Lilith's POV
Bakit nasa van kami? Yiii kikinadnapen ata ako ng frog prince ko? Kinilig naman tigyawat ko. Masakit eh. Pero ayaw niya ata maging frog prince eh, mukhang mas gusto niya yong Ugly Ducking.
"Ayiiii! Ikaw ha" tinapik ko ang braso niya.
Mabilis niyang winaksi yong kamay ko at kunot noong tumingin sakin. Aba! Aba! May pagkachossy pala tong... Sino ba jowa nong Ugly Duckling? Di' bale na, Duck Prince nalang tawag ko sa kanya.
"What?"
"Aysus! Alam ko na yang galawan mo duck prince. Nabasa ko na yan sa mga libro, itatakas mo ko para pakasalan" sabi ko habang patukso siyang tinititigan.
Nanlaki ang mga mata niya at mabilis siya lumapit sakin at mukhang hahalikan ako sa leeg.
Ene be yen embeles me nemen keye.
"Ehehehe ene be ne kekelete ekesh" nagpupumiglas ako maramdaman ko ang hininga ni duck prince. Naghilod ba ko noong nakaraang buwan? Buti nalang hindi kasing lupit ng hininga ni manang Linda ang hininga ni duck prince, amoy mint ang buga niya.
"You're not vampire, how come that you can read my mind?"
Kaloka naman tong si duck prince, vampire talaga? Kung sa bagay kasing ganda ko naman si Bella Swan ng Twilight. Yong na disgrasyang Bella nga lang.
"Nako! Alam ko namang gusto mo ko kaya di mo na kailangan ipagkakaila" natatawa ko siyang hinampas sa braso niya na siyang nagpaigting ng panga niya. Pwedeng pang isda ang panga niya ang lapad.
"Stop touching me" aniya habang prenteng naka upo sa harap ko.
Pabibo masiyado si duck prince. May regla ata.
Naningkit ang mata niya habang nakatingin sakin. Yong totoo may balak ba siyang maging si Mulan kanina pa to nagfefeeling chinito eh.
"Why I can't read your damn mind?" Umigting ang panga niya sa dalawang pagkakataon. May balak atang kalabanin si Nemo. Pwedeng pang langoy ang panga eh hahahaha.
"Malamang wala namang nakasulat sa utak ko, kaya paano mo mababasa? Hahaha" malakas akong tumawa habang sapo sapo ang bibig ko. Pakiramdam ko kasi tutulo ang laway ko sa kakatawa dahil sa kanya.
May pagkabobito din pala si duck prince.
"Don't try to reach my limit human" aniya.
Mas lalo akong natawa sa kanya. Hahaha 'Don't reach my limit human' daw hahaha.
"I'll give you money, just cooperate with me and pretend as my girlfriend, jowa, kasintahan, nobya or what they other called that word"
Aysus! Memoryado ko na ang pakulong yan. Magpapaggap na girlfriend kuno tapos magkakagustohan at makakainlaban tapos kasunod no'n may problema. Tapos aamin sa huli na hindi nila kayang mawala ang isa't isa tapos magpapakasal tapos-
Isang pitik ang nagpabalik sakin sa huwisyo. Mangiyak ngiyak kong hinimas ang noo ko. Ansaket.
"I have no time for your day dream, just tell me if you would accept my deal" aniya.
Biglang tumunog ang cellphone ko at lumabas don ang pangalan ni manang Linda. Bumilis ang tibok ng puso kasabay ng pagkirot na tiyan ko. Hindi pa kaya tanggapin ng tiyan ko ang pritong isdang may sabaw ni manang Linda.
"May pagkain kayo sa bahay niyo?" Kabado kong tanong kay duck prince na ngayon ay kumunot nanaman ang noo.
"Why?" Tanong niya.
"Meron o wala?"
Napasinghap ito at bumuntong hininga bago ako matamlay na tinignan.
Halatang walang bitamina ang katawan ni duck prince. Kawawa.
"For now I don't know, but it's not a problem I can call chef to cook"
Namilog ang mata ko sa narinig. Mabilis ko binuksan ang bintana at tinapon ang cellphone ko. Sa wakas makakain na rin ako ng totoong pagkain.
"Sige! Sige! Deal ako, pakainin mo lang ako ng masarap na pagkain palagi, ayos na"
Sa wakas hindi na ako matatae dahil sa luto ni manang Linda. Mapapabuti na ang buhay ko at mapapabuti na din ang takbo ng tiyan ko.
Sinenyasan ni duck prince si manong driver na feel na feel ang sun glasses niyang suot. Ganda ng style ni manong ah. Ang lapad ng noo, umaabot hanggang batok.
Huminto kami sa isang malaking lumang mansion. Tatlong gate ang idanaanan namin bago makarating sa mismong pinto ng mansion nila duck prince. At lahat ng guards ng mansion ni duck prince lahat naka tuxedo at lahat nakasuot ng sun glasses. Astig naman ng uniform nila parang araw araw may lamay. Hahahaha.
Akmang lalabas na si duck prince sa van, ay mabilis ko siyang pinigilan.
"What do you need?" Walang ka emosyong tanong nito.
"May lamay ba?"
Pansin ko rin kasing naka itim din siya.
"Tsk! Just concentrate to our deal human and don't put your attention to nonsense things" hinubad niya ang maong niyang jacket at sinenyasan akong suotin yun'.
Mabilis niya akong hinila papasok sa mansion. Bumugad samin ang nakangangang kapamilya ata ni duck prince. Pero parang kapatid niya lang ata to lahat.
Mabilis tumayo ang babaeng kulay reddish tint ang buhok at masamang tumingin kay duck prince.
"Why did you not tell us that she's human? Can you see the set up here? We all just prepare blood" sunod sunod na tanong ng kapatid ni duck prince sa kanya.
Blood? Nakita ko ang mga sinasabing dugo ng ate ni duck prince. Hindi pa ata sila tapos magluto ng dinuguan nandito pa ang dugong gagamitin eh.
"Okay lang po ate, pinapakukuluan niyo pa ba ang karne?" Maaga ata kaming dumating ni duck prince.
"Kieran Luther, did she know what are we?" Tanong ng kapatid niyang lalake na ngayon ay nakatayo na sa tabi ni duck prince. Kieran Luther pala ang pangalan ng prinsipe ng mga pato.
"Maybe"
"You must tell her, before you bring her here" ani naman ng isa pang kapatid na babae ni duck prince na ngayon ay nakatayo na rin sa tabi ko.
Yong totoo pinsan ba nila si flash?
"We're Vampires" anunsiyo ni duck prince.
Nanlaki ang mata ko kasabay ng paglaki ng butas ng ilong ko. OMG! Bampira sila? Bampira si duck prince?
Ayiii! May sariling Edward Cullen nako.
"So what now? She knew our true identity" malungkot na tanong ng babaeng kapatid ni na may maitim na buhok.
"Willing po akong pakasalanan si duck prince. Ayiiiiii!" Isang malakas na tili ang pinakawalan ko. Na siyang umalingawngaw sa paligid.
May duck prince nako, may frog prince na may bunos pang bampira.
Bongga!
BINABASA MO ANG
The Immortal Love
VampirosDugo ang bumubuhay sa tulad niyang bampira. Ang pambirang si Kieran Luther Crimson ay isa sa pinakatatakotan at nirerespeto ng kalahi niya. For him, his reputation is the most important thing in his life. Pinakamalakas at tinitingala siya ng mga kap...