Lilith's POV
Walang umimik sa ni isa mga pamilya ng Crimson at panay lang ang nakaw sulyap ng mga ito sa amin ni duck prince. Taas kilay ko silang tinitignan na agad din naman nilang iniiwasan. Nangangalay na din ang bibig kong ngumuya dahil mag-iisang oras na akong kumakain habang panay inom lang ng kung ano pulang juice ang mga Crimson. Nakakapagtaka nga na bakit kailangan pa nila akong sabayan sa hapag kainan kung di naman sila kumakain, pinapahirapan lang nila ang sarili nilang tigtigan ako habang sarap na sarap sa nga putaheng nakalatag sa lamesa.
"It's not like what you think father-" biglang sabi ni duck prince na siyang nagwakas sa katahimikang namumuo sa mga Crimson. Pero agad din namang pinutol ng kanyang ama na may nakakalokong ngiti.
Naol alam ang iniisip ng iba. Kapag ako naging mind reader, sasali ako sa pustahan ng pahulaan ng naiisip tapos boom! Instant yaman si inday.
"Shhh you don't need to explain anything Luther. Its normal, but you have to control yourself and know your limit. Celeste needs to be in ritual before you.... You know hahaha" ani ni tito Lazarus.
May usapan talaga ang pamilyang 'to na sila sila lang din ang nakakaintindi. Tapos bigla bigla nalang tatawa na parang takas mental. Maliban nalang kay duck prince na parang pinaglihi sa sama ng loob hahaha
Hindi ko gets ang pamilyang 'to.
"Tsk, I didn't do that-" apila niya sana, pero agad din itong pinutol ng ina niya na ngayon tudo ang ngisi sa pikon na anak.
"You don't need to deny that thing Luther" aniya saka tumingin sa asawa saka tumawa.
Mga baliw.
Napansin kong bakante ang upuan ni Blade na nasa tabi ni ate Lucinda na ngayon ay puro tawa kasama ang baliw na mag-asawa. Kay gandang mga nilalang pero may mga sayad.
"Nasan si Blade?" Sabi ko saka sinubo ang bacon. Hindi ko na alam kung pang-ilan beses ko na 'to, basta ang alam ko hindi pa ako busog.
Mabilis na umikot ang ang mata ni duck prince at matalim akong tinignan.
Unsa na pud problema ani oy?!
"Why are you finding that asshole Lilith?" Tiim bagang niyang tanong.
Itong bampirang 'to napaghahalataan ko ng berde. Palaging high blood kapag ako nagbabanggit kay Blade.
"Nangako kase siyang sasamahan niya akong mamasyal sa mall" mabilis kong sagot saka sumubo ng pagkain.
Mabilis siya tumayo at sinenyasan si kalbong driver sa di ko malamang dahilan. Kinapa niya ang bulsa ng pantalon niya at kinuha ang cellphone niya at may seryosong kinausap habang nasa akin pa din ang tingin niya.
Umigham si tito na tila ay aakalain mong namasid.
"Sobra sobrang selos, sobra sobrang perang magagastos" Aniya saka nagtawanan ang mga baliw.
Minsan naisip ko din kung paano naging mayaman ang pamilyang 'to sa kabila ng mga saltik nila sa ulo.
"Clean yourself, were going to mall don't forget to bring KC" aniya saka ako tinalikuran.
Parang nagningning ang mata ko sa sobrang saya na animo'y batang bibilhan ng isang laruan. Sing bilis ni flash akong kumilos at kumaripas ng takbo paakyat sa kwarto namin ni duck prince para makapagpalit ng damit. Sumalubong ang matamlay at walang kasigla siglang mata ni KC sa'kin na prenteng nakaupo habang nanonood ng Barbie sa sofa suot ang bagong damit na binili ni duck prince na pinagawa pa sa ibang bansa. Sosyal tong bruhang 'to mas masarap pa buhay kaysa sa'kin.
"Bakit ka nandito?" Walang emosyon niyang sabi sak binalik ang tingin sa TV.
Akala mo naman kinaganda niya ang pagmamaldita niya.
"Magready ka na diyan bruha, papasyal daw tayo sabi ng tatay mo" masigla kong sabi. Biglang nabuhayan ang mata ng damulag na genie pig at dali daling pumunta sa sarili niyang kama at nagmamadaling tumingin sa maliit niyang salamin na nasa gilid ng kama niya na binili din ni duck prince galing ibang bansa.
"Naol spoiled brat" bulong ko saka namili ng damit na susuotin.
Mabilis na tumakbo ang bruhang genie pig sa tatay niya na nakatayo sa gilid ng pinto ng sasakyan at sinalubong ang spoiled brat na genie pig na siyang agad na kinarga ni duck prince.
Nasa loob na kami ng sasakyan at prenteng kinarga ni duck prince si KC na prenteng natutulog o sabihin na nating nagtutulog tulogan ang gaga. Binaling ko ang tingin ko sa bintana ng sasakyan, napansin kong masiyado na palang malalim ang gabi.
"Why are you simangot?" Ani ni duck prince.
Hindi ko pala napansin na nakasimangot na pala ako ng hindi ko namamalayan.
"Masiyado ng malalim ang gabi duck prince, may bukas pa kayang mall ngayon?"
Wala kasi akong relo o cellphone man lang para tignan kung anong oras na, pero sa tansiya ko ay nasa alas unse na ng gabi.
"Don't worry may bukas pa" aniya.
Mabilis nanlaki ang mata ko sa narinig ko.
"Anong bukas pa?! Sabi mo papasyal tayo ngayon"
Mabilis niyang tinakpan ang tenga niya at mabilis na hinili ang bruhang genie pig.
"Don't shout Lilith, you gonna destroy our daughter's sleep" aniya.
Feel na feel naman ng bruha na magkunwaring tulog sa tatay niya.
"Ang sabi mo kase ipapasyal mo ko ngayon, pero sinabi mo ngayon lang na may bukas pa" inipit ko ang boses ko at ramdam kong lumalabas ang mga ugat ko sa leeg dahil sa ginawa ko.
"What I mean is, the mall were where going to go now is still open, so please don't make any noise your gonna wake her" aniya saka hinili ang bruhang genie na parang sanggol.
Nakahinga ako ng malalim sa narinig ko saka siya nginitian.
"Hindi mo kasi kinaklaro duck prince hahaha- opps sorry" sabi sabay takip sa bibig ko ng kamuntikan nakong matawa.
Huminto ang saksakyan sa harap ng isang napakalaking mall. Pero walang taong tulad namin na mamasyal, puro mga sales lady at sales man at isang gwapong manager ang sumalubong samin.
"Duck prince parang tayo lang ata ang mamasyal sa mall ngayon, para tayong may-ari hahaha" bulong ko kay duck prince na ngayon ay karga pa rin ang gising na bruha na tuwang tuwa.
"Of course, because you own this property"
![](https://img.wattpad.com/cover/227045643-288-k480613.jpg)
BINABASA MO ANG
The Immortal Love
مصاص دماءDugo ang bumubuhay sa tulad niyang bampira. Ang pambirang si Kieran Luther Crimson ay isa sa pinakatatakotan at nirerespeto ng kalahi niya. For him, his reputation is the most important thing in his life. Pinakamalakas at tinitingala siya ng mga kap...