Lilith's POV
GRABE! Ang sasarap ng pagkain nila duck prince dito. Hindi talaga maling desisyon ang sumama kay duck prince para makikain hehehe. May asawa kana may masarap na pagkain ka pa.
Tinignan ko sila. Bakit hindi sila kumakain? Nahihiya talaga sila sakin. Nako!
"Kumain na po kayo. H'wag po kayong mahiya sakin" sabi habang kumukuha ng fried chicken.
Amoy palang ang sarap sarap na. Lameh kaayo.
"We're full, just continue eating. Don't mind us Celeste" sabi ng ate Lucinda.
Pero bakit ganon? Parang kapatid lang nila mader nila? Kakaloka. Makakain na nga.
"Dahan dahan lang ihja Hahahaha. Wala kang kalaban, sayo lahat ng yan" ani ng papa ni duck prince.
Kaloka talaga! Bakit parang kaedad lang ni duck prince parents niya? Di kaya....
"Tita 3 years old palang po ba kayo ng mabutis kayo ni tito?" Baka bata palang sila kumurikengkeng na.
Nagtawanan silang lahat habang sapo sapo nila ang kanya kanya nilang mga tiyan.
"Hindi ihja, 23 years old ako ng pinagbubutis ko si Luther at 89 years old naman ang papa niya ng panahong yun'" natatawang paliwanag ni tita na sinundan ng mga tawa nila. Maliban lang kay duck prince na may tinga siguro kaya ayaw ipakita ang ngipin.
Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang sinabi ni tita Everett.
"Child abuse ka po tito Lazarus!" Tinawanan lang ako ni tito Lazarus.
"Hindi ko naman sinaktan ang tita mo ihja. Sa katunayan nga niyan ay patay na patay sakin yan" mabilis namang kinurot ni tita ang tagiliran ni tito.
"Magtigil ka Lazarus!" Malakas na sigaw ni tita kay tito. Mali ata ang hula ko. Mukhang si tita ang mapanakit.
"Bakit po kung saan matanda kana saka ka pa po kumerikengkeng tito?" Isang malakas na tawa nanaman ang ginawa nila.
Mukhang may saltik ang pamilyang to.
"Stop that thing human. Wear this" tumayo si duck prince at saka sinuotan ako ng medal. Graduation ko ba? Baka delay lang yong medal ko nong kinder kaya ngayon lang binigay.
"May honor ba ko duck prince?" Pero isang malupitang pitik sa noo nanaman ang natanggap ko. Ang lupit talaga, parang hininga ni manang Linda.
"Araguy!"
"This is not a medal, this is a necklace and don't you dare take this out on your neck" ani ni duck prince.
Medal talaga to eh. Mukhang gawa sa ginto. Subukan ko ngang isangla.
"Oo pramis di ko tatanggalin. Pero ambobo mo hindi to kwintas eh medal to. M.E.D.A.L " biglang naging kulay pula ang mata niya.
Yaman ni duck prince may automatic na contact lens.
Taray.
"Saan mo nabili yan?" Biglang kumunot ang noo niya.
Kanina pa siya kunot ng kunot ng noo. Baka bagong exercise para sa noo. Matry nga mamaya.
"What?" Taka niyang tanong saka bumalik sa normal na kulay ang mata niya.
Antaray nga.
"Sabi ko saan mo binili?"
"I don't understand you"
Hala! Baka bisaya to.
"Bisaya ka dong!? Hastang buanga, ako pud" malakas kong pinitik ang ilong niya.
"What?! What the hell are you talking?"
"Di ka marunong magbisaya?" Malungkot kong tanong.
"No"
Makabuang ning tawhana ni.
"Baho kog lubot buanga ka"
"Stop using that language human! What are you saying?" Umigting nanaman ang panga niya. May balak talaga siyang hamunin si Nemo sa paglangoy.
"Ibigsabihin no'n. Malakas ako mahina ka" hehehe.
Hahahahaha.
"I'm the one who have right to say that. Baho kog lubot buanga ka" aniya.
"Oo nga. Baho kag lubot"
Hahaha mabaho daw pwet niya hahahaha.
"Of course" taas noo niyang tanong.
"You're good for each other. Ito ang unang beses na nagsalita si Luther ng mahaba haba. I like you for my son" ani ni tita Everett.
"Swerte niya po sakin. Maliban po sa maganda na, mabait pa ay talentado pa. Gusto niyo po ba magtula ako para kay duck prince?"
Champion ata to noong nasa elementary palang ako.
"Really? Sige" ani ni tita.
Tumayo ako at umigham muna para makapaghanda na para saking napakagandang tula.
"Para sayo to duck prince" sabay tingin ko sa kanya.
"Ang sweet naman ni Celeste" nakangiting papuri ni ate Lucinda.
"Aking Duck Prince
Labi mong kay ganda kung pagmasdan.
Ngunit hininga mo'y amoy dagang nasagasaan.
Panga mong umiigting sa kawalan.
Isdang Nemo mukhang hinahamon ng karerahan.Sa kagwapohan ikaw ay talagang nangunguna.
Pero panga mo'y sing lapad ng planggana.
Ilong mong malaki ako ay nahalina.
Pero butas nito ay sing laki ng butas ng higanteng kampana""Hahahahahahaha"
Isang malutong na tawa nanaman ang pinakawalan ng pamilya ni duck prince. May mga saltik nga. Nilingon ko si duck prince na masamang nakatingin sakin. Gusto niya pa atang dugtungan ko pa.
"You're so fantastic Celeste" natatawang sabi ni ate Lucinda.
"Fantastic talaga ate Lucinda. Alam mo bang nagchampion ako noong elementary sa pagtula" taas noo kong sabi. Dapat ang ganyang bagay ay pinagmamalaki.
"Really? Ilan ang kalaban mo?"
"Ako lang"
Sumakit kasi ang tiyan ng mga kalaban ko pagkatapos kong ibigay sa kanila ang luto ni manang Linda. Kaya ayon wala akong kalaban pero at least champion ako.
"Hahahaha" tawa nila.
May mga problema nga talaga sa pag-iisip ang pamilya ni duck prince.
"Sige na Luther ihatid mo na si Celeste sa kwarto niyo para makapagpahinga na" walang imik na tumayo si duck prince. Mukhang nagtampo nga talaga kasi kulang yong tula ko para sa kanya.
Tumayo na ako para sundan si duck prince.
"Thank you for making our day Celeste" ani ni tito.
"Welcome po"
Tumakbo ako para sundan si duck prince na ambilis maglakad. Nakakahingal naman tong bahay nila anlaki masiyado.
Sinundan ko si duck prince na pumasok sa kwarto niya na magiging kwarto ko na din kaya kwarto namin.
Malaki ang kwarto niya pero mukhang mga luma na ang mga gamit niya. Pero mukha namang malinis.
"Don't you dare do that again human" aniya.
Naagaw ang aking atensiyon sa pantalon ni duck prince na may kung anong bagay sa ibaba ng puson niya. May alaga ba siya? Ano yong bumabakat sa pantalon niya?
"Ano yang bumabakat?" Kunot noo kong tanong sa kanya habang tinuturo ko ang nasa ilalim ng pantalon niya. Mukhang na aadapt ko na ang forehead exercise niya ah.
Nanlaki ang mata niya habang tumitingin sakin.
"Pwede ko bang hawakan?" Akma ko na sanang hawakan ang kung ano mang nasa ilalim ng pantalon niya. Pero mabilis siya nawala.
Sayang. Gusto ko pa naman makita.
BINABASA MO ANG
The Immortal Love
VampireDugo ang bumubuhay sa tulad niyang bampira. Ang pambirang si Kieran Luther Crimson ay isa sa pinakatatakotan at nirerespeto ng kalahi niya. For him, his reputation is the most important thing in his life. Pinakamalakas at tinitingala siya ng mga kap...