Kabanata 9

2 1 0
                                    

Lilith's POV

Tatlong araw na simula ng dumating si KC sa'kin, at hanggang ngayon ay tinuturuan ko siyang magtago sa short gaya ng ginagawa ni duck prince sa alaga niyang genie pig.

Magalaw masiyado si KC at ayaw sa loob ng short ko. Ano ba kasing problema nitong genie pig na'to?

"Umaayos ka nga kase KC. Sige ka kapag hindi ka tumigil ay makikipag papalit ako kay duck prince ng alaga" sabi ko saka hinarap ko ang genie pig ko.

"Mas okay nga na maging amo ko pogi kaysa sayo eh" Aniya.

Aba! Aba! Matapang pa talagang sumagot tong baboy na dagang to.

"Hoy! Umayos ka KC ah. Baka nakakalimutan mo ba ako na ang nanay mo magmula ngayon kaya respetuhin mo ko" asik ko sa malditang genie pig na'to.

"Bakit mo naman kasi ako ilalagay diyan sa short mo? Eh ilang araw kana atang hindi naliligo. Mommy" Aniya.

Mabilis kong inamoy ang sarili ko na naging dahilan ng pagngiwi ko. Ang baho ko na nga. Hindi pa pala ako nakakaligo simula ng dumating ako dito. Ngayon ko lang naalala.

"See? Kailangan mo na ng matinding liguan" taas kilay niyang sabi.

Bruhang to!

"Hoy! Ikaw bata ka, h'wag mo kong pagsasalitaan ng ganyan dahil kung hindi dahil sa'kin hindi mo makikita ang mundo" asik ko saka tinaas sa ere ang malditang genie pig na anak ko.

"Akala mo naman talaga niluwal niya ko" bulong niya saka tinalikuran ako.

Ang bastos talaga!

"Really? Talking to a genie pig human?" tanong sa'kin ni duck prince habang taas kilay na tumingin sa'kin.

Kaya pala maldita ang batang genie pig na yun' kasi may pinagmanahan.

"Ayan! Yang ugali mong yan ang naaadapt ng anak mo" asik ko sa kanya habang dinuduro siya.

"Anak ko? Are you talking about your genie pig?" Aniya.

Bakit parang ako lang ang may pakealam sa anak namin? Bakit parang ako lang ang may pake sa mga nangyayare?

"Napakairesponsible mong ama duck prince. Paano mo nagagawang sabihin yan sa harap ko? Bakit parang ako lang ang may gusto umayos na dumating ang anak natin? Lumalaking pilosopa at maldita ang anak natin dahil nakukuha niya ang ugali niya sayo!" Nabasag ang boses habang nagsilaglagan ang mga luha ko.

Paano niya nagagawa ang bagay na'to samin ng anak niya?

"Are you normal human? Do you need to take medicine? Should I send you to mental hospital?" Aniya.

Umawang ang bibig ko sa mga narinig ko mula kay duck prince. Bakit ganito siya?

"A-ang s-sakit s-sakit m-mong m-magsalita" gumaralgal na ang boses ko habang masama siyang tinititigan.

Para siyang nagulat sa naging tungon ko sa kanya na siyang kinaiba ng awra niya.

"I-im just joking Lilith" aniya habang akma akong hahawakan.

The Immortal LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon