Kabanata 17

3 1 0
                                    

Lilith's POV

Natitimang na nga ata tong si duck prince kung sino sino nalang ang pinagbabantaan. Makabuang ning lakeha ni oy! Tinignan ko siya ng masaya nang hinila niya ako papalayo kay Blade.

Ano ba namang party 'to, wala na ngang pagkain, di pa pedeng makisayaw.

"Oy! Naano ka duck prince?"iritado kong tanong habang nagpupumilit pa rin at nagpupumiglas.

"Don't you dare try to talk to that asshole Lilith" seryoso niyang sabe habang patuloy pa rin sa paghila sa'kin.

"Aba'y bakit naman?" Tinaasan ko siya ng kilay. Huminto siya at humarap sa'kin.

"Because I will kill anyone who's attempting to stole you from me. I already marked you Lilith. You're mine, only mine"  aniya saka ako hinila ulit.

Hindi ako halos makaimik sa mga narinig ko. Papatayin niya lahat ng magtatangkang magnakaw sa'kin? Bakit may ginto ba ako?

Nangangalay na ang braso ko sa kakahila ng bampirang pato na'to. Saan ba ako dadalhin ng patong 'to?

Bakit parang paakyat kami papuntang kwarto?

"Anong gagawin na'tin sa kwarto duck prince?" Nagtataka kong tanong ng buksan niya ang pinto ng silid namin.

Umawang ang labi niya ng tumingin siya sa'kin habang nanlalaki ang mga mata niya, na siyang kinakunot ng noo ko. Nababaliw na din ata tong lalaking 'to.

"S-stop t-that l-look h-human! It's not like what you think" habang tinuturo niya ako na para bang may iniisip akong masama.

"Wala namang masama sa iniisip ko, kaya bakit ko pipigilan?" Mataray ko siyang tinaasan ng kilay.

Mabilis siyang umatras na para bang may gagawin akong masama sa kanya. Humakbang ako papalapit sa kanya na siyang kinataranta niya at gumuhit sa mukha niya ang takot.

"Kung ano man yang iniisip mo Lilith, please don't do that thing I'm still a man. I can't promise to control my self, so if your just trying have fun with me. That's not funny" halos isiksik niya ang katawan niya sa pader habang nagbabantay sa kung anong igagalaw ko.

Naalog ata utak nitong bampirang 'to.

"Ha? Anong pinagsasabe mo? Di kita gets oy!" Padabog akong umupo sa kama na halos ikagaan ng kaluluwa ko, dahil sa wakas naipahinga ko na din ang binte ko sa heels na pinasuot sa'kin ni ate Lucinda.

"You're not planing to do that thing?" Aniya.

Nababaliw na din tong lalaking 'to. Ang hirap intindihin. Ano ba sa tingin niya ang gagawin ko? Magjajackstone?

"Hindi kita maintindihan duck prince" iritado ko siya tinignan.

"Alam mo na yun'"

"Hindi ko nga alam sabe! Ano ba kase yun'?"

"I mean the... You know" Aniya habang pinipilit pa rin na alam ko yong tinutukoy niya.

"Ewan ko sayo" tinalikuran ko siya at nagtungo sa kabinet kung saan ko tinago ang mga tinabi kong iilang fried chicken kagabi. Kinuha ko ang tapper wear na pinaglagyan ko saka umupo sa kama.

Bumuntong hininga siya saka umupo sa malaki niyang upuan malapit sa glass window niya.

"Tsk, what make me think that you can understand that thing. Of course you don't know" aniya habang kausap ang sarili sa kawalan. Akala ko pa naman siya ang nag-iisang Crimson na hindi baliw. Nasa lahi nga ata nila ang pagiging baliw.

"Bahala ka d'yan kakain nalang ako" saka ko sinubo ang fried chicken ko. Buti nalang hindi nilalanggam yung mga fried chicken.

Salubong ang kilay ni duck prince ng lingonin niya ako habang ngumunguya. Manghihinge ba siya? Pero di naman sila kumakain nito eh.

"Saan galing yan?"

Tinuro ko ang kabinet na pinagkunan ko ng fried chicken.

"Fcuk! I forgot to call a chef to cook for your dinner" aniya saka sinambutan ang sarili.

Baliw.

Tinignan ko lang siya habang ngumunguya nang dahan dahan. Kaya siguro nababaliw to'ng Crimson family kase hindi sila nakakain. Nakakabaliw din palang maging bampira.

"Where did you get that food?" Aniya.

Tinuro ko ulit ang kabinet na tinuro ko kanina. Hindi lang pala nakakabaliw ang gutom, nakakabingi din.

"I mean kailan mo yan dinala dito?" Aniya.

"Kagabi" tipid kong sabi saka nagpatuloy sa pagnguya.

"Don't eat that! Panis na yan! No'n nakaraan pa yan. Hindi nagluto ng fried chicken ang chef kagabi" Aniya saka mabilis na sumulpot sa harap ko.

Mabilis kong inamoy ang fried chicken na kinakain ko. Nanlaki ang mata ko ng maamoy kong panis na nga.

Nako! Noong nakaraang gabi pa pala 'to. Paniguradong sasakit ang tiyan ko nito. Akala ko ibang uri ng fried chicken ang kinakain ko kase iba ang lasa. Kaya pala kakaiba ang lasa kasi panis na.

Naramdaman kong kumukulo na ang sikmura ko. Paktay ito na ang babala na lalabas na. Mabilis akong tumakbo papunta sa CR halos punitin ko na ang gown na suot ko, dahil ramdam ko nang lalabas na.

"What are you doing human?!"

"Bilisan mo duck prince! Punitin mo na ang damit ko, lalabas na!" Halos magwala ako kase di ko alam kong paano ilalabas dahil masiyadong masikip ang gown na suot ko. Di pwedeng papatong ako sa inidorong naka gown.

Nag-aalanganin pang lumapit sa'kin si duck prince, at lumulunok habang binubuksan ang zipper.

"Shit! I break it" aniya.

Nasira niya ang zipper. Namamawis nako at ramdam kong lalabas na ng wala sa oras ang nasa tiyan ko.

Dumikit ako sa kanya at sinenyasan siyang punitin nalang ang damit na suot, dahil nagsisimula ng kumulo ng malakas ang tiyan ko.

"A-are y-you s-sure?" Aniya. Tumango nalang ako at namimilipit na sa sakit.

Narinig ko ang pagpunit niya sa damit ko mula likod hanggang sa dulo ng damit na suot ko. Kasabay ng pagdilim ng paningin ko dahil sa matinding sakit ng tiyan ko. Namalayan ko nalang na nasa taas nako ni duck prince na ngayon ay nakahiga. Habang gulat na gulat.

"Mother don't push me!"

Isang malakas na tunog ang umagaw sa atensiyon ko. Natumba ang pinto ng silid namin ni duck prince at nasa pintuan ang tatlong Crimson na ngayon ay halos di maipinta ang mukha sa gulat.

"Fcuk!" Malutong na mura ni duck prince.

Bigla nalang nagdilim ang paligid ko at naramdaman ko ang pagbagsak ko sa dibdib ni duck prince.

The Immortal LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon