Lilith POV
Ang ganda ganda na ngayon ni duck prince... Princess pala hehehe. Bagay na bagay sa kanya ang make-up na nilagay ko at color pink na ipit sa buhok, para siyang kasali ng Barbie fanclub.
"Hahahahaha Luther anong nangyari sayo?"
Reaksiyon palang ni ate Lucinda, halatang nabigla siya sa transformation ni duck princess.
"Ang ganda niya diba ate Lucinda?" Masigla kong tanong kay ate Lucinda na ngayon ay umawang ang bibig. Panay naman ang iling at tawa nila tito Lazarus at tita Everett.
Nilingon ko si duck princess na biglang nawala at tumalon sa bintana na tinalunan ko kanina. Tinignan ko siya mula sa malayo. Hindi naman pala nakakamatay ang pagtalon sa bintanang to, tapos grabe pa ang kaba ko kanina.
"Duck princess! Hindi pa tapos transformation mo, pahiram ko pa sayo damit ko" hindi ko na matanaw pa si duck princess.
Tinignan ko sila tita Everett na hanggang ngayon walang humpay pa rin sa pagtawa.
"Hahahahaha"
Parang may saltik nga.
"Ikaw tito Lazarus, gusto mo ba magtransform to a princess?" Mabilis na nawala sa tabi ni tita Everett si tito Lazarus.
"Hahahahaha" malakas na tawa ng mag-inang Crimson. Ang hirap namang makisama sa may mga saltik. Bigla bigla nalang tatawa ng walang matinong dahilan.
"Kumain kana muna Celeste hahahaha" ani ni tita Everett. Kahit may mga sira sa ulo ang mga to, masaya pa rin ako. May libreng kain eh.
"Sige po"
"Asan po si tito Lazarus tita? Hindi po ba siya kakain?" Tanong ko habang nilalagyan ang plato ko ng sampung hotdogs, kanin at ham.
"Hindi ko alam Celeste eh" aniya.
Naexcite kaya yon sa sinabi kong i tratransform ko siya sa isang binibini?
"Sayang tatanungin ko pa naman sana siya kung anong color gusto niya sa lipstick" sabay subo ko sa hotdog.
"Hahahahaha" malakas na tumawa nanaman ang mag-inang Crimson.
Kaya siguro nagkakaganito tong pamilyang Crimson kasi hindi sila kumakain.
"Kumain na po kayo ate Lucinda. Lumalala na po kase kayo eh"
"Hahahahaha"
Anlaki ng bahay pero walang perang pampacheck up sa doctor.
"Bahala nga kayo diyan" sabay subo ko sa pang walong hotdog.
Inaantok ako sa sobrang pagkabusog ko. Parang sasabog ang tiyan ko sa sobrang pagkabusog, kahit kunti lang naman yong nakain ko kanina. Kinseng piraso ng hotdogs, twelve na slice ng ham, walong sandok ng kanin, eleven na itlog at anim na fried chicken. Ang kunti.
Pumasok nako sa kwarto ni duck prince na ngayon ay duck princess na, kwarto ko na rin ko to kaya kwarto naming dalawa. Bumungad sa'kin si duck prince na matamlay na nakatayo sa gilid ng kama. Namumula ang mukha niya at nagkalat ang lipstick sa pisnge niya. Mukha nagahasa ata si duck prince kanina dahil ganda. Nakakakonsensiya huhuhuhu.
"Ilan sila duck prince?" Namuo ang mga luha ko at nagbabadya ng tumulo.
"What do you mean human?" Alam kong pinagbantaan siyang huwag sasabihin kahit kanino ang nangyari sa kanya dahil papatayin siya.
"H-huwag k-kang m-mag-alala mapagkakatiwalan mo ko huhuhu" sabay punas ko sa sipon kong tumutulo.
"What the!"
"H'wag kang mag-alala ipagtatanggol na kita mula ngayon" lumapit ako sa kanya para bigyan siya ng mainit na yakap. Tinapik tapik ko ang likod niya para mabawasan man lang ang takot na nararamdaman niya.
"L-let g-go o-of m-me L-lilith" bulol bulol niyang sabi. Alam kong kinakakabahan siya at takot na takot.
Pero nabaling ang atensiyon ko ng maramdaman ko ang matigas na bagay na nasa puson ko.
Ang alaga ni duck prince, gusto din ata niyang yakapin.
"Mukhang gusto din ng akap ng alaga mo duck prince" aktong hahawakan ko na ang alaga ni duck prince ay mabilis itong umatras papalayo sa'kin.
"H'wag lang lumapit!" Bakit ba ayaw na ayaw niyang pinapahawak ang alaga niya? Hindi ko na nga ikikiss eh. Kahit tapik tapik nalang.
"Ang damot damot mo naman duck prince. Hihimasin ko lang naman ang alaga mo eh"
Nanlaki ang mata niya habang umawang naman ang bibig niya. Napakaseloso talaga.
"H-hi h-hihimasin m-mo?"
"Oo hihimasin ko"
"B-ba b-bakit m-mo h-hihimasin?" Nanginginig niyang sabi.
"Eh sa gusto kong himasin eh. Bakit ba?!" Asik ko habang mariin siyang tinignan. Ano bang problema sa paghimas ng alaga. Palagi ko ngang hinihimas ang mga alagang aso ni nanay Lusyang eh. Kaya gusto ko din himasin ang alaga ni duck prince na nasa loob ng pantalon niya. Baka genie pig yun', hindi pa naman ako nakakahawak no'n.
"Bakit ba ganyan ka kadamot sa alaga mo? Genie pig yan no?"
"Genie pig? Hell no! I-i mean yes, it's genie pig. A very dangerous genie pig" saka tumayo ng maayos. Kaya pala ayaw niyang ipahawak kase delikado.
"Baka kaya ko namang paamohin"
"No!"
"Baka lang naman. Hawakan mo lang ulo niya para di ako makagat, sa katawan ko nalang siya hihimasin"
"I said no! Bibilhan nalang kita"
Namilog ang mata ko sa narinig ko. Magkakaroon na ako ng alaga na katulad ng kay duck prince.
"Talaga? Thank you-" aakapin ko na sana si duck prince pero sinenyahan niya akong huwag lumapit.
"Just don't come near me human, please"
Mabilis akong tumango at umupo sa upuan. Kailangan maging behave ako para hindi magbago lang isip ni duck prince.
May kinausap si duck prince sa telopono. At minamadali niyang ipahatid ang kung ano mang bagay na pinag-uusapan nila.
"Your genie pig is on the way, so please stop attempting to touch my as- I mean my genie pig"
"Ok"
Ilang minuto lang ay dumating na yong taong nagdala ng genie pig ko. Ang bilis naman magdeliver ng genie pig dito kina duck prince.
Nakalagay sa maliit na kulungan ang genie pig na binigay sa'kin ni duck prince. Brown ang kulay nito at may hugis na itim na puso sa noo.
"Duck prince may pangalan nako sa kanya" habang inangat ko sa ere ang cute na genie pig.
"I don't care"
"KC ang pangalan niya short for Kieran at Celeste na galing sa pangalan natin"
"...."
"Hindi na mag-iisa ang genie pig mo duck prince may kaibigan na siya"
Mabilis kong nilagay ang genie pig ko sa kama saka humiga sa tabi nito.
"Goodnight KC. Bukas na kita ilalagay sa short ko"
BINABASA MO ANG
The Immortal Love
VampireDugo ang bumubuhay sa tulad niyang bampira. Ang pambirang si Kieran Luther Crimson ay isa sa pinakatatakotan at nirerespeto ng kalahi niya. For him, his reputation is the most important thing in his life. Pinakamalakas at tinitingala siya ng mga kap...
