Kabanata 13

1 1 0
                                    

Lilith's POV

Walang kumikibo ni isa sa kanila. Palihim ko silang inoobserbahan habang kumain ako ng pagkain. Naningkit ang mata ko habang ngumunguya nang mahuli ko si tita Everett na tumingin sa'kin at mabilis naman niyang binawi.

"Ayos lang kayo?" Pasalin salin ang tingin ko sa kanila habang kumukuha ng pang apat na batch ng pagkain.

"Yes/Oo" sabay halos na sabi nila tito at tita, habang yumuko lang si ate Lucinda.

Ang weirdo naman ng pamilyang to.

"Nag-aaway pa rin ba kayo dahil sa bike?"

Mabilis na tinakpan nila tito at tita ang kanya kanya nilang mga bibig.

Mga abnormal gyud.

"We're not gonna waste our time for just stupid bike human" ani ni duck prince saka ako sinamaan ng tingin.

High blood talaga masiyado nitong patong to.

"Ngayon ko lang nalaman, may bobo na palang bike ehehehe" mahina akong humagik-ik dahil ayaw kong maluwa ang pagkain na nasa loob ng bunganga ko.

Malakas na tumawa sila tito at tita habang ay si ate Lucinda ay pinigilan ang tawa.

Buang family man diay ni sila.

"Tsk" ani ni duck prince.

"Pansin ko lang po, bakit parang hindi ko kayo nakikitang kumakain?" Kamot ulo kong tanong. Napapansin ko kasing puro ako lang ang kumakain ng lahat ng pinapahanda nila. Wala namang problema bagay na yon', nakakapagtaka lang.

Nanlaki ang mata nilang lahat at sabay na tumingin sa'kin. Yong literal na lumaki ang mata habang umawang ang bibig.

"Fcuk! You still don't know that we are vampires? Did I not mentioned that thing before?" Ani ni duck prince.

Alam kong bampira sila, aba'y malay ko kung kumakain sila ng pagkaing tao. May tiyan naman sila at siguro naman ay may bituka.

"Alam kong bampira kayo. Concern lang ako na baka magkaulcer kayo kung puro dugo ang laman ng mga tiyan niyo" paliwanag ko saka sumandok ng kanin.

Napahilamos ng mukha si duck prince at napasinghap, habang sila tito naman at tita ay tumawa na. Pero si ate Lucinda ay nagpipigil pa'rin nang tawa.

"Hahahaha!"

"Blood is enough for vampires, we doesn't need to eat human foods" ani ni duck and prince na ngayon ay prente ng nakaupo.

Piling niya talaga kinaganda niya yang style ng pag-upo niya.

"Pero nangangagat kayo ng tao? Ibig kong sabihin yung buhay na tao"

Napahinto sa pagtawa sina tito at tita at nag-aabang sa magiging sagot ni duck prince.

Tong mag-asawang to puro tawa lang ginagawa.

"Yeah, we killed sometimes. Especially for those mortal who doesn't deserve to live" aniya habang nasa kawalan ang tingin niya.

"Eh paano kung wala kayong makitang hindi deserve mabuhay? Hahahaha bibili kayo ng dugo sa mga nagbebenta? Hahahaha" natatawang kong sabe.

Bumuntong hininga si duck prince saka tumingin sa'kin.

"Yeah sometimes if some of those vampire doctors can't supply us. That's the time we need to move by ourselves" aniya.

Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang sagot ni duck prince. May mga doctor din palang vampire. Ngayon ko lang nalaman.

"Eh paano kung mag-oopera sila? Edi nakain nila pasyente nila" kumunot ang noo ko ng tanungin ko kay duck prince ang tungkol sa bagay na yun'.

"All vampires trained to control themselves, but some of them can't" aniya saka lumingon sa gawi ni ate Lucinda. May pagtatalo pa din ata sila sa bike.

"Ganon pala yun" patango tango kong sabe saka sumandok nanaman ng kanin at nagdagdag ng ulam.

"Takot kana ba samin ihja?" Malungkot na tanong ni tita Everett.

Bakit naman ako matatakot? Sa ganda kong to, walang mangangahas na kumagat sa'kin.

"Takot niyo kapag kinagat niyo ako. Masiyadong mataas ang blood sugar ko, at kapag kinagat niyo ako, paniguradong diabetes ang makukuha niyo" taas noo kong sibi.

Malakas na tumawa na naman ang mag-asawang Crimson ganon din si ate Lucinda na hindi na napigilan ang tawa. Sure nakong may sira talaga sila.

"Hahahahaha!"

"Why are you here Blade?" Biglang sabi ni duck prince na siyang kinalakas ng tawa nila tita at tito maging si ate Lucinda na sinusubukang magpipigil nang  tawa ay di na napigilan pa.

Ako ba tinatawag niyang Blade? Ang ganda ganda ng pangalan ko tapos papalitan niya lang ng Blade? Mukha bako pang-ahit?

"Duck prince ang ampanget naman ng Blade. Hello Kitty nalang itawag mo sa'kin mas maganda pa pakinggan. Ba't mo ko tinatanong kung bakit ako nandito? Miss mo ko kahit di naman ako umaalis no? Yiiiiii" sabe ko habang tinitignan si duck prince na ngayon kumukunot na naman ang noo.

"Hahahahahaha"

Mga amaw gyud. Puro tawa nalang ginagawa ng angkan na to.

"Tsk" aniya.

"Lakas talaga ng susunod na hari natin" isang boses ang sumugot na di ko alam ko kung saan nagmumula.

"Duck prince nagsalita ba ko? Bakit ganon ang boses ko? Ang panget" kamot ulo kong sabe.

"Hahahahaha" lumiko sana panga niyo kakatawa.

"Ang saket mo namang magsalita" nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang boses na yun' ulit. Isang matipunong lalake ang biglang sukupot sa tabi ko na may dalang upuan.

"Ay! Amaw" gulat kong sigaw. Na naging dahilan para mabatukan ko ang lalake na ngayon ay kaharap ko.

"Para saan yung pambabatok mo?" Ngisi niyang sabi saka hinihimas ang batok niya.

Sa batok naman ginagawa ang pambabatok at siya lang naman ang binatukan ko. Dapat pa bang itanong yun? Alangan naman paluin ko pwet niya tapos tatawagin kong binatukan ko siya. Pampupwet ang tawag kapag sa pwet ginawa yun'.

"Para sayo..... Ang laban na to" sabi ko saka inangat ang kanan kong kamay habang kinanta ko ang huli kong sinabi.

"Hahahaha" naningkit ang mata niya ng bigla siya tumawa. Mukhang may isang myembro pa ang mga Crimson na to.

"Natutuwa ako sayo. Sa anong pamilya ka nabibilang kakausapin ko ang magulang mo para mapakasalanan kita" aniya.

Ano daw?

"Huh?"

"Stop that thing Blade" sabi ni duck prince na matalim na tinignan si.... Blade? Siya pala kinakausap kanina hahahaha.

"Why? Minsan lang ako makatagpo ng babaeng kagaya niya, bakit ko pa palalagpasin?" Ani ni Blade habang na sa'kin pa din ang tingin niya.

"Pwede palang dalawa ang asawa sa inyo? Duck prince ayos lang sayo dalawa kayong asawa ko?" Biglang nandilim ang mata ni duck prince at nagpalit na naman ata ng contact lens.

"Siya ang mapapangasawa mo? But I thought your fiancee is a mortal, I can't smell her" ani ni Blade kay duck prince.

"She's wearing the damn necklace so vampires can't smell her, so you better stay away from my damn fiancee Corliss"

Ilang beses ko bang dapat sabihin na medal nga tong suot ko.

The Immortal LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon