Kabanata 20

2 2 0
                                    

Lilith's POV

Isang linggo na simula ng magkabanggaan ang dalawang sawing bampira. Ito ako ngayon nakaupo sa sala ng mansion ng mga crimson, habang pinapanood ang bruhang genie pig na kumakain. Kaya tumataba puro kain ang ginagawa eh.

"Ano nanamang tinititig mo d'yan mameh? Ganda ako noh?" Mataray na sabi ng bruhang genie pig na prenteng nakaupo sa sariling unan. Sosyal ang bruha galing pang ibang bansa ang mga gamit.

"Oo maganda ka... Maganda kang ibalibag!"

Sinamaan lang ako ng tingin ng bruhang genie pig at saka bumalik agad sa pagkain.

Nilibot ko ang tingin ko sa buong sala ng mansion. Ang ganda ganda ng bahay na 'to. Kaso puro may mga saltik lang yung mga nakatira.

Except sa'kin syempre.

Sa laki ng bahay nila, hindi malabong may tumirang multo para makishare ng bahay. Hala! Paano kong sa kwarto namin ni duck prince nakikitulog yung multo? Paano kung yung multo pala madalas kong kayakap pagnatutulog ako?

Halos lumabas ang kaluluwa ko sa katawan dahil sa matinding gulat nang idinako ko na ang paningin ko sa bandang gilid ko. Prenteng nakaupo ang prinsipe ng pato habang nakakrus ang mga braso at walang emosyong nakatingin sa'kin.

Isang malakas na batok ang nabitawan ko kay duck prince habang sapo sapo ko ang sariling dibdib ko dahil sa mabilis na pagtibok nito dahil sa matinding gulat.

"Nakakagulat kang pato ka!" Sigaw ko sa kanya at pinapaypayan ang sarili gamit ang sarili kong kamay.

Pero tinaasan lang ako ng kilay ni duck prince at ngumisi. Nabuang na ang amaw.

"Ba't ka ba laging sumulpot sa kung saan?!" Pamewang kong tanong sa kanya.

"Is there's a problem with that?"

"Aba'y malamang oo! Paano kung inatake ako sa puso? Edi patay" mataray kong sabi saka padabog na umupo.

Ang kaninang ngising nakakaloko ay napalitan ng isang nakakakonsensiyang mukha. Marahan niyang hinawakan ang kamay ko at diretsong tumingin sa'kin.

"I'm sorry, I didn't know that, I just can't really read your mind so I don't know how to do such thing when every time we encountered each other. I don't know why, why I can't read your mind. You're the first person that I can't read" mahaba niyang paliwanag na halos ikatuyo ng utak ko.

Ano daw? Wag' kase English.

"Ah... Oo este! Yes..." alanganin kong sabi sabay kamot sa ulo.

Ano ba kase pinagsasabi niya? Nagtatanong ba siya?

"Huh?... By the way where's KC did she like her new raiment? How about you?"

Nasa gilid lang ng sofa oy!

Hano daw?! Nakakaubos ng dugo tong patong 'to ah.

"Hin... Of course the no" akala mo ikaw lang marunong magenglish.

Tumaas ang kilay niya sa naging sagot ko. Naamaze siguro sa English speaking skills ko.

"Why?"

Q and A ba 'to? Bakit ang daming tanong ng duck prince na 'to?

Tumayo ako at nagchin up sabay pamewang dagdag na rin natin lang mala bali butong breast out. Hindi lang ako maganda papatunayan kong may laman din ang utak ko.

"I believe that rainment is the... ISDA! Thank you!" Nagflying kiss ako saka umupo ulit.

Napasapo nalang ng mukha si duck prince habang panay ang iling. Sabi ko na nga ba mataas ang potensiyal ko sa pagiging beauty queen.

"Ano duck prince namangha ka noh? Alam kong sa taglay na ganda at talino ko ay kaya kong irepresenta ang bansa natin sa susunod na taon para sa Miss U" taas noo kong sabi.

"HAHAHAHA!" Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni duck prince na siyang kinagulat ko. Once in a blue moon lang 'to tumawa sabi nila tito Lazarus at mailap ding ngumuti, pero ngayon hawak hawak ang tiyan dahil sa matinding tawa. Sinasabi ko na nga ba na talagang magaling na ko sa wikang ingles. Pati ang prinsipe ng pato tuwang tuwa sa husay ko.

"The right is me right duck prince?" Taas noo ko sabi at tuluyan na ngang nahiga sa tawa si duck prince sa sofa.

"HAHAHA please stop Lilith, I can't help it anymore HAHAHA" aniya habang sapo sapo ang sariling tiyan.

Ganon na ba talaga ako kahusay sa pageenglish kaya mas pipiliin nalang ni duck prince na pahintuin ako? Kung sabagay di naman nakakapagtaka ang ganong bagay sa'kin.

"The yes" sabi ko saka nagkrus ng kamay.

Ang galing ko talaga.

"HAHAHA Shit! I can't stop laughing HAHAHA" Aniya habang patuloy pa rin siya sa pagtawa at pilit na pinipigilan.

Inirapan ko lang siya at kinuha ang popcorn na nasa lamesa. Pero ang bruhang genie pig na nasa ibabaw ng mesa ay tudo din ang tawa habang nakahiga sa tabi ng bowl ng popcorn.

Mag-ama nga talaga.

Pero naagaw ang atensiyon ko sa apat na pares ng paa na nasa harap ko. Inangat ko ang tingin ko para malaman kung sinu sino ang nagmamay-ari ng mga paang iyon. Nakaawang ang mga labi nilang pare-pareho habang nakatitig kay duck prince na wala pa ring tigil sa pagtawa. Ganon ba kailap kung tumawa ang prinsipe ng pato na 'to para maging ganyan ang reaksiyon nila? Kung ganon, napakagaling na pala talaga ng English speaking skills ko.

"Hindi naman siguro tayo nasa ilalim ng kapangyarihan anak ni Rodolfo na si Ethan Bathory para mag-ilusyon hindi ba?" Bulong ni tito Lazarus sa asawa habang na kay duck prince pa rin ang tingin.

"Hindi ko alam Lazarus" ani ni tita Everett habang nakaawang pa rin ang labi.

"Ito ba talaga ang kapatid ko?" Ani ni ate Lucinda habang nasa bibig ang kamay.

"Isang himala" ani ni Blade.

Tinignan ko si duck prince na hanggang ngayon ay panay pa rin ang tawa. Ako ang dahilan kung bakit tuwang tuwa ang prinsipe ng pato, at dahil yan sa husay ko.

"Hindi kayo ginamitan ng kapangyarihan ng anak ni Rodolf na si-"

"Hindi Rodolf Celeste. Rodolfo" pagtatama ni Blade sa'kin.

Peling perpek ka dong? Ipasungay kita kay Rodolf eh.

"Sorry tao lang, take two. Hindi kayo ginamitan ng anak ni Rodolfo na si Papaitan ng kapang-"

"Ethan!" Sabay nilang sigaw

"Edi kayo na perpek! Balaha nga kayo d'yan. Perfectionist kayo?"

Akala mo naman kinaganda nila. Sabuyan ko kayo ng holy water d'yan.

The Immortal LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon