Lilith's POV
Ang sarap talaga ng mga pagkain nila duck prince. Pero pansin ko lang na hindi sila kumakain? Nahihiya pa rin ba sila sakin? Kung sabagay nag-aadjust pa sila sa kagandahan ko hehehehe.
"How's the food Celeste?" Ani ni tita Everett.
"Ansarap sarap po" lalo na ngayon, ako lang kumakain walang kahati.
"Kamusta naman ang tulog mo?" Tanong ni tito Lazarus.
Kumain pa po ang napakaganda niyong manugang.
"Ayos naman po pero..."
"Pero?" Interesadong tanong ni ate Lucinda.
May pagkachismosa pala tong si ate Lucinda hehehehe.
"Ayaw pong ipakita at ipahawak ni duck prince ang alaga niya" matabang kong sabi.
Ang gusto ko lang naman kasi na mahawakan at makita yong alaga ni duck prince na nasa ilalim ng pantalon niya kagabe. Pero andamot niya. Ayaw niyang ipakilala ang alaga niya. Mahilig pa naman ako sa mga hayop gusto ko ngang kinikiss sila eh. Gusto ko pa din naman sanang ikiss alaga ni duck prince pero ayaw niya ata.
"May alaga siya?" Ani ni tita Everett. Parang nagulat siya sa sinabi ko.
Hindi din ba pinapahawak ni duck prince kay tita Everett ang alaga niya? Ansama naman ng ugali ni duck prince. Grabe siya sa alaga niya. Ayaw niyang ipahawak. Seloso siguro si duck prince.
"Opo, nasa ila-" halos tumirik ang mata ko ng lagyan ni duck prince ang bunganga ko ng manok.
Ang sarap talaga huehuehue.
"Just eat human" diin na sabi ni duck prince. Ang sweet naman ni duck prince sinusubuan ako.
"Shulumot" sabi ko habang ningunguya ang manok na nasa bibig ko.
Naubos ko ang lahat ng nasa lamesa kanina. Grabe ang sarap talaga ng pagkain na hinahain nila.
Bumalik ako sa kwarto ni na kwarto ko na kwarto namin. Nakita ko ang malaking TV ni duck prince. Ano kayang disney movie pinapanood niya? Meron kaya siyang Finding Nemo? Ay! Naeexcite ako.
Andami namang tape ni duck prince dito. Kumuha ako ng iilan sa mga tape niya. Bakit nakahubad lahat? Kawawa naman tong mga babaeng to, baka nilalamig sila. Ang sama talaga ni duck prince. Hindi niya man lang binihisan ang mga kawawang babae na to.
"Huwag kayong mag-alala dahil bibihisan kayo ng napakagandang si Celeste Lilith Domingo" Ang sabi ni manang Linda na laging tumulong sa mga nangangailangan.
"Tandaan mo anak kapag may nakita kang nangangailangan ng tulong. H'wag kang magdalawang isip na tumulong lalo na kung alam mong mas maganda ka"
Ang bait bait talaga ni manang Linda. Kaya idol ko yun' eh.
"Ate anong gusto mong kulay ng damit mo?"
Bakit hindi siya sumasagot? Baka gusto niyang ako ang pumili ng kulay. Nako may pagkamahiyain pala tong si ate.
Ano kayang magandang design sa damit niya? Kung Hello Kitty nalang kaya? Bagay nga.
Tinignan ko ang iba pa pang tape ni duck prince na puro walang damit. Hayts kawawa talaga.
"Huwag po kayong mag-alala gagawan ko po kayong lahat ng damit. Alam ko naman pong nilalamig kayo" nakakalungkot talaga.
Bakit kasi hindi ni duck prince pinasuot ng mga damit sila ate. Ang lamig lamig pa naman ng kwarto ni duck prince. Nakakalungkot lang na kayang gawin ni duck prince ang mga to sa mga kawawang babae. Baka sa susunod maging katulad ako nila ate.
"Ayan! May mga damit na kayo. Paniguradong hindi na kayo lalamigin niyan"
Bakit hindi pa rin sila nagsasalita?
"Hindi man lang ba kayo magpapasalamat sa napakagandang nilalang na gumawa sa mga damit niyo?"
Baka nahihiya lang kaya ganyan. Kung sabagay, sa ganda kong to talagang mahihiya talaga sila hehehehe.
Pwede na siguro akong manood ngayon ng TV. Hindi na ako hahabulin ng konsensiya kasi naging mabait naman ako ngayong araw kasi dinamitan ko sila ate.
"Ate pahiram muna nito ah?" Ano kayang laman ng tape ni ate.
"Augh! Augh! Augh!" Bakit sinasaktan ni kuya si ate? Huhuhuhu.
"Kuya! Huwag niyo pong saktan si ate" naiiyak nako habang pinipigilan si kuya na saktan si ate.
"Augh! Augh! Augh!" Ang sama sama ni kuya. Hindi man lang ba siya maaawa kay ate.
"Ate! Huwag po kayong susuko. Susubukan ko pong pigilan si kuya huhuhu" nagsibagsakan na ang mga luha ko. Paano naatim ni kuyang saktan si ate. Baka may utang si ate? Pero kahit na! Dapat di niya sinasaktan si ate.
"Kuya tama na po! Tumigil na po kayo" halos mamaos nako kakasigaw pero hindi man lang nakikinig si kuya. Baka galit sakin si kuya dahil hindi niya nagustohan ang design ko.
"Sorry na po huhuhu. Kung di niyo po gusto ang design ko gagawan ko nalang po kayo ng bago. Color pink gusto niyo?" Tumutulo na ang sipon ko kakaiyak. Pero hindi dapat ako sumuko.
"Augh! Augh!" Nahihirapang sabi ni ate.
"Red po?"
"Augh! Augh!" Naawa na talaga ako kay ate.
"Yellow kuya?"
"Augh! Augh!" Patuloy pa rin ang pananakit ni kuya kay ate.
"H'wag niyo na pong saktan si ate. Ako nalang po please"
Anong color ba gusto ni kuya? Huhuhu baka mamatay si ate.
"What the fcuk!" Malakas na bungad ni duck prince. Hindi niya din ba alam na sinasaktan ni kuya si ate.
"Huhuhu please duck prince tulungan natin si ate huhuhuhu" halos matalon talon ako sa sobrang iyak habang mabilis kong hinihila ang kamay ni duck prince papunta sa TV.
"Augh! Augh! Augh!" Nahihirapan na sigaw ni ate.
"Huhuhu sorry ate. H'wag po kayong sumuko ah? Duck prince bilisan mo na baka mapano si ate" halos wala na akong boses kakaiyak.
Tumitingin lang si duck prince sakin. Hindi niya ba ako tutulungan? Hindi ba siya naawa kay ate? Kay kuya ba siya pumapanig?
Kinuha niya ang remote at mabilis na pinatay ang TV. Paano si ate?!
"Ibalik mo duck prince! Si ate nahihirapan" sinubukan kong kunin kay duck prince ang remote pero nilalayo niya sakin.
"Stop human!"
"Ibigay mo sabi sakin yan duck prince. Baka mamatay si ate" hindi kakayanin ng konsensiya kong kapag may masamang nangyari kay ate.
"Are you serious? Stop pushing me!"
Ang sama sama niya. Malamang seryoso ako. Buhay ni ate ang nakataya dito.
"Ang sama sama mo! Kasabwat mo ba yong salbahing kuya na yun'?"
"What the fcuk!"
"Kakampi mo siya!" Mabilis akong tumakbo palabas ng kwarto ni duck prince na kwarto ko na din kaya kwarto namin.
Ang sama sama niya! Galit ako sa kanila ni salbahing kuya.
![](https://img.wattpad.com/cover/227045643-288-k480613.jpg)
BINABASA MO ANG
The Immortal Love
VampiroDugo ang bumubuhay sa tulad niyang bampira. Ang pambirang si Kieran Luther Crimson ay isa sa pinakatatakotan at nirerespeto ng kalahi niya. For him, his reputation is the most important thing in his life. Pinakamalakas at tinitingala siya ng mga kap...