Gabi na ng mahatid ako sa condo ni Raze dahil maraming hindi magets si Rizza kaya naman lahat ng iyon ay tinuro ko sakanya. Kahit abutin pa kami ng madaling araw doon, hindi ako titigil hanggat hindi nya nagegets.
"Thank you, Phori" sabi nya habang tinatanggal ko ang seatbelt na nakasuot saakin.
"Okay lang yun, ano ka ba!" Natatawa kong sabi at lumabas na ng sasakyan.
"See you tom!" Pahabol nya pa. Kinindatan ko nalang sya at pumasok na agad sa Condo. Hindi mawala ang ngiti ko hanggang makapasok ako sa elevator. Hayst, ang lakas ng tama mo saakin, Cypheraze!
Nawala ang ngiti ko pagkalabas ng elevator dahil nakita ko si Zean na nakasandal sa tabi ng pinto ko, naka-crossed arms habang nakayuko. Anong ginagawa nito?
Kinalabit ko sya ng mapagtantong tulog pala sya. Agad naman syang napadilat at nagulat ng makita ako.
"Ba't dito ka natutulog sa labas? Anak ka sa labas no?" Inirapan nya lang ako. Hindi naman nya sinabi na anak sya sa labas. Kawawa naman tong kaibigan ko.
"San ka galing?" Seryosong tanong nya.
"Sabi ko naman sayo diba? Kela Raze nga" sabi ko at kinuha na ang susi sa bag ko.
"Why aren't you answering my calls and texts?" Napatingin ako sakanya dahil sa gulat. What the wings! Agad kong kinuha ang phone ko sa bulsa at napagtantong naka-silent pala yun! Napanganga ako ng makita ang mga text at missed calls nya.
183 missed calls
Oy, siopao asaan ka?
Mag text ka saakin kung nasaan ka
Sagot naman oh.
Hoy, gabi na umuwi ka na.
Asan ka ba?
Magtatanong ako sa mga kaibigan ni Raze kung saan ang bahay nya.
Hoy, sumagot ka naman punyeta.
Nag aalala na ko sayo.
Pati kuya mo nag aalala na. Pati sakanya, hindi ka nag tetext?
"Anong silbi ng phone mo kung hindi mo ginagamit?!" Inis na tanong nya saakin dahilan para mapatigil ako sa pagbabasa. Hindi ko sya sinagot at binuksan na ang pinto ng unit ko.
"Kahit sa kuya mo nalang, Euphoria! Mag paalam ka man lang o kaya sabihin mo kung nasaan ka! Grabe ang pag aalala namin sayo!" Galit na nga sya.
"Bakit? Sabi mo diba wala kang pakielam? Tapos ngayon kung mag alala ka parang jowa mo ko!" Sigaw ko sakanya at binato ang bag ko sa sofa dahil sa inis.

BINABASA MO ANG
Btw, He's my Bestfriend
Teen FictionSince birth, Euphoria and Franzean is inseparable. Their friendship is stronger than any relationships. But as they say, feelings can ruin friendships.