Kabanata 19

2 2 0
                                    

Lilith's POV

Habol hininga akong naupo sa sasakyan, habang nasa di kaluyan si duck prince na nakapoker face habang karga ang bruhang genie pig na nakatulog dahil sa pagod. Kasunod naman niya si kalbong driver habang bitbit sang katutak na mga paper bags. Mag-aalas tres na ng umaga ng lumabas kami sa mall. Ang astig ng mall na yun' 24 hours na bukas.

"Did you have fun?" Ani duck prince habang diretso ang tingin. Minsan naiisip kong duling tong si duck prince eh, kakausapin ka habang nasa iba ang tingin.

"Ako ba kausap mo?" Turo ko sa sarili ko. Kailangan kong makasiguradong ako nga talaga. Aba'y malay mo may kausap siyang hindi ko nakikita.

Kunot noo siyang tumingin sa'kin habang nakataas ang kaliwang kilay niya.

Attitude ka gurl?

"Sabi ko nga ako kausap mo" sabi ko ng masigurado ko ng ako talaga kausap ng prinsipe ng mga pato.

"Oo ansaya. Nakapagod nga sa sobrang saya. Pero duck prince pasyal ulit tayo dito ah?" Tumango lang siya saka tumunog ang makina ng sasakyan.

Nasa kalagitnaan na kami ng biyahe ng biglang huminto ang sasakyan namin sa gitna ng daan.
Baka iihi si kalbong driver.

"Mahal na prinsipe nandito si Silas at ang mga alagad niya" ani ni kalbong driver.

Mabilis na tumingin sa'kin si duck prince at hinawi ang buhok ko sa bandang leeg. Naiinggit at sa buhok ko hehehe.

"Kahit anong mangyare, h'wag mong huhubarin ang kwintas na pinasuot ko sayo and please don't go outside the car. Please stay here" aniya habang puno ng pag-aalala.

Akala ko pa naman naiinggit siya sa buhok ko, yung medalyon pala ang tinutukoy.

"Ok"

Binigay niya sakin ng marahan si KC saka biglang naging kulay pula ang mga mata niya at lumabas ang matatalim niyang mga pangil na parang isang indekasyon na may kalaban siyang haharapin.

Bumaba siya at kasunod no'n si kalbong driver na naging pula din ang mga mata at lumabas ang pangil.

Nakita ko si duck prince na may kausap, pero hindi ko makita ang mukha dahil natatakpan ng malapad niyang likod. Sagabal.

Pinalibutan sila duck prince ng mga nakakulay itim na damit na mga lalaki at tulad din nilang pambirang nag-iiba ang kulay at nasisilabasan ng pangil. Pero imbes na matakot si duck prince ay parang natatawa pa ito habang kinakausap yung lalaking mukhang leader ng mga nakakulay itim na mga kalalakihan. Nang aktong susutukin na si duck prince ng leader na mga nakaitim nakalalakihan ay nakilala ko ito.

"Tom?"

Si Tom! Anong ginagawa ng kulukoy na 'to dito? Mabilis kong binuksan ang pinto ng sasakyan saka kumaripas ng takbo sa gawi nila. Galit at gulat ang sumalubong sakin ng magtama ang paningin namin ni duck prince. Paktay nakalimutan kong bawal pala akong lumabas.

"Jerry? Anong ginagawa mo dito?" Gulat at nagtatakang tanong ni Tom habang nakaawang ang mga labi.

Tinignan ako ni duck prince na para bang tinatanong niya kung kilala ko si Tom. Pilit akong ngumiti kay duck prince ng mabilis niya hilain ang braso ko papunta sa kanya. Pero isang kamay ang pumugil at humawak sa kabila kong braso. Papalit palit ang tingin ko kina duck prince at Tom.

"Bitawan mo siya Luther" may bantang sabi ni Tom. Nagulat ako ng naging kulay pula ang mata niya tulad ng kina duck prince kanina. Isa lang ang ibigsabihin nito....

"Bampira ka?" Wala sa sarili kong tanong habang nakatitig lang ako sa mata niyang bumalik ulet sa normal nitong kulay.

"O-oo h-hindi ko-" ani ni Tom pero agad din itong pinutol ni duck prince.

"Bitawan mo si Lilith, Silas" ani ni duck prince at matalim na tinignan si Silas.

Silas? Si Tom at Silas ay iisa lang? Bongga! Bff ko kalaban nila duck prince.

"Bakit mo kasama si Celeste? H'wag na h'wag mo siyang sasaktan, dahil pagsisihan mo kapag nagdeklara ako ng panibagong digmaan" galit na sabi ni Tom habang hawak pa rin ang kamay ko.

Ngumisi si duck prince ng nakakaasar at naging mas mahigpit ang pagkapit niya sa braso ko.

"Bakit ko naman siya sasaktan? Bakit sasaktan ng susunod na hari ang susunod na reyna?" Aniya saka ako tinignan.

Bongga yung magiging reyna! Hahaha!

Umawang ang labi ni Tom at mabilis siyang tumingin sa'kin na para bang hinihintay ang pagkontra ko sa sinabi ni duck prince.

"Ikaw ang mapapangasawa ni Luther, Jerry?" Aniya. May bahid ng lungkot ang boses niya nang tanungin niya ako.

May gusto ba 'to kay duck prince? Kaloka naman tong mga bampirang 'to. Si duck prince na mukhang may gusto kay Blaze habang si Tom mukhang may gusto kay duck prince. Pwede pang teleserye hahaha!

"Oo eh, hehehe" kamut ulo kong sagot. Ang hirap ng love life ng mga bampirang to bagay sa kantang 'Mahal ko o Mahal ako'

Biglang tumalim ang tingin ni Tom slash Silas kay duck prince. Nagkuyom ng kamao si Tom at mabilis na inatake si duck prince. Napadaing ako sa sakit dahil naglalaban ang mga sawing bampira habang hawak pa rin ang kamay ko.

"Hoy! Magtigil kayo!" Sigaw ko ng magsiliparan na ang mga suntok at sipa nila sa isa't isa habang napapangiwi ako sa sakit sa tuwing hinihila ako sa magkaibang direksiyon.

Ito ata ikamamatay ko.

"You can't have her Silas! She's mine only mine" ani duck prince saka sinipa si Tom.

Halos maiyak ako sa eksenang yun' dahil malakas na sipa ang binitawan ni duck prince kay Tom kaya ganon din kalakas ang kapit ni Tom sa kawawa kong kamay.

Aktong sasalakay na ang mga tauhan ni Tom slash Silas kay duck prince at sinenyasa niya itong huwag lumapit. Ang hirap nitong lablayp nila masiyadong nakakasakit ng ulo.

Tumingin si Tom slash Silas pero agad niya din itong binaling kay duck prince. Aktong sisipa na din si Tom ay sumigaw nako ng malakas para magreklamo bago pa maputol ang kamay ko.

"Tangina niyo! Magtigil kayo. Mapuputol na ang kamay ko dahil sa inyo!" Malakas kong sigaw.

Pareho nilang sabay binitawan ang kamay ko. Napaupo ako dahil sa sobrang pagod at sakit na nararamdam ko dahil sa ginawa ng dalawang bampira.

Mga amaw!

The Immortal LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon