka"
Nag-aalala siyang tumingin sa'kin saka niya binunot ang cellphone niya sa ilalim ng tuxedo niya. May bulsa pala yun'?
"Hello this is Kieran Luther Crimson son of Lazarus Crimson call a doctor, I want the best doctor and send to my house immediately" ani ni duck prince saka binaba ang tawag.
Napaawang ang bibig ko sa narinig ko kay duck prince. Pucha! Doctor? Para pitik lang doctor agad? Bakit nakakamatay ba ang pitik?
"Damn it Lilith! Are you okay? Bakit nakanganga ka? Can't you breath?" Natataranta niyang tanong.
Tinignan ko sila tita na ngayon ay nakatulala din kay duck prince dahil sa inaakto nito. Pati ata sila naweweirduhan kay duck prince.
"Shit! Lilith answer me!" Sigaw ni duck prince habang niyuyogyog ang balikat ko.
"Ikaw ba okay ka lang?" Nag-aalangan pa akong magtanong sa kanya kasi mukhang mas kailangan niya ng doctor. Wala na ata to sa tamang pag-iisip.
"The hell yes I'm fine Lilith how about you? Nahihilo ka ba?" Aniya saka tumayo at may kinausap nanaman sa telepono.
"If your doctor are not here within one minute say goodbye to your damn hospital!" Sigaw niya sa kabilang linya saka binalibag ang teleponong hawak niya.
"Kieran kumalma ka" naiinis kong sabe sa kanya na ngayon panay ang tingin sa noo ko.
"Damn it! You're not okay Lilith your calling me by my name.... I need to bring you in the hospital to admit"
Wala na nabuang na.
![](https://img.wattpad.com/cover/227045643-288-k480613.jpg)
BINABASA MO ANG
The Immortal Love
Про вампировDugo ang bumubuhay sa tulad niyang bampira. Ang pambirang si Kieran Luther Crimson ay isa sa pinakatatakotan at nirerespeto ng kalahi niya. For him, his reputation is the most important thing in his life. Pinakamalakas at tinitingala siya ng mga kap...