Kabanata 11

3 0 0
                                    

Lilith's POV

Mabilis akong bumaba ng van at patakbong pumunta sa parke kung saan ako kinidnap ni duck prince ahehehe. Nilibot ko ang mata ko sa paligid at nagbabakasakaling makita si Tom. Asan na ang taong pusang yun'.

"Hindi po tayo maaring magtaggal dito haggang tanghali" sabi ng kalbong driver.

Takot na takot talaga siyang masinagan ng araw ang ulo niya, eh mas nakakasilaw pa ang ulo niya kaysa sa araw hahahaha.

"Sige po"

Patakbo akong pumunta sa paborito naming bench ni Tom, na kung saan napaso ang matambok kong pwet.

Bakit wala siya dito? Siya parati ang naghihintay sa'kin eh. Paanong naging ako na?

"Namiss kita Jerry!" Isang mahigpit na yakap ang gumulat sa'kin mula sa pagkakaupo.

"Piste ka!" Gulat kong sabi saka binatukan si Tom.

Malakas na tumawa si Tom habang sapo-sapo niya ang tyan niya. Amaw gyud.

"Hahahahaha!"

"Ayaw lagi pangurat ba! Buang man ka oy!" Asik ko saka malakas na pinitik ang tenga niya.

"Wala akong maintindihan Jerry" kunot noo niyang tanong.

"Abnormal man kang dako" pilya kong sabi sa kanya.

"Alam kong hindi maganda ang sinasabi mo Jerry" nakanguso niyang reklamo.

Tumawa ako at pinanliitan niya lang ako ng mata.

"Bakit ngayon ka lang?" Aniya. Lyrics ba yun'? Mukhang hinahamon ako ng pusang to ng kantahan ah.

"Dumatenggg saaa buuuu hayyy kooo awooah" kanta ko.

Isang malakas na tawa nanaman ang ginawa niya pagkatapos niyang marinig at mala international kong boses. Mukhang nawawalang anak ata to ni tita Everett.

"Hahahaha! Para kang umuungol na aso" aniya habang patuloy pa rin sa pagtawa.

Sa ganda ng boses ko tatawagin niya lang na parang ungol ng aso? Sa taas ng notang inabot ko? Sa ganda ng kulot na ginawa ko? Isang ungol lang ng aso para sa kanya yun'? Walang mudo. Walang alam sa musika.

"Che! Kaganda ganda ng boses ko, tapos isang ungol lang ng aso ang itatapat mo?" Tinaasan ko siya ng kilay. Aba! Nakukuha ko na ata ang awra ng kilay ni duck prince. Bonggeshos!

"Edi sige, hindi na ungol ng aso" nakangisi niyang sabe.

"Ano na ngayon kung ganon?"

"Unga na ng baka! Hahahaha"

Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakarinig ng isang napakagandang papuri mula sa nakinig sa boses ko. Isang tao pa lang ang nakikila kong may magandang taste sa music. Unga ng baka ang magandang maihahalintulad sa napakaganda kong tinig.

"Tama ka duck prince" sabe ko.

"Sinong duck prince?" Halata sa tono ng pananalita ni Tom na interesado siya kay duck prince. Mukhang may magiging karibal nako kay duck prince nito.

Mabilis kong tinakpan ang bibig ko. Hindi niya pwedeng malaman, dahil kapag nalaman niya may posibilidad na agawin niya sa'kin si duck prince at hindi malabong magustohan siya duck prince. Kapag nagkataon magkainlaban sila, babalik nako sa bahay at kakainin ang mga malulupitang luto ni manang Linda na malupet sa tyan. Hindi ko hahayaang mangyari yun'.

"Boss ko"

"Nagtratrabaho ka? Kaya ba hindi ka umuuwi sa inyo?" Aniya.

Bakit alam niyang hindi ako umuuwi ng bahay? Tama ang hinala ko. May balak siyang agawin ang duck prince ko.

"Oo boss ko siya hehehehe"

"Kung ganon anong trabaho mo?" Aniya. Hindi maaring malaman niya ang totoo. Hindi ko na kayang kainin pa ang mga hain ni manang Linda. Hindi ko na kaya pa ang amoy imburnal niyang hininga.

Imburnal na hininga? Mabahong hininga dahil sa mga tinga? Mga tingang nagpapabaho ng bunganga? Tama! Alam ko na kung anong isasagot ko.

"Taga gawa ng pustiso Tom" taas noo kung sabi.

"Ano?! Bakit tiga gawa ng pustiso?" Aniya habang ang busangot ng mukha niyang nang tumingin sa'kin.

Aba! Aba! Bakit parang nandidiri siya? Ang astig kaya gumawa ng pustisi. Lagyan ko pustiso ilong nito eh.

"Bakit? May problema ka sa trabaho ko?"

Mabilis siyang umiling.

"Wala naman Jerry, nabigla lang" aniya.

Kailangan ko na palang umalis. Hindi ako pwedeng maabutan ng tanghali dahil masisinagan ng araw ang nakakasilaw na ulo ni manong dyarber.

Mabilis akong tumayo at nagpagpag ng short para makaalis na.

"Kailangan ko ng umalis Tom"

Ngumiti siya sa'kin at tumango.

"Sige Jerry. Kailan tayo ulit magkikita?" Aniya.

"Kapag nagkulangot kana" mabilis akong tumakbo palabas ng parke at nakaabang na si kalbong manong dyarber para pagbuksan ako ng pinto.

"Aysus! H'wag kang pafall manong dyarber  kase kahit buksan mo ang pintuang patungong lagusan kung saan may pampahaba ng buhok. Hindi ako mafafall sainyo" sabi ko saka nilagay ang buhok ko sa likod ng tenga, kaso nga lang umungot ang daliri ko sa buhok ko. Kaulaw ba ani oy!

Tinalikuran lang ako ni manong drayber. Aysus! Pakipot pa, alam ko naman crush niya ko.

Kaagarang pinaandar ni manong ang makina ng sasakyan saka siya nagsalita.

"Ayaw pagpinilingon, di biya ka gwapa" aniya.

Huwag sanang tumubo ng tuluyan ang mga buhok mo.



"Hi! Celeste, where have you been? Luther's looking for you" ani ni tita Celeste.

"Hello tita Everett. Hayaan niyo na po, nagbobinding sila ng anak niya" sabi ko na siyang kinalaki ng mata niya at kinasulpot ng mabilis ni tito Lazarus.

"Anong sabi mo ihja?" Nanlalaki pa rin ang mga mata ng dalawang mag-asawang Crimson.
Anong problema ng mga to?

"Ang sabi ko tito Lazarus, hayaan nalang muna natin si duck prince na makapagbonding silang dalawa ng anak niya. Naiintindihan niyo po? O baka kailangan ko pang ienglish?" Sabi ko habang nakalagay ang kamay ko sa bewang.

"Kaya mo?" Ani ni tita Everett.

"Hindi"

Wala naman akong sinabing kaya kong itranslate yun' sa english eh. Ang sabe ko lang ay kung gusto niya lang itranslate ko. Magulang nga talaga sila ni duck prince. Ang gaganda at gwagwapo sana nilang nagpamilya, halos perpekto na ang panlabas na anyo. Kaso may mga saltik lang.

"Bampira kana ba Celeste? Bakit hindi man lang namin napansin na nagdadalang bampira ka? Pero hindi pa kayo maaring bumuo dahil hindi pa kayo ganap na mag-asawa, at hindi mo pa nagagawa ang tamang ritwal para makapagdalang bampira ka" hingal na sabi ni tito Lazarus na kahit isa ay wala akong naintindihan. Nabuang na.

"Huh? Unsa?" Nganga kong tanong. Ano bang nangyayare sa pamilyang to? Nababaliw na nga yata.

The Immortal LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon