Naglalakad si Euphoria sa gilid ng basketball court habang hinahanap ang kaibigang si Yumi. Halos maiyak na sya ng hindi nya talaga makita ang kaibigan dahil saglit lang naman syang bumili sa cateen, nawala na ito kaagad.
"Oy tanga tumabi ka!" Napalingon si Phori doon sa sumigaw pero sakto naman sa paglingon nya ang pagtama ng bola sa mukha nya.
Sa sobrang lakas ng impact ng bola ay napaupo sya sa sahig at umiyak ng malakas habang nakahawak sa mukha. Agad naman syang nilapitan nung lalaking naka-bato sakanya.
"Sabi ko kasi tumabi ka eh." Naiiling na sabi nung batang lalaki at binato pabalik ang bola sa mga kaibigan.
Babalik narin sana sya kaso napahinto sya ng makitang hindi parin tumitigil sa pagiyak si Euphoria. Napabuntong hininga nalang sya at umupo sa tabi nung bata.
"Napaka-bad mo!" Napangiwi naman ang batang lalaki dahil sa pagiging isip bata ni Euphoria. She's already turning 7 tomorrow pero ganyan parin sya magisip.
"I'm sorry.." paghingi naman ng tawad nung batang lalaki at dahan-dahang tinanggal ang pagkaka-hawak ni Phori sa mukha nya. Napanganga ang batang lalaki ng makita ang mukha ni Euphoria na may gasgas sa may bandang kaliwang side ng mukha.
Nataranta naman ang batang lalaki at kinuha ang panyo nya para punasan ang luha ni Phori. Sa gitna ng pag aayos nya sa mukha ni Euphoria ay natawa sya dahil sa katabaan ng mukha nito.
"Anong tinatawa mo dyan ha!" Masungit na sabi naman ni Phori doon sa bantang lalaki na hindi na napigilan ang kamay at kinurot na ang pisngi ni Euphoria. "Erey! Mesheket!"
Lalong natawa ang bata dahil sa reaction ni Phori. "Parang siopao mukha mo HAHA. Ako nga pala si Franzean"
Sinimangutan sya ni Euphoria at hindi pinansin ang naka-lahad na kamay sakanya ni Franzean. "Baka usto mong dalhin muna ako sa clinic bago ka mag ganyan-ganyan!"
Natawa si Franzean sa sobrang kasungitan ni Euphoria at gaya nga ng sabi ni Phori, dinala sya ni Franzean sa clinic.
"Ano ba yan! Bertdey na bertdey ko bukas tapos ganito ang itsuwa ko!" Inis na sabi ni Euphoria habang nakatingin sa salamin ng clinic.
"Birthday mo bukas?" Tanong naman ni Franzean sakanya.
"Oo! Gusto mo pumunta?" Taas noong tanong naman ni Euphoria sakanya.
"Cge!" Napalitang ng ngiti ang masungit na mukha ni Euphoria ng sagutin sakanya iyon ni Franzean.
————————
"Mommy, Daddy! Meet Franzean" ngiting-ngiting pakilala ni Euphoria kay Franzean sa mga magulang nya ng makapunta na si Zean sa birthday nya.
BINABASA MO ANG
Btw, He's my Bestfriend
Teen FictionSince birth, Euphoria and Franzean is inseparable. Their friendship is stronger than any relationships. But as they say, feelings can ruin friendships.