Kabanata 6

2 2 0
                                    

Lilith's POV

Galit ako sa kanilang dalawa ni kuyang salbahe at ni duck prince. Kawawa si ateng binugbog kanina hindi ko man lang natulongan kasi may kasabwat si kuyang salbahe.

Sumalangit nawa ang kaluluwa mo ate.

Heto ako ngayon at tumatakbo palabas na mansion nila duck prince. Hindi ako makakapayag sa ginawa nila kay ate. Ako si Celeste Lilith ang magbibigay katarungan sa karumal dumal na nangyari kay ate. Magsusumbong ako sa pulis.

"H'wag kang mag-alala ate, mabibigyan ka ng nararapat na hustisya para sayo"

Ang layo naman ng gate nila duck prince dito. Lalabas kana nga lang ng mansion, may pasabog pa atang libreng exercise. Nakakasakit ng balakang.

"San ka pupunta?" Ani ni kalbong guard.

Kung sa kanya nalang kaya ako magsumbong? Baka matulongan niya ako. Tama! Napakatalino mo talaga Lilith dapat ikaw first honor nong grade one.

"Kuya may krimen pong nangyare sa loob ng mansion tulongan niyo po ako huhuhu" tumulo nanaman ang luha ko ng maalala ko kung paano naghirap si ate. Nakakakonsensiya na hindi ko man lang siya natulongan.

"Anong ibig mong sabihin?"

"May babae pong binugbog sa loob at kasabwat si duck prince. Yong amo niyong maputla kagaya niyo po. Huhuhu sige na po tulungan niyo na po ako bigyan po natin ng hustiya si ate" masakit na ang lalamunan ko kakasigaw kanina. Pero pipilitin kong magpakatatag para kay ate.

"Prinsipe" yumuko sakin si kalbong guard.

Prinsipe? Mukha ba kong lalake?

"Kuyang guard hindi po ako prinsipe. Aba'y mukha ba akong lalake ha?" Nakakainsulto na tong kalbong to.

"Go back to you assigned area"

Napalingon ako sa taong nagsalita.

Si duck prince.

"Opo" saka ako tinalikuran ni kuya. Pumwesto si kalbo kung saan siya nakatayo kanina.

Kasabwat din ba siya?

"Hoy! Kasabwat ka din ba?" Namumuo nanaman ang mga luha ko. Bakit ganito? Bakit ang hirap hirap mabigyan ng katarungan ang nangyari kay ate?

"Stop acting like a kid human"

Kailangan kong tumakbo. Mabilis akong nagpasyang tumakbo. Aktong tatakbo nako ay halos malagutan ako ng hininga ng hawakan ni duck prince ang kwelyo ko.

"Bitiwan mo ko duck prince! Labag sa batas ang ginawa niyo" halos maubusan nako ng boses kakasigaw.

"Can't you feel any dread in your body?"

Anong dread? Hindi naman tinuro ng teacher ko yan nong elementary eh.

"Anong dread ka diyan! Baka bread kamo nabaliktad yong letter d mo" ako pa gagawing bobo nitong lalaking to.

Top 2 ako nong grade 6 ako no. Kaklase ko pa nga si manang Linda. Dalawa lang kami.

"Unbelievable" napasinghap siya habang napailing.

Sabi ko na eh. Bread nga yon.

Pero nagulat ako ng buhatin niya ako na parang sako lang ng bigas.

"Duck prince ibaba mo ko dito!" Nagbulate moves nako para ibaba niya ko. Pero di niya pa rin alintana.

Napalingon si kalbong guard sakin habang panay ang sigaw ko.

"Tandaan mo ang sasabihin ko manong guard na kalbo! Hindi na tutubo yang buhok mo. Mas makinang pa yan kaysa sa diamond. Shining shimmering splendid" sinadya ko talagang kantahin yong huling sinabi ko para damang dama niya ang kinang ng ulo niya.

"Hindi ka gwapo! Malaki ang tiyan mo" pahabol kong sigaw.

"Stay here. And don't touch anything" sabay malakas na balibag sakin ni duck prince sa kama.

"Masakit!" Reklamo ko habang hinihimas ko ang pwet ko.

"Masasaktan ka talaga kapag nagpasaway ka" diin na sabi ni duck prince.

Isang katok ang umagaw atensiyon ni duck prince. Sino kaya yun'?

"She's here" sambit ni duck prince saka tumingin sakin.

Nakangiting kumaway sakin si ate Lucinda. Mabilis akong tumakbo sa kanya para sana magsumbong pero baka kasabwat din siya sa krimen. Kaya napagdesisyonan kong maghanap nalang ng matibay na ebidensiya na makakapagturo sa tunay na may sala.

"Hihiramin ko lang siya sandali Luther" saka ako mabilis na hinila sa kwarto niya. Syempre kwarto niya lang kaya hindi samin kasi kanya lang.

Madilim din ang kwarto ni ate Lucinda kagaya ng kwarto ni duck prince na kwarto ko kaya kwarto namin.

"I just want to know your opinion about this painting. Maganda ba?" Tinignan ko ang painting na sinasabi ni ate Lucinda. umawang labi ko sa pagkamangha sa painting na tinuturo ni ate Lucinda. Rosas siya na madaming tinik.

Ang galing naman.

"Ang ganda ate Lucinda. Ang galing niyo namang magpaint" ang galing talaga. Pwede ko tong ibenta sa kapitbahay namin ni manang Linda na si nanay Lusyang.

"Hindi ako ang nagpinta niyan. Ito yong akin, pero diyan ako kumuha ng ideya" saka kinuha ni ate Lucinda ang painting na nasa tabi niya at proud na hirap sakin.

Stick man? Paanong naging stick man ang rosas? Anong connect?

"Maganda ba?" Taas noo niyang tanong.

"Maganda ate Lucinda. Magandang ipasa sa teacher, kasabay ng mga drawing ng kinder students"

"Hindi ba maganda Celeste?" Ani ni ate Lucinda.

"Wala naman po kasing konek yang stick man niyo sa rosas eh. Pero pwede kayong magpaturo sa'kin"

Ako ata si Celeste Lilith Domingo. Angg nanalo sa painting contest laban sa aso naming si Perpektos na namatay dahil na brokenhearted sa aso ni nanay Lusyang.

"Marunong kang magpaint?" Masayang tanong ni ate Lucinda sakin.

"Hindi lang marunong. Magaling ako"

Mabilis ako kumuha ng brush at nag-umpisa na sa pagpipinta.

"Ito tapos na" malakas kong anunsiyo.

"Wow! Ang galing mo nga Celeste"

Ngumisi ako at nagkrus ng kamay.

Easy

"Walang lang yan"

"Ang ganda nga parehas na sila ng painting na binili ko. Sa katunayan ay mas maganda ang sayo" papuri ni ate Lucinda habang mangha pa rin sa ubra ko.

"Sisiw lang yan ate Lucinda"

Tinignan ko ang napakagandang ubra na nilikha ko sa loob lamang ng isang minuto.

"Pwede bang turuan mo ko?" Namilog ang mata niya habang hinihintay ang sagot ng napakagandang si Celeste Lilith Domingo.

"Sige"

"Thank you Celeste. Pwede bang akin nalang tong ubra mo?"

"Sige sayo na. Para naman magkaroon ka ng inspirasyon sa pagpipinta"

"Thanks Celeste"

Lalabas na sana ako ng kwarto ni ate Lucinda pero naagaw ang atensiyon ko sa make up kit ni ate Luncinda na nasa tabi ng libro.

Hehehe. Hindi naman siguro tatanggi si ate Lucinda kung hihiramin ko ang make up kit niya.

"Pwede bang hiramin ko muna ang make up kit mo ate Lucinda?" panay pa rin ang titig niya painting na ginawa ko.

"Oo sige"

Lumabas ako na ako ng kwarto ni ate Lucinda para bumalik sa kwarto ni duck prince na kwarto ko na din kaya kwarto na namin.

At sa muling pagkakataon ay tinignan ko ang ubra ko.

Ang galing ko talagang gumawa paso.

****
Ang ibigsabihin po ng word na dread ay matinding takot o pagkasindak.

The Immortal LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon