Lilith's POV
Kanina pa ko palakad lakad sa sala ng bahay namin ng mga Crimson. Syempre! Makikibahay na din ako, mapapangasawa ko rin naman ang nag-iisa nilang anak na lalake.
"Nakakaloka ka Celeste! Magtigil ka nga" bulyaw sa'kin ni ate Lucinda.
Sama talaga ng ugali ng bruhang to kahit na kailan, kaya hindi maipagkakailang magkapatid talaga sila ni duck prince eh.
"Che! Magpaint ka nalang diyan" sabi ko sabay irap sa kanya.
Ngumisi siya binalik ang atensiyon niya sa pagpipinta. Kaloka din talaga tong babaeng to. Noong nakaraang ligo pa ko nagtuturo puro stick man lang nadradrawing niya.
Nakita kong papaalis sina tito Lazarus at duck prince. Mabilis akong tumakbo sa gawi nila para magtanong.
"Wazzup tito! Hey yow duck prince! Saan punta natin pormadong pormado ah, may lamay ulit?" Sabi ko saka umaktong professional rapper.
"Hahahaha, may aasikasuhin lang kami" ani tito Lazarus na tatawa.
Hirap talagang makipag-usap sa baliw, maski walang nakakatawang bagay tinatawanan.
"We have meeting, go upstairs and take care of KC" ani ni duck prince.
Malakas nanaman na tawa ang binitawan ni tito Lazarus. Patagal ng patagal palala ng palala ang sira sa ulo nito.
"Hahaha at first, I really assumed that I have a grandchild because of that genie pig" aniya.
Nagdilim ang mukha ni duck prince nang marinig niya si tito na ngayon tawa pa rin ng tawa.
"Stop calling her like that, maybe she's not like us but I didn't treat her as my pet or whatever father" ani duck prince na seryosong tumingon kay tito.
Sino ba sa kanila ang totong ama? Uso na ba yan ngayon na ang anak na ang sasaway sa ama? Walastig.
"Okay fine Luther, I'm just kidding" ani tito saka tinaas ang dalawang kamay. Makikipag-apir ba siya?
Siguro nga.
Mabilis ko na sinalubong ang apir na gagawin ni tito na siyang mas kinatawa niya.
"Duck prince umalis na kayo, nabubuang na si tito" sabi ko habang tinitignan si tito na patuloy pa rin sa pagtawa.
Aalis na sana sila ng biglang sumulpot si tita Everett mula sa kung saan na siyang kinagulat ko.
"Ay amaw!" Pasigaw kong sabi habang hawak ang dibdib ko.
"I'm sorry Celeste I didn't mean to do that" ani ni tita at mabilis na ibinaling kina duck prince ang patingin.
"Luther you must take care if Celeste nakakahalata na ang panig nila Silas na isang mortal ang mapapangasawa mo" aniya.
Hilas? Hahaha grabe namang pangalan yun' baka hilason siya, hahahaha.
"Hahahaha!" Malakas kong tawa.
Mukhang nahahawaan nako ng pagkabaliw ng pamilyang to.
"What are you laughing human? Do you think this is funny ha? Your life is in danger now" masamang tumingin sa'kin si duck prince. High blood naman masiyado nito.
"Hahaha nakakatawa kasing yong pangalan niya Hilas"
Pinipigilan kong tumawa pero sadyang traydor ang bunganga ko at mas naging malakas ang pagtawa ko.
"Hahahahaha! Hilas daw"
Isang malakas na pitik sa noo ang natanggap ko mula kay duck prince na siyang kinabusangot ng mukha ko.
"Araguy! Inaano kita?" Ani ko habang sapo sapo ang noo ko.
Ansakit.
"Silas, not Hilas" walang emosyon na sabi ni duck prince.
Paano kaya kapag masakit tiyan nito tapos wala siyang kaemos emosyon. 'Aray masakit tiyan ko' tapos kapag nanganak siya 'Doctor kailangan ko ng manganak masakit' hahahaha tapos lahat mangyayare yun' ng walang emosyon hahahaha.
"Hahahaha OK" sabi saka sila tinalikuran, habang sila tito at tita ay tawa pa rin ng tawa.
Mga buang gyud.
"Ate Lucinda! noong nakaraang linggo pa yang stick man mo ah. Hindi na ba yan magbabago?" Kamot ulong tumingin sa'kin si ate Lucinda.
"Magkahawig naman sila ah" inangat ni ate Lucinda ang gawa niya at ang isang painting.
"Anong klaseng mata ang meron ka ate Lucinda?! Kailan pa naging bundok ang stick man aber?!" Mauubos dugo ko dito, dahil sa babaeng to.
"Hehehe ngayon lang" pilya niyang sagot.
Hay nako!
"Akin na yan sketch pad na nasa tabi mo, bigyan kita ng tips paano maging maganda ang painting mo" sabay turo ko sa kulay brown na spring notebook sa gilid ni ate Lucinda.
Hindi ko napansin ang ballpen na kasunod na tumama sa kamay ko at naging dahilan ng pagdaing ko nang mapagtanto kong nasugatan ako dahil sa dugo na nasa daliri ko.
"Araguy! Ang sakit" marahan kong hinipan ang hintuturo kong nasagutan.
Mabilis na napunta sa'kin ang atensiyon ni ate Lucinda. Marahas niyang tinapon sa kung saan ang kaninang brush na hawak niya para sa pagpipinta. Nag-iba ang kulay ng mata niya, ang kaninang kulay brown niyang mata ay naging kulay pula na, lumabas din ang matutulis niyang dalawang pangil habang sabik na sabik na tumingin sa kamay kong napupuno na ng dugo.
"May automatic contact lens ka rin pala ate Lucinda?" Sabi habang tumititig sa mata niyang nasa kamay ko pa rin atensiyon.
Hala! Baka akala niyang paint niya tong nasa kamay ko.
"Ate Lucinda hindi po to paint, dugo po to. Wala akong ginalaw diyan sa paint niyo" paliwanag ko.
"Alam ko" aniya.
"Kung ganon naman pala bak-" hindi ko na natapos ang nais kong sabihin dahil bigla nalang akong tinulak ni ate Lucinda sa sahig at sinakyan. May balak pa atang mangabayo tong si ate Lucinda.
"Umalis ka ate Lucinda, mabigat ka-" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang tumalbog si ate Lucinda sa may pader.
Ang batos talaga ng magkapatid na to. Hindi man lang ako hinayaang tapusin ang sasabihin ko.
Nag-aalalang tumingin sa'kin si duck prince at sinuri ang leeg ko at iba pang parte ng katawan ko. May pagnanasa ata sa'kin ang prinsipe ng mga pato.
"Fcuk! Did she bite you? Are you hurt? Are you okay?" Sunod sunod niyang tanong.
Bike daw?
Mabilis niyang tinanggal ang necktie na suot niya at tinali sa kamay ko.
"Kaya pala ako sinakyan ni ate Lucinda. Gusto niya ng bike akala ko pa naman kabayo gusto niya" Hindi man lang pumasok sa utak ko na bike pala gusto niya.
"Tsk! Yan talaga ang pagkakaintindi mo?" Umigting ang panga ni duck prince habang matuloy pa rin siya pagtali ng kamay ko gamit ang necktai niya.
Nabaling ang atensiyon ko kay ate Lucinda na ngayon ay tinutulungan nila tito at tita na makatayo.
"I'm sorry Celeste" ani ni ate Lucinda.
Sorry? Para san?
"Never attempt to come closer Lucinda. You didn't control your self again" ani duck prince habang masamang tinignan si ate Lucinda.
Para bike lang mag-aaway silang magkapatid.
BINABASA MO ANG
The Immortal Love
VampireDugo ang bumubuhay sa tulad niyang bampira. Ang pambirang si Kieran Luther Crimson ay isa sa pinakatatakotan at nirerespeto ng kalahi niya. For him, his reputation is the most important thing in his life. Pinakamalakas at tinitingala siya ng mga kap...