SIMULA
"Punyeta ka, Zean!" Sigaw ko ng kuhanin nya ang librong binabasa ko sa library. Wala akong pakielam kung pagalitan man kami ng librarian doon dahil sa ingay namin.
Hinabol ko sya ng lumabas sya ng library, hawak-hawak parin ang libro ko. Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa hallway, pero hindi ko sila pinapansin.
"Hoy hopia, ibalik mo yan!" Sigaw ko ulit habang binibilisan ang takbo. Damn! Bakit ba kasi ang haba ng legs nya kesa saakin? Nakakainis!
"Nerd?! HAHAHAHA kaya di ka nagugustuhan ng crush mo eh" Lalo naman akong nainis dahil sa sinabi nya na tinawanan lang ako.
Napangisi ako ng makitang napahinto sya dahil dumaan si Mr. Aguilar kaya naman kinuha ko na ang chance na iyon para bilisan ang takbo at batukan sya.
"Aray!" Daing nya habang nakahawak sa ulo. Yan napapala ng mga siraulo eh. Kinuha ko yung makapal na libro na kinuha nya saakin at pinagpapalo iyon sa braso nya. "Aray, tama na!"
"Wala ka talagang magawa noh? Nag aaral yung tao eh" inis na sabi ko pa sakanya at inirapan sya ng tawanan nya pa ako.
"Tao ka pala? Akala ko siopao" lalo namang nagdilim ang paningin ko pero nakita ko sa hindi kalayuan si Raze kaya naman i act normal.
"Oy alam mo ba? Free ako mamaya. Kaso, walang nag yayaya sakin ng date. Kelan kaya ako mag kaka-jowa?" Sabi ko, kunyari kausap si Zean pero pasimpleng sumusulyap kay Raze na medyo malapit na saamin.
"Pinagsasabi mo?"
"Kung ako mag kaka-jowa, bibilan ko sya ng Nike Shoes araw-araw" parinig ko pa ng dumaan na talaga sa tabi namin si Raze.
"Ha? Balenciaga gusto ko" binalewala ko ang sinabi ni Zean at napasimangot ng makitang hindi ako pinansin ni Raze at nag tuloy-tuloy lang sa paglalakad. Hayst, sayang effort..
"Tara na, nagugutom na ko." Walang ganang sabi ko kay Hopia at inunahan na syang maglakad.
"Hoy! Asaan na yung Balenciaga ko?!" Sigaw nya pa habang hinahabol ako kaya naman napatingin pa saamin ang mga tao. Hayst, pahamak.
"Hindi ikaw ang jowa ko kaya manahimik ka dyan" mataray na sabi ko sakanya at nauna nang pumasok sa Taminan. Actually, canteen o cafeteria ang tawag ng iba dito pero ang tawag namin dito ni Hopia is 'Taminan'. Why? Tambayan plus Kainan, Taminan. Talino talaga namin!
"Siopao, anong order mo?" Napangisi naman ako sa tanong nya. Dapat lang na sya ang mag order ngayon dahil ako ang nag order kahapon.
"Isang friend chicken with rice, pizza, mocha slice cake, salad, atsaka milktea" napakamot nalang sya sa ulo bago umalis. Sanay na yan sa araw-araw kong order, pero di naman ako tumataba.
Saglit akong nag basa ng libro at napaangat ng tingin ng may umupong babae sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
Btw, He's my Bestfriend
Teen FictionSince birth, Euphoria and Franzean is inseparable. Their friendship is stronger than any relationships. But as they say, feelings can ruin friendships.